Jessy Mendiola, ibinunyag ang kanyang "rule" bago bumili ng bagong bag

Jessy Mendiola, ibinunyag ang kanyang "rule" bago bumili ng bagong bag

  • Si Jessy Mendiola ay muling nagpamalas ng kanyang pagiging praktikal
  • Kamakailan ay ibinahagi ni Jessy ang kanyang "rule" bago bumili ng luxury item
  • Sa Instagram, ipinakita ni Jessy na ibinebenta na niya ang kanyang Chanel bag
  • Kasama ng post ay ang "rule" na fina-follow ni Jessy sa pagsa-shopping

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Jessy Mendiola, isang aktres, ay muling nagpamalas ng kanyang pagiging praktikal matapos niyang ibahagi ang isang patakaran na kanyang sinusunod bago bumili ng bagong luxury bag.

Sa kanyang Instagram post, nag-repost si Jessy ng litrato mula sa @luxe_finds na nagtatampok ng isang eleganteng gray Chanel bag. Ayon sa aktres, ang bag na iyon ay dati nang sa kanya, ngunit napagdesisyunan niyang pakawalan ito dahil sa rule na sinusunod niya para sa sarili.

Jessy Mendiola, ibinunyag ang kanyang "rule" bago bumili ng bagong bag
Jessy Mendiola, ibinunyag ang kanyang "rule" bago bumili ng bagong bag (@jessymendiola)
Source: Instagram

Aniya Jessy, "Letting go of this beauty. I have a rule that I cannot have too many bags. So I make sure to let go before getting another one. Please send @luxe_finds a message if you're interested."

Read also

Ara Mina, naantig sa ginawa ng anak na si Mandy sa Eastwood Walk of Fame star niya

Makikita sa kanyang mensahe ang malinaw na disiplina at pagiging maingat sa paggastos. Sa halip na mag-ipon lamang ng napakaraming gamit, pinipili ni Jessy na magbenta muna online.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi na bago sa kanyang mga tagahanga ang ganitong mindset ng aktres. Noong May 2021, gumawa rin siya ng ingay online matapos niyang ikuwento ang kanyang pagiging "tipidera." Ibinunyag ni Jessy noon na isa siya sa mga taong marunong magtipid, at bahagi nito ang pagbebenta ng lumang gamit bago mag-invest sa panibagong luxury item na nagustuhan niya.

Para sa marami, ang pagbabahagi ni Jessy ng kanyang 'bag rule' ay nagsilbing inspirasyon lalo na sa mga kababaihang nahuhumaling sa luxury goods. Ipinapakita nito na kahit may kakayahan siyang bumili ng mamahaling gamit, pinipili pa rin niyang maging responsable at praktikal.

Sa iba't ibang social media platforms, maraming netizens naman ang nagpahayag ng paghanga sa aktres. Marami ang nagsabing natutuwa sila sa simpleng prinsipyo ni Jessy at nagsilbi itong paalala na mas mainam ang maging disiplinado kaysa magpadala sa impulsive buying.

Read also

Maine Mendoza, nagbanta ng legal action laban sa mga nag-akusa kay Arjo Atayde

Jessy Mendiola, ibinunyag ang kanyang "rule" bago bumili ng bagong bag
Screenshot mula sa Instagram ni @jessymendiola
Source: Instagram

Si Jessy Mendiola ay isang sikat na Filipina aktres. Noong 2007, opisyal siyang inilunsad bilang bahagi ng Star Magic Batch 15 ng ABS-CBN. Sa sumunod na mga taon, gumanap siya sa ilang mga supporting role sa serye at kalaunan ay bumida na rin sa ilang hit series tulad ng Budoy, Paraiso, at Maria Mercedes. Bukod sa kanyang mga tungkulin sa telebisyon, nagkaroon din siya ng ilang pagganap sa pelikula. Sa kanyang personal na buhay naman ay kasal siya kay Luis Manzano at sila ay may isang anak na nagngangalang Isabella Rose, na tinatawag din nilang Rosie o Peanut.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling nagdala ng good vibes ang mister ni Jessy Mendiola na si Luis Manzano. Sa Instagram, ipinost ni Luis ang inabot sa kanya ni Baby Rosie na laruan. Nang tanungin naman ni Luis kung ano ito, tila naloka siya sa sagot ni Peanut. Agad namang natawa ang mga netizens sa kwento na ito ng TV host sa page niya.

Read also

Carlo Aquino, ibinunyag na nagalit ang ina dahil sa pillow fight scene nila ni Anne Curtis

Samantalang si Jessy Mendiola ay naging usap-usapan dahil sa kanyang interview. Kamakailan lang ay ininterview kasi si Jessy ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel. Dito ay natanong ni Mama Ogs si Jessy sa kung anong "fake news" ang gusto niyang linawin. Nabanggit tuloy ni Jessy ang isyung "third party" niya noon sa nasabing interview.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco