Vice Ganda, naantig sa binigay ng isang Pinay fan sa kanya sa 'ASAP' show sa England

Vice Ganda, naantig sa binigay ng isang Pinay fan sa kanya sa 'ASAP' show sa England

  • Si Vice Ganda ay labis na naantig habang nagpe-perform sa 'ASAP' stage sa England
  • Nakipag-interact kasi si Vice sa audience, at may nakausap na isang Pilipina na fan
  • Ngunit tila naloka naman si Vice dahil sa inabot at binigay sa kanya ng naturang fan
  • Dahil dito, agad na inulan ang fan ng mga tanong mula sa nag-iisang 'Unkabogable Star'

Si Vice Ganda, isang sikat na Kapamilya star, ay labis na naantig ang puso matapos makatanggap ng isang espesyal at taos-pusong regalo mula sa isang Pinay fan sa 'ASAP' show nila sa England.

Vice Ganda, naantig sa binigay ng isang Pinay fan sa kanya sa 'ASAP' show sa England
Photos: ABS-CBN Entertainment on YouTube
Source: Youtube

Sa isang viral na video na kumalat sa social media, makikita ang saya ng mga manonood habang nakikipag-interact si Vice sa crowd. Ngunit naging mas emosyonal ang eksena nang lumapit ang isang babae mula sa audience at iniabot sa kanya ang isang half-eternity ring. Agad na pabirong nagtanong si Vice, "You're giving me a ring? I'm married!" at sinundan pa nga ng, "Friendship ring? Why are you giving me a friendship ring?" na kinagiliwan naman ng marami sa audience.

Read also

Ara Mina, naantig sa ginawa ng anak na si Mandy sa Eastwood Walk of Fame star niya

Nang mabigyan ng pagkakataon na magsalita ang babae, ipinaliwanag nito ang kanyang rason sa pagbibigay ng singsing. Aniya, nais niyang bigyan si Vice ng friendship ring dahil sa layo na ng narating ng komedyante at sa matinding pagmamalaki niya rito bilang isang Pilipino. Ibinahagi rin niya na unang beses niyang nakita si Vice sa London, mahigit 10 taon na ang nakalipas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Cause I’m really proud of you, and I saw you 10 years ago in London, and you’ve come a long way, and you’re really smart and big-hearted!" ani ng fan na ikinagulat at ikinatuwa ng TV host.

Halatang naantig si Vice sa mga salitang iyon at hindi napigilang magpasalamat. "Oh my God, thank you, that melts my heart," tugon niya na agad ding nakapukaw ng kilig at emosyon.

Pagbalik niya sa stage, game na game namang sinuot ni Vice ang singsing at nagkaroon pa nga ng munting 'photoshoot moment.' Nag-pose siya ng ilang beses habang ipinapakita ang singsing sa camera, na nagdulot naman ng tawanan mula sa audience, at pati na rin sa mga netizens.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa napili niyang background music

Kitang-kita kay Vice na lubos siyang natuwa at na-touch sa simple pero makabuluhang regalo.

Sa simpleng sandaling iyon ay muling napatunayan na bukod sa talento at kasikatan ni Vice Ganda, mas nangingibabaw ang kanyang koneksyon sa mga taong sumusuporta sa kanya.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng showbiz.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay ng matinding pahayag laban sa korapsyon si Vice Ganda sa segment na 'Laro Laro Pick' ng It's Showtime. Sinabi niyang hindi lang salapi kundi pati pag-asa, pangarap, at buhay ang ninanakaw ng mga korap sa gobyerno. Pinaalalahanan niya ang mga manonood na bumoto nang tama upang hindi maulit ang katiwalian. Maraming netizens ang sumang-ayon at naantig sa powerful message ng komedyante sa noontime program.

Read also

Sikat na conservative activist at influencer, patay matapos barilin sa leeg habang nasa event

Samantalang marami ang nagulat sa ibinunyag kamakailan lang ni Vice Ganda sa X (dating Twitter). Sa naturang site, ibinahagi ni Vice na siya mismo ang nakipag-ugnayan kay Atty. Annette Gozon. Aniya, may kinalaman kasi ito sa kanilang talent na si Shuvee Etrata, na gusto ni Vice. Ibinahagi ni Meme ang rebelasyon na ito matapos ang kanilang vlog shooting nito lamang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco