Donnalyn Bartolome, pinarangalan sa Europe, nagbigay ng matinding pahayag ukol sa baha sa Pilipinas

Donnalyn Bartolome, pinarangalan sa Europe, nagbigay ng matinding pahayag ukol sa baha sa Pilipinas

  • Donnalyn Bartolome ginawaran ng Best Content Creator Award sa Septimius Awards 2025 sa Amsterdam
  • Sa kaniyang acceptance speech, tinutukan niya ang matagal nang problema ng pagbaha sa Pilipinas
  • Ipinanawagan niyang magtanim ng puno bilang simpleng aksyon para sa planeta
  • Ipinunto niyang higit pa sa content ang kaniyang ginagawa dahil layunin niyang tumulong at magbigay-inspirasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Hindi lamang tagumpay ang bitbit ni Donnalyn Bartolome sa Septimius Awards 2025 sa Amsterdam, kundi pati na rin ang isang makabuluhang mensahe. Matapos niyang tanggapin ang Best Content Creator Award, ginamit niya ang pagkakataon para bigyang-diin ang isa sa pinakamalalaking problemang kinahaharap ng Pilipinas—ang patuloy na pagbaha

Donnalyn Bartolome, pinarangalan sa Europe, nagbigay ng matinding pahayag ukol sa baha sa Pilipinas
Donnalyn Bartolome, pinarangalan sa Europe, nagbigay ng matinding pahayag ukol sa baha sa Pilipinas (📷Donnalyn/Facebook)
Source: Facebook

Sa entablado, buong puso niyang ipinaliwanag na higit pa sa pagpapatawa o pagbibigay-saya ang kaniyang content creation. “I’m deeply honored to be awarded tonight. I create content to inspire. I love making people happy and to fund a lot of causes and prevention initiatives. I’m from the Philippines, and one of the most heartbreaking issues we face back home is the floods,” ani Donnalyn.

Read also

Bela Padilla, hindi sumasang-ayon sa ideolohiya ni Sen. Robin Padilla

Binigyang-diin pa niya na taon-taon, libo-libong Pilipino ang naaapektuhan ng pagbaha—mga pamilya ang napipilitang lumikas at buhay ang nasasayang. “Every year, communities are displaced, lives are lost, and it’s a cycle we’ve been stuck in for far too long. I’ve always believed prevention is better than cure. While we hope for and continue to push for our government to do better with regard to our flood control systems, we are also taking action into our own hands by planting trees and bamboo,” dagdag niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa mensahe niya para sa international crowd, hinikayat niya ang lahat na kumilos para sa kalikasan. “I’m standing here in front of you, not just as an awardee, but someone who’s using this moment to influence. If you take anything from this, let it be this: please plant at least one tree in your lifetime. It’s a simple act of love for the one home we all share, our planet. So far, we’ve planted over a thousand trees, and each tree only costs one dollar, and tonight, a self-made agency pledged for one hundred more trees,” pahayag niya, na nagdulot ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood.

Read also

Mariel Padilla, dinepensahan ang asawang si Robin: "To claim he disrespects the flag is unfair"

Nagkataon ring ang kaniyang pahayag ay dumating kasabay ng pag-uulat tungkol sa mga isyu ng katiwalian na kinasasangkutan ng ilang flood control projects sa Pilipinas. Sa kaniyang talumpati, ipinakita ni Donnalyn na malaki ang magagawa ng sama-samang aksyon ng komunidad habang nananawagan din ng mas responsableng hakbang mula sa gobyerno.

Si Donnalyn Bartolome ay unang nakilala bilang vlogger bago pumasok sa industriya ng musika. Kabilang sa kaniyang mga sumikat na kanta ay “Kakaibabe” at “Happy Break Up.” Bukod sa pagiging content creator, kilala rin siya bilang influencer na may malakas na boses sa iba’t ibang social issues. Sa personal na buhay, siya ay kasalukuyang nasa relasyon kasama ang aktor na si JM De Guzman.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan sa social media ang anniversary celebration nina Donnalyn at JM De Guzman. Ibinahagi sa isang post na sinorpresa ni JM si Donnalyn ng isang espesyal na regalo, na labis na kinilig ang kanilang mga fans. Pinuri ng netizens ang pagiging thoughtful ng aktor at ang closeness ng dalawa.

Read also

Sen. Ping Lacson, kinumpirma ang pagbisita ng WJ Construction official sa Senado

Sa isa pang pagkakataon, nag-viral din ang birthday greeting ni Donnalyn para kay JM. Ibinuhos niya ang kaniyang taos-pusong mensahe na nagpamalas ng kanilang pagmamahalan. Maraming tagahanga ang natuwa sa pagiging open ng dalawa sa kanilang relasyon at kung paano nila pinapahalagahan ang isa’t isa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate