Alex Gonzaga, ipinatanggal ang nose implant: “Back to normal nose na tayo”
- Alex Gonzaga ibinahagi ang kaniyang rhinoplasty removal journey sa isang vlog nitong Setyembre 14
- Ipinaliwanag ng aktres na namumula ang kaniyang ilong lalo na kapag malamig, puyat o pagod siya
- Sa tulong ni Dra. Vicki Belo, matagumpay na natanggal ang kaniyang goretex implant matapos ang dalawang taon
- Proud na ipinakita ni Alex ang recovery process at nagpasalamat sa suporta ng mga mahal sa buhay
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ibinahagi ni Alex Gonzaga ang kaniyang personal na karanasan tungkol sa pagtanggal ng rhinoplasty implant sa kaniyang latest vlog na in-upload noong Linggo, Setyembre 14.

Source: Instagram
Ayon sa TV host, aktres, at social media personality, dalawang taon matapos ang pagpapagawa ng kaniyang ilong, napagdesisyunan niyang ipatanggal na lamang ang goretex implant dahil sa paulit-ulit na pamumula nito.
Sa kaniyang Facebook post, inilakip niya ang link ng vlog kung saan mas detalyado niyang ipinakita ang buong proseso ng pagtanggal ng implant. “Parang naglalaro nalang pero legit na pinatanggal ko na ilong ko!! Back to normal nose na tayo,” ani Alex.

Read also
23-anyos na lalaking nakakaranas umano ng depresyon, minasaker ang sariling pamilya gamit ang maso
Ipinaliwanag ni Alex na isa sa mga pangunahing dahilan ng kaniyang desisyon ay ang pamumula ng kaniyang ilong, lalo na kapag malamig ang panahon, kapag siya ay puyat o kapag napapagod. Maging ang ilang kasamahan niya sa industriya tulad ni Toni Fowler ay nakakapansin sa kondisyon ng kaniyang ilong. “After two years, nakapag-decide na ‘ko na tanggalin ko na lang,” dagdag pa niya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang orihinal na rhinoplasty procedure ni Alex ay ginawa ni celebrity doctor Dra. Vicki Belo, na siya ring tumulong sa pagtanggal ng implant. Sa vlog, ipinakita ng aktres ang kabuuang proseso mula sa mismong pagtanggal hanggang sa kaniyang recovery stage.
Matatandaang Disyembre 2023 nang ibahagi ni Alex ang resulta ng kaniyang pagpaparetoke ng ilong sa Instagram. Noon pa man ay matagal na raw niyang pinag-iisipan ang pagpapabago ng anyo, hanggang sa tuluyan siyang nagdesisyon. “I say do what makes you happy! After so many years of contemplating, last month I finally decided to do it. Wala ng nakapigil. Now you nose! #filternomore #Belo,” ani Alex sa kaniyang IG post.

Read also
Diwata, inilahad ang matinding dagok sa negosyo: "Masama ang loob ko, nautangan pa nila ako"
Dagdag pa niya sa isa pang post, pabirong sinabi niyang, “Magpaganda ka habang wala sa bahay asawa mo.. pagbalik nya tapos nagtaka sya saka mo sabihin ‘ako lang to’ #NowYouNose.”
Si Alex Gonzaga ay isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz na aktibo sa telebisyon at social media. Bukod sa pagiging aktres at host, kilala rin siya bilang vlogger na may milyon-milyong subscribers sa YouTube. Sa kaniyang mga video, madalas niyang ibahagi ang mga personal na karanasan, family bonding moments, at mga nakakaaliw na content na patok sa netizens.
Kamakailan ay muling pinatawa ni Alex ang netizens matapos mag-post ng edited photo kasama ang kanilang alagang aso na si Polly. Sa larawang iyon, tila pinagsama ang mukha ni Alex at ni Polly na labis na kinatuwa ng kaniyang mga followers. Marami ang natuwa sa pagiging playful ng aktres at sa kaniyang kakayahang magbigay ng good vibes sa social media.

Read also
Matandang babae, na-scam ng nagpanggap na umano'y lalaking astronaut na stranded sa outer space
Samantala, naging usap-usapan din ang sweet video nina Alex at ng kaniyang mister na si Mikee Morada. Sa isang clip na tinawag nilang “power couple video,” inamin ni Alex na hindi raw sa kaniya nagmula ang ideya kundi kay Mikee mismo. Ang naturang post ay muling nagpatunay sa chemistry ng dalawa na laging inaabangan ng kanilang fans online.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh