Diwata, ibinida ang ibang negosyo: "Meron akong ibang source of income bukod sa paresan ko"

Diwata, ibinida ang ibang negosyo: "Meron akong ibang source of income bukod sa paresan ko"

  • Ibinida ni Deo Balbuena o mas kilala bilang si Diwata ang iba pa niyang pinagkakakitaan
  • Sa panayam sa kanya ni Julius Babao, ibinakita pa niya sa batikang journalist ang opisina ng nasabing negosyo na kalapit lamang ng kanyang tahanan
  • Sa naturang na panayam din nailahad ni Diwata ang matinding dagok na piangdaanan ng kanyang paresan partikular na sa franchise nito
  • Gayunpaman, pinatunayan pa rin ni Diwata na patuloy siyang nagsisikap at nagpapalago ng iba pa niyang mga negosyo

Ibinida ni Deo Balbuena, na mas kilala ng publiko bilang si Diwata, ang iba pa niyang pinagkakakitaan sa panayam ng batikang journalist na si Julius Babao.

Diwata, ibinida ang ibang negosyo: "Meron akong ibang source of income bukod sa paresan ko"
Diwata, ibinida ang ibang negosyo: "Meron akong ibang source of income bukod sa paresan ko" (Julius Babao Unplugged)
Source: Youtube

Sa nasabing panayam, ipinakita pa ni Diwata ang opisina ng kanyang bagong negosyo na DJB Safety Gears Trading, na kalapit lamang ng kanyang tahanan.

Ayon sa kanya, ito ang isa sa mga paraan niya upang mapalago pa ang kanyang kita at makapaghanda sa kabila ng pabago-bagong takbo ng negosyo.

Read also

Diwata, inilahad ang matinding dagok sa negosyo: "Masama ang loob ko, nautangan pa nila ako"

Naikwento rin ni Diwata ang matinding dagok na naranasan ng kanyang paresan, partikular na ang franchise nito.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado siyang humina na ang benta kumpara noong kasagsagan ng kasikatan, subalit nananatili pa ring bukas ang kanyang mga tindahan dahil mayroon pa ring mga parokyanong patuloy na tumatangkilik.

Aniya, hindi niya rin basta-basta kayang iwanan ang paresan dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakakilanlan.

Bukod sa pagkain, pinasok na rin ni Diwata ang pagbebenta ng mga construction equipment, partikular na ng safety gears.

Ipinaliwanag niya na malapit sa kanya ang industriyang ito dahil minsan na rin siyang naging construction worker.

"Kaya may knowledge ako sa mga safety gears kaya ito ang naisip kong business kasi ang alam ko ito ang business na kahit hindi siya mabili ng ilang araw, hindi siya masisira," ani Diwata.

Bagama’t ipinakita niya ang bago niyang negosyo, pinili ni Diwata na hindi na isa-publiko ang iba pa niyang pinagkakakitaan.

Read also

Ice Seguerra, naging emosyonal sa pagdalaw sa puntod ng mga magulang: “I love you, Mama and Daddy”

"Aside from dito, meron pa akong ibang business siguro hindi ko na ipi-flex kasi hindi naman kailangan, so meron akong ibang source of income bukod doon sa paresan ko," dagdag niya.

Sa kabila ng mga pagsubok, pinatunayan ni Diwata na patuloy siyang nagsisikap at handang mag-diversify upang mapanatili ang kanyang kabuhayan.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Noong 2024, masayang tinanggap ni Diwata ang Most sensational media personality of the year ng Gawad Dangal Filipino Awards. Ayon kay Diwata, iyon na umano ang ikatlong award na kanyang natanggap sa buwan lamang ng Hunyo.

Samantala, naging bahagi rin si Diwata ng seryeng Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Masasabing napaka-busy talaga noong nakaraang si Diwata na nadagdagan pa ang kanyang Pares Overload branch na mayroon na rin sa Quezon City. Matatandaang bongga ang naging grand opening nito na dinaluhan ng ilang mga kilalang artista.

Read also

Jon Lucas, pinuri ang delivery men na nagsauli ng kanyang wallet

Noong Oktubre 2024, pormal niyang inihain ang kanyang certificate of candidacy, na naglalayong magsilbing boses ng mga maliliit na negosyante, lalo na ang mga nagtitinda sa kalsada, sa Kongreso. Isa sa mga layunin ng Vendors Party-list ay magtatag ng kooperatiba upang matulungan ang mga nagtitinda na madaling makakuha ng suporta at mga pwesto para magbenta.

Nito lamang Pebrero 2025, muling gumawa ng ingay ang pangalan ni Diwata nang humingi siya ng paumanhin at patawad matapos ang mga larawan niyang nakasuot ng tradisyunal na kasuotan ng mga katutubong tao sa Panagbenga Festival sa Baguio ay nakatanggap ng mga puna mula sa National Commission on Indigenous Peoples, na nag-akusa ng cultural appropriation.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: