Agot Isidro, ibinunyag kung bakit maraming nag-alala sa 'Matmat Breakdown' scene ni Carlo Aquino
- Si Agot Isidro ay labis na humanga sa kanyang co-star na si Carlo Aquino
- Sa Instagram, nagbigay ng 'trivia' si Agot sa emotional na 'breakdown' scene ni Matmat
- Matatandaang si Matmat ang naibigay na role kay Carlo sa PH adaptation ng 'IOTNBO'
- Aniya Agot, marami raw sa kanila ang talagang nag-alala para kay Carlo
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Agot Isidro, beteranang Filipina actress, ay nagbigay ng papuri sa kanyang co-star na si Carlo Aquino matapos ang matinding eksena nito bilang Matmat sa Philippine adaptation ng It's Okay to Not Be Okay. Kamakailan, umani ng papuri mula sa mga netizens ang 'breakdown scene' ng aktor, na tinawag naman ng marami bilang isa sa pinakamatinding eksenang kanyang nagawa. Ngunit ayon kay Agot, hindi biro ang hirap na pinagdaanan ni Carlo para maisakatuparan ito.

Source: Instagram
Sa Instagram, ibinahagi ni Agot ang candid shot ni Carlo matapos ang eksena at ibinahagi kung gaano kahirap ang naging proseso sa eksenang iyon. "Took this shot after the ‘MatMat Breakdown’ scene. Nakita niyo kung gaano kahusay si Caloy. Guys, maraming shots yun. Di lang isa. Di biro yung highly-emotional scene, mainit at mabigat ang suot at naka-wig. At mainit sa set. May time, worried kami kasi baka mahimatay na lang siya. Napakahirap ng eksena," aniya Agot.
Dagdag pa ni Agot, kitang-kita kung gaano kalaki ang dedikasyon ni Carlo sa kanyang trabaho. "Sobrang dedicated mo, @jose_liwanag, at napakahusay," dagdag pa nga ng aktres sa post niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, mas lalo pang umani ng paghanga si Carlo mula sa publiko, hindi lamang sa kanyang natural na husay sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang propesyonalismo at dedikasyon sa sining. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang respeto sa aktor, na tila handang ibigay ang lahat para lang mailabas ang makatotohanang emosyon na hinihingi ng eksena.

Source: Instagram
Si Agot Isidro ay isang batikang Filipina actress na kilala sa kanyang husay sa pag-arte sa telebisyon at pelikula. Nagsimula siya sa showbiz bilang isang singer, ngunit mas lalo siyang nakilala bilang isang versatile actress na kayang gumanap sa iba't ibang uri ng papel — mula kontrabida hanggang sa mga dramatic roles. Ilan sa naging proyekto niya ay ang Forevermore at Ang Sa Iyo Ay Akin. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, kilala rin si Agot bilang isang outspoken personality. Madalas siyang magpahayag ng kanyang saloobin ukol sa mga isyung panlipunan at pampulitika, bagay na nagbigay sa kanya ng respeto mula sa maraming Pilipino
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ipinagdiwang ni Agot Isidro ang kanyang ika-59 kaarawan noong July 20 sa pamamagitan ng isang taos-pusong pagninilay sa social media. Nagpahayag ang aktres ng pasasalamat sa pagmamahal na kanyang natanggap at ibinahagi rin na patuloy pa ring nagtuturo ang buhay ng mga bagong aral sa kabila ng kanyang edad.
Samantalang humingi ng paumanhin si Agot Isidro matapos niyang makalimutan ang kanyang mga linya sa pagtatanghal ng Dagitab noong July 12, na kanyang itinuro sa mental fatigue matapos magtrabaho nang tuloy-tuloy sa loob ng mahigit dalawang buwan. Ibinahagi niya na tila "nag-shut down" ang kanyang isipan sa kalagitnaan ng performance, dahilan para hindi niya maalala kahit isang salita at mapilitang umalis sa entablado agad.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh