Mariel Padilla, dinepensahan ang asawang si Robin: "To claim he disrespects the flag is unfair"

Mariel Padilla, dinepensahan ang asawang si Robin: "To claim he disrespects the flag is unfair"

  • Muling dinepensahan ni Mariel Padilla ang kanyang asawa na si Robin Padilla
  • Sa Facebook, nag-post si Mariel ng statement ukol sa pang-aakusa sa senador
  • Aniya Mariel, unfair daw na i-claim na dinisrespect ni Sen. Robin ang watawat
  • Bukod pa rito ay nag-post din si Mariel ng malinaw na kuha ng viral na photo

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling umalma at dumipensa si Mariel Padilla sa asawa niyang si Sen. Robin Padilla matapos itong akusahan ng diumano'y pagtaas ng middle finger habang inaawit ang National Anthem.

Noong Friday, September 12, nag-post si Mariel sa kanyang Facebook page ng isang malinaw na kuha kung saan makikitang index finger ang tinaas ni Robin at hindi ang middle finger niya.

Mariel Padilla, dinepensahan ang asawang si Robin: "To claim he disrespects the flag is unfair"
Photos: @egarivera on Instagram | Mariel Rodriguez Padilla on Facebook
Source: Instagram

"My husband is a devout Muslim and a proud Filipino. During the national anthem, he recites the Kalima — the Muslim declaration of faith, affirming his devotion to Allah. This is not an act of disrespect but a personal expression of faith, while at the same time standing in honor of our country," paliwanag ni Mariel sa kanyang post na ngayo'y viral na sa social media platforms.

Read also

Mikael Daez, kinailangan operahan dahil sa kanyang "first major injury"

Bilang patunay na walang nilabag na batas si Sen. Robin, binanggit ni Mariel ang Republic Act No. 8491. Ayon sa kanya, walang nakasaad sa batas na dapat "flat" ang palad habang inaawit ang Lupang Hinirang. "Nowhere in the law does it require the palm to be 'flat.' That is only a practice taught in schools and ceremonies, not part of the legal text. No law was broken," giit ng TV host.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, unfair daw na sabihing nilapastangan ng senador ang watawat ng Pilipinas, "To claim he disrespects the flag is unfair. He is one of the most patriotic people I know—he even travels with the Philippine flag in his luggage and hangs it in every hotel room we stay in."

Sa pagtatapos ng kanyang post, iginiit ni Mariel na hindi kailanman magkakasalungat ang pananampalataya at pagiging makabayan ng kanyang asawa. "His faith and patriotism are not in conflict. Serving Allah strengthens his love and service to the Philippines," aniya ng TV host.

Read also

Kris Aquino, ibinahagi ang pagdalaw ng dating minahal at pagkakakilala sa bagong doktor

Sa kabila ng samu't-saring reaksyon ay pinaninindigan ni Mariel na walang masamang intensyon ang senador at ang kanyang kilos ay isang pagsasanib ng pananampalataya at malasakit para sa bayan. Sa kabila ng kontrobersiya, ipinakita ni Mariel ang kanyang buong suporta sa asawa at binigyang-diin ang pagmamahal nito sa Pilipinas bilang mamamayan.

Si Mariel Padilla ay isang kilalang TV host sa Pilipinas. Nakilala siya bilang isa sa mga host ng noontime show na Wowowee at kalaunan ay naging bahagi rin ng It's Showtime. Maliban dito, naging visible siya sa iba't ibang programa ng ABS-CBN at TV5. Kilala siya sa kanyang husay sa pakikipag-ugnayan sa mga manonood at pagiging natural sa harap ng kamera. Sa personal na buhay, si Mariel ay ikinasal kay Robin Padilla noong 2010. Sila ay biniyayaan ng dalawang anak na babae. Kilala rin siya sa pagiging hands-on na ina at madalas niyang ibinabahagi sa social media ang kanyang motherhood journey. Bukod sa showbiz, naging abala rin siya sa ilang business ventures at online content creation, na lalo pang nagpalapit sa kanya sa mga fans.

Read also

Reaksyon ni Philmar Alipayo sa panti-trip ni Andi Eigenmann sa kanya, viral

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nakasama nina Mariel Padilla, Sen. Robin Padilla, at ng kanilang mga anak na sina Isabella at Gabriela ang pamilya ni Sen. Tito Sotto. Tampok sa masayang pagtitipon ang isang homemade hotpot dinner na nagpakita ng pagiging malapit ng pamilya Padilla at Sotto. Parehong nagbahagi sina Mariel at Ciara ng mga larawan mula sa hapunan sa kanilang opisyal na Instagram.

Samantalang isa si Mariel Padilla sa mga nagbahagi ng kaganapan mula sa bonggang baby shower ni Sen. Camille Villar sa social media. Ipinost ng asawa ni Sen. Robin Padilla ang ilang larawan mula sa event na kuha ng Next by Metrophoto, na tampok ang selebrasyon. Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan ni Sen. Villar mula sa mundo ng pulitika at showbiz, kabilang sina Toni Gonzaga at Ruffa Gutierrez.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco