Alden Richards, trending dahil sa cryptic post laban sa “kuracaught” officials

Alden Richards, trending dahil sa cryptic post laban sa “kuracaught” officials

  • Alden Richards nag-post sa Instagram tungkol sa “kuracaught” o mga corrupt na opisyal
  • Hindi siya nagbanggit ng pangalan ngunit may ilang netizens na nag-isip na si Arjo Atayde ang pinatatamaan
  • Fans ni Alden nagdepensa at sinabing generic ang post ng aktor laban sa katiwalian
  • Maine Mendoza ipinagtanggol si Arjo at itinanggi na galing sa buwis ng bayan ang kanilang pamumuhay

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Naging sentro ng usapan sa social media si Asia’s Multimedia Star Alden Richards matapos mag-post ng kanyang saloobin tungkol sa isyu ng korapsyon sa Pilipinas.

Alden Richards, trending dahil sa cryptic post laban sa “kuracaught” officials
Alden Richards, trending dahil sa cryptic post laban sa “kuracaught” officials (📷@aldenrichards02/Instagram)
Source: Instagram

Sa gitna ng sama ng loob ng mga Pilipino sa lumalalang pangungurakot, naglabas ang Kapuso actor ng isang IG story na agad nagdulot ng intriga at espekulasyon mula sa netizens.

Ibinahagi ni Alden ang isang artcard kung saan nakasulat ang salitang “kuracaught.” Ayon dito, ang ibig sabihin ng termino ay, “corrupt na opisyal or indibidwal na huling-huli na sa ginagawang walang-habas na katiwalaan at pangungurakot.”

Read also

Vice Ganda, pinuri ng netizens dahil sa kanyang matapang na mensahe laban sa katiwalian

Sa kanyang post, hindi siya nagbanggit ng partikular na pangalan o grupo, ngunit may ilan sa mga netizens na agad nag-assume na si Congressman Arjo Atayde, asawa ng dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza, ang pinatatamaan ng aktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa mga komentong naglabasan online, hinamon pa ng ilang supporters ni Arjo si Alden na pangalanan nang direkta ang kongresista kung siya nga ang tinutukoy nito.

Para naman sa fans ni Alden, unfair na agad na iugnay ang Kapuso actor kay Arjo dahil malinaw na generic at pangkalahatan ang kanyang post laban sa mga tiwaling opisyal ng bayan.

Nag-ugat ang mga hinala dahil dati nang nadamay si Arjo at ang asawa nitong si Maine sa kontrobersyal na flood control projects ng DPWH matapos isangkot ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ang pangalan ng kongresista.

Kaugnay nito, matapang na ipinagtanggol ni Maine si Arjo mula sa mga bashers. Aniya, wala silang yaman na galing sa buwis ng mga Pilipino. “Not a single part of our life has been built on taxpayers’ money.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa napili niyang background music

Everything we have comes from years of work and savings. We pay our taxes, and we pay them truthfully, because we respect the same system we are accused of betraying,” pahayag ni Maine.

Dagdag pa niya, hindi niya matatanggap na pagbintangan silang nagnanakaw. “I will never accept the narrative that accuses us of stealing and living off taxpayers’ money. That is not who Arjo is, that is not who I am, and that is not who we are—no amount of noise and accusations will ever make it true.”

Samantala, nanindigan din si Maine na kung sakali mang may ginawang mali si Arjo ay hindi niya ito ipagtatanggol. “And if Arjo ever did anything dishonest, if he were truly guilty, I certainly wouldn’t defend him and cover for him. Accuse him of other things if you wish, but not of stealing from people—that is one line he has never crossed, and never will,” dagdag pa ng aktres.

Read also

RR Enriquez, concern kay Sanya: “Nakakainis yung doctor mo, nilaro ka”

Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Alden sa mga espekulasyon. Hindi rin siya nagbigay ng paliwanag kung para kanino eksakto ang kanyang post, na nag-iiwan ng espasyo para sa iba’t ibang interpretasyon mula sa publiko.

Si Alden Richards ay isa sa pinakasikat na Kapuso actors ngayon, kilala bilang Asia’s Multimedia Star dahil sa kanyang matagumpay na career sa telebisyon, pelikula, at musika. Nakilala rin siya sa tambalan nila noon ni Maine Mendoza sa “AlDub” phenomenon, na hanggang ngayon ay may matibay na fandom. Maliban sa showbiz, aktibo rin siyang magpahayag ng opinyon sa ilang isyu na may kinalaman sa lipunan.

Kamakailan, naging usap-usapan ang pangalan ni Maine Mendoza matapos mabanggit sa isang podcast kasama ang kanyang dating ka-love team na si Alden Richards. Naglabas ng pahayag si Maine at sinabing hindi niya kontrolado ang mga ganoong usapin, ngunit nirerespeto niya ang patuloy na suporta ng AlDub fans.

Read also

Henyo Master Joey de Leon, trending sa witty banat tungkol sa contractors

Samantala, pinili namang manahimik ni Alden Richards kaugnay ng candid revelation ni Maine tungkol sa kanilang tambalan. Sa kabila ng mainit na pag-uusapan online, hindi nagbigay ng anumang komento ang aktor, dahilan para mas lalo pang umikot ang intriga sa kanilang dalawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate