Vice Ganda, pinuri ng netizens dahil sa kanyang matapang na mensahe laban sa katiwalian

Vice Ganda, pinuri ng netizens dahil sa kanyang matapang na mensahe laban sa katiwalian

  • Vice Ganda nagbigay ng matinding pahayag laban sa korapsyon sa segment na “Laro Laro Pick” ng It’s Showtime
  • Sinabi niyang hindi lang salapi kundi pati pag-asa, pangarap, at buhay ang ninanakaw ng mga korap sa gobyerno
  • Pinaalalahanan niya ang mga manonood na bumoto nang tama upang hindi maulit ang katiwalian
  • Maraming netizens ang sumang-ayon at naantig sa heartfelt message ng komedyante

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi napigilang maglabas ng saloobin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda tungkol sa korapsyon sa bansa sa gitna ng segment na “Laro Laro Pick” ng It’s Showtime nitong Huwebes, Setyembre 11.

Vice Ganda, pinuri ng netizens dahil sa kanyang matapang na mensahe laban sa katiwalian
Vice Ganda, pinuri ng netizens dahil sa kanyang matapang na mensahe laban sa katiwalian (📷@praybeytbenjamin/IG)
Source: Instagram

Habang kausap ang contestant na si Ronron, 21-anyos na ibinahaging nagsumikap at nagtrabaho mula pa noong bata pa siya, nagpahayag ng pakikiramay si Vice sa mga tulad niyang marangal at disiplina sa buhay. Dito na lumabas ang matindi niyang komento laban sa mga umano’y tiwaling opisyal ng gobyerno.

“Ito ‘yong mga taong ninanakawan natin. Ang korapsyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapi ng bayan, ito’y pagnanakaw ng pag-asa. Ito ay pagnanakaw ng pangarap. Ito ay pagnanakaw ng magandang posibilidad,” saad ng komedyante. Dagdag pa niya, “[a]t maraming tao na ang namatay dahil sa pagnanakaw ninyo ng pondo ng bayan.”

Read also

RR Enriquez, concern kay Sanya: “Nakakainis yung doctor mo, nilaro ka”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi dito natapos ang mensahe ni Vice. Isa-isa niyang binanggit ang mga sektor ng lipunan na direktang naaapektuhan ng kawalan ng sapat na serbisyo dahil sa katiwalian. “Maraming mga magulang ang hindi nakapagdala sa mga ospital ng kanilang may mga sakit na anak dahil sa korapsyon. Maraming matatanda ang hindi naagapan ang sakit dahil sa korapsyon. Maraming bahay ang nasira at nabagsakan dahil sa korapsyon. Maraming asawa ang naghiwalay dahil sa problema ng kahirapan,” dagdag niya.

Ayon pa kay Vice, hindi lang pera ang nawawala sa bayan kundi mismong buhay ng mga mamamayan. “Kaya hindi lang pera ang ninanakaw ninyo, [kundi] buhay,” ani niya.

Sa huli, pinayuhan ni Vice si Ronron at ang mga manonood na lumaban sa mga nangungurakot sa pamamagitan ng wastong pagboto. “Kaya balikan mo ang mga nagnakaw sa ‘yo. Di ba, mababalikan natin sila? Sa anong paraan? Sa pagboto nang tama, sa ‘wag pagpayag na ito ay patuloy nilang gawin sa atin, at sa ‘wag pagpayag na ito ay nagawa nila nang gano’n-gano’n lang,” pagtatapos ng komedyante.

Read also

Mariel Pamintuan, trending sa parody song laban sa “ghost projects”: “Pilipino, mag-ingay!”

Marami namang netizens ang natuwa at sumang-ayon sa kanyang matapang na pahayag. Karamihan ay nagsabi na tama lang na may mga sikat na personalidad na ginagamit ang kanilang platform para magsalita laban sa maling sistema. Komento ng ilan, “Very well said meme vice,” habang ang iba naman ay nagpahayag ng suporta sa kanyang pagiging boses ng “madlang pipol.”

Si Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa tunay na buhay ay isa sa pinakamatagumpay na komedyante, host, at aktor sa bansa. Kilala bilang “Unkabogable Star,” isa siya sa mga pangunahing host ng It’s Showtime at nakilala rin sa kanyang matagumpay na pelikula at concert performances. Sa kabila ng kanyang nakakaaliw na personalidad, kilala rin siyang outspoken sa mga isyung panlipunan gaya ng diskriminasyon, kahirapan, at ngayon, laban sa korapsyon.

Kamakailan, naging bukas din si Vice tungkol sa kanyang frustration sa usapin ng buwis at budget. Sa isang episode ng It’s Showtime, inamin niyang mahirap mag-manage ng pera dahil malaking bahagi ng kanyang kita ay napupunta sa buwis. Biro niya, tila ba “trabaho lang ng trabaho” ngunit nananakaw din umano ang kaban ng bayan, bagay na muling nag-ugnay sa isyu ng korapsyon.

Read also

Aspin mula Legazpi, namatay sa lungkot matapos mamatayan ng amo

Bukod dito, muling binalikan ni Vice Ganda ang isang kanta tungkol sa korapsyon na kinanta niya 11 taon na ang nakalilipas. Aniya, nakakalungkot na kahit matagal nang panahon ang lumipas, tila nananatili pa rin ang parehong problema sa bansa. Para sa kanya, patunay lamang ito na may kailangan pang baguhin upang masugpo ang katiwalian sa gobyerno.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate