Bea Alonzo, sinagot ang netizen na kumwestiyon sa napili niyang background music
- Si Bea Alonzo ay naging usap-usapan dahil sa kanyang pagsagot sa netizen
- Kamakailan ay nag-post kasi siya ng gallery of photos niya sa Instagram
- Ito ay may caption na "current chapter" sa naturang photo-sharing application
- Ngunit, may isang netizen na nakapansin ng ginamit na BG music ng aktres
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Bea Alonzo, isa sa pinakasikat na aktres sa bansa, ay naging usap-usapan online matapos sagutin ang isang katanungan mula sa netizen tungkol sa kanyang piniling background music.

Source: Instagram
Sa kanyang opisyal na Instagram page, nag-upload ang Kapuso star ng isang gallery ng mga random na larawan mula sa iba't ibang activities niya. Nilagyan niya ito ng simpleng caption na "current chapter" na agad nagbigay ng sulyap sa kasalukuyang estado ng kanyang buhay.
Sa naturang post, makikitang masaya si Bea sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan, na nagpatunay kung gaano siya ka-productive at kung gaano kahalaga para sa kanya ang mga taong malapit sa puso niya. Maraming netizens ang natuwa at nagbigay ng kani-kanilang komento, kabilang na nga ang ilan pang mga kilalang personalidad sa mundo ng local show business.
Isa sa mga ito si John Lloyd Cruz, gamit ang kanyang Instagram account na @dumpsitegallery, na nagbiro kay Bea at nagtanong, "Anong chapter na yan, Miss Bei?" Samantala, si Kakai Bautista naman ay nag-iwan ng nakakaaliw na komento: "Cheng! Pa-grocery ka naman dyan! Labyuh!"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngunit higit na nakaagaw ng pansin ay ang reaksyon ni Bea sa tanong ng isang follower tungkol sa kanyang ginamit na background music. Ang kanta kasi na ginamit niya ay ang 'Lovefool' ng Pomplamoose. Ayon sa netizen: "Ay bakit Lovefool ang background music mo ngayon?"
Diretsahan itong sinagot ni Bea at nagbigay-linaw: "Gusto ko lang yung song. No meaning."
Ang simpleng tugon ng aktres ay agad naging paksa ng diskusyon sa social media, lalo na't maraming netizens ang madalas magbasa ng mas malalim na kahulugan sa bawat kilos o post ng mga kilalang personalidad. Para kay Bea, malinaw na ang kanyang pagpili ng musika ay simpleng personal na kagustuhan lamang at walang ibang mensahe na dapat ipakahulugan.
Dahil dito, marami ang humanga kay Bea sa pagiging prangka at malinaw sa kanyang sagot.
Swipe left to see more:

Source: Instagram
Si Bea Alonzo ay isang kilalang Filipina actress na nakilala bilang isa sa pinakasikat at pinakamahusay na leading ladies sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Sumikat siya sa kanyang mga teleserye tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay, Maging Sino Ka Man, at A Love to Last, pati na rin sa kanyang mga pelikula na tumatak sa publiko gaya ng One More Chance at The Mistress. Kilala si Bea sa kanyang husay sa pag-arte at sa kakayahan niyang magbigay-buhay sa iba't ibang karakter, dahilan para tanghalin siyang isa sa mga pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon. Sa personal na buhay, bukod sa kanyang matagumpay na career, madalas ding napapabalita si Bea dahil sa kanyang mga relasyon at mga desisyon sa buhay.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagkrus ang landas nina Bea Alonzo at ang ex-boyfriend niya na si Dominic Roque kasama si Sue Ramirez sa birthday party ni Dra. Aivee Teo. Ginanap ang selebrasyon sa The Back Room sa Taguig na dinaluhan ng maraming celebrities. Sa mga group photo, makikita si Bea sa gitna habang magkasama sa dulo ang magkasintahang Dominic at Sue.
Samantalang ay muli na namang namataan sina Bea Alonzo at Puregold President Vincent Co na magkasama. Sa clip na ibinahagi ng fan page ng aktres na @beialonzo1 sa TikTok, makikitang magkasabay na naglalakad ang aktres at ang negosyante papunta sa Super Divas concert. Habang naglalakad, sandaling huminto si Bea upang magpose para sa mga selfie kasama ang ilang fans.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh