Matteo Guidicelli, napa-comment sa viral na 'piles of cash' photo

Matteo Guidicelli, napa-comment sa viral na 'piles of cash' photo

  • Si Matteo Guidicelli ay naging usap-usapan dahil sa kanyang Instagram story
  • Sa photo app, nag-post si Matteo ng mirror selfie kalakip ang isang reflection
  • Tungkol ito sa kontrobersiyal at viral na 'piles of cash' photo ni Brice Hernandez
  • Matatandaang si Hernandez, isang ex-DPWH engineer, ay tumestigo sa mga mambabatas

Si Matteo Guidicelli ay muling naging usap-usapan matapos magbahagi ng kanyang saloobin tungkol sa kumalat na 'piles of cash' na photo na umani ng matinding reaksyon mula sa publiko.

Matteo Guidicelli, napa-comment sa viral na 'piles of cash' photo
Photos: @matteog on Instagram | GMA Integrated News
Source: Instagram

Sa Instagram, nag-post si Matteo ng mirror selfie kalakip ang isang mensahe hinggil sa viral na isyu. Ayon sa kilalang aktor, labis na nakakadismaya ang makita ang ganitong uri ng larawan. "We are all grinding, pushing, building our own businesses and PAYING taxes for [our] beautiful country BUT seeing them on the table for other things is disgusting and painful," ani Matteo.

Matatandaang naging laman ng balita ang pagtestigo ng mga dismissed engineers mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga mambabatas. Isa sa kanila si Brice Hernandez na nagpakita ng ilang photos kung saan makikitang nakaayos ang mga pera sa mesa—naka-segregate sa P1,000 at P500 bills—na mistulang ipinapakita ang laki ng perang sangkot.

Read also

Vico Sotto, napa-‘office table reveal’ matapos mag-viral ang litrato ng bulto ng pera

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad namang kumalat online ang mga larawang ito at umani ng batikos mula sa netizens.

Para kay Matteo, hindi biro ang araw-araw na sakripisyo ng karaniwang mamamayan—mula sa pagnenegosyo, pagtatrabaho, at pagbabayad ng buwis—kaya't lalo siyang nadismaya na makitang may mga taong pinapasok lamang sa bulsa ang ganitong kalaking halaga. Para sa aktor, hindi lamang ito isyung politikal kundi usapin ng katarungan at malasakit para sa mga Pilipino.

Ang naging pahayag ni Matteo ay nagbigay ng boses sa damdamin ng marami, na naniniwalang dapat ayusin ang sistemang bumabalot sa isyu ng korapsyon. Sa kabila ng kanyang pagiging personalidad sa showbiz, pinili ni Matteo na magsalita at ipahayag ang kanyang pagkabahala.

Matteo Guidicelli, napa-comment sa viral na 'piles of cash' photo
Screenshot mula sa Instagram ni @matteog
Source: Instagram

Si Matteo Guidicelli ay isang Filipino-Italian actor, singer, at triathlete na unang nakilala bilang isang mahusay na atleta bago tuluyang pumasok sa showbiz. Bago siya sumikat sa telebisyon at pelikula, naging bahagi siya ng Philippine national team sa kart racing. Nang lumaon, pumasok siya sa mundo ng showbiz kung saan bumida siya sa iba't ibang teleserye at pelikula, pati na rin sa ilang stage productions. Sa kanyang personal na buhay, mas nakilala si Matteo bilang asawa ng singer-actress na si Sarah Geronimo. Ikinasal silang dalawa noong February 2020 sa isang pribadong seremonya na agad naging sentro ng usapan sa publiko. Simula noon, mas naging inspirasyon sila sa marami bilang isa sa mga pinaka-hinahangaang celebrity couples sa bansa.

Read also

Ex-DPWH engineer, naglabas ng litrato ng umano’y bulto ng pera para sa flood control projects

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay si Matteo Guidicelli ng pasilip sa selebrasyon ng kaarawan ni Sarah Geronimo. Mahalagang banggitin na ang Popstar Royalty ay pumalo na ng edad na 37 noong July. Nag-post ang kanyang asawa ng video ng kanilang French dinner upang ipagdiwang ang espesyal na araw.

Samantalang ay kumuha si Matteo Guidicelli ng ilang maiikling business courses sa Harvard Business School. Nag-upload siya ng mga larawan at video ng Harvard journey niya sa Instagram. Gayunpaman, para maisakatuparan ito, gumastos si Matteo ng malaking halaga, at hindi biro ang makapasok sa Harvard. Ayon sa isang artikulo ng PhilSTAR Life, natapos niya ang HBS marketing course na Creating Brand Value.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco