Mensahe ni Donnalyn Bartolome para sa kaarawan ni JM de Guzman, viral

Mensahe ni Donnalyn Bartolome para sa kaarawan ni JM de Guzman, viral

  • Si Donnalyn Bartolome ay muli na namang nagpakilig sa social media
  • Binati kasi niya ang kanyang nobyo na si JM de Guzman sa kaarawan nito
  • Kalakip ng post niya ay isang mahabang mensahe tungkol sa journey nila
  • Aniya Donnalyn, labis daw ang pagka-proud niya sa kanyang nobyo

Si Donnalyn Bartolome, isang kilalang Filipina influencer, ay muling pinakilig ang maraming netizens matapos niyang batiin ang kanyang nobyo na si JM de Guzman sa social media.

Sa Instagram page niya, nag-post si Donnalyn ng sunod-sunod na larawan kasama ang aktor, kalakip ang isang mahabang mensahe tungkol sa kanilang paglalakbay bilang magkasintahan.

Mensahe ni Donnalyn Bartolome para sa kaarawan ni JM de Guzman, viral
Mensahe ni Donnalyn Bartolome para sa kaarawan ni JM de Guzman, viral (@1migueldeguzman)
Source: Instagram

"Happy birthday, Juan Miguel! Found this picture of you 1 year ago with the new car. Nuxx! Look at you! We prayed so hard for this day to come since the day we met. In less than 4 years, God turned things around like I knew He would for you," bungad ng kanyang mensahe sa naturang app.

Read also

Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again"

Ibinahagi rin ni Donnalyn kung paano sila parehong nagsikap para sa isa't isa at sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap sa buhay. "We didn't just wait — we created opportunities to afford that dream car na sabi mo for our future para inspired ka mag-work, shweett. You stayed focused on finally owning a home, and now you're officially a businessman too," aniya Donnalyn.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Gayunpaman, inamin din niya na hindi naging madali ang journey nila, "There were times we had to be apart just to earn more to provide... through it all, thank you for being my partner. Your last post thanking me for being there for you at your lowest was not at all needed Juan Miguel... you have to understand... being there for you during dark times wasn't a duty. It was a privilege."

Sa dulo ng kanyang post, muling pinagtibay ni Donnalyn ang pagmamahal at suporta niya kay JM, sabay bati muli sa espesyal na araw ng aktor, "How would you have known my love was real if I only had you at your best, right? We're now at the most exciting part of the story."

Read also

Jeraldine Blackman, nagsalita na ukol sa mga 'third party' rumors: "Please stop assuming I did"

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Donnalyn Bartolome ay isang kilalang personalidad sa internet mula sa Pilipinas. Siya ay isang vlogger, singer, rapper, at aktres. Kilala siya bilang 'Social Media Sweetheart' dahil sa kanyang malaking following sa iba't ibang platform tulad ng YouTube at Instagram. Nagsimula siyang makilala sa kanyang mga cover songs noon at pati na rin mga vlogs tungkol sa kanyang buhay. Sa kasalukuyan, kilala rin si Donnalyn bilang partner ng kilalang aktor na si JM de Guzman.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naluha sa tuwa ang nobyo ni Donnalyn Bartolome na si JM De Guzman dahil sa ginawa niya. Kamakailan ay nag-post si Donnalyn ng 28-minute vlog ukol kay JM. Ani Donnalyn, matagal na raw pinapangarap ni JM ang bagay na ito kaya niya ito tinupad. Nang makita ni JM ang inihandang sorpresa ni Donnalyn, talaga namang naiyak ito sa saya.

Read also

Rufa Mae Quinto, nag-reflect sa buhay: "I’m still feeling depressed"

Samantalang ay naging usap-usapan si Donnalyn Bartolome sa social media dahil sa kanyang post. Kamakailan lang ay ibinunyag ni Donnalyn ang kanyang sorpresa para sa mga fans niya. Aniya Donnalyn, mahigit P1.5M ang halaga ng inihanda niyang regalo para sa mga fans. Parte raw ito ng kanyang pasasalamat matapos pumalo ng 10M ang subscriber count niya sa YouTube.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco