Jerald Napoles, naloka sa ginawa ni Atasha Muhlach sa 'Dame Un Grr' trend nila
- Si Jerald Napoles ay muling nagpasaya sa netizens kamakailan lang
- Kumasa kasi si Jerald at pati si Atasha Muhlach sa 'Dame Un Grr' trend
- Ngunit ang ginawa ni Atasha kay Jerald sa nasabing video ay ikinagulat ng huli
- Dahil dito, marami ang talagang natawa sa dalawa dahil sa kanilang viral video
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Jerald Napoles, isang kilalang Filipino actor at comedian, ay muling nagpasaya sa netizens matapos mag-post ng nakakaaliw na video kung saan ginawa niya ang trending na 'Dame Un Grr' challenge kasama si Atasha Muhlach, ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.

Source: Instagram
Noong Saturday, September 6, ibinahagi ni Jerald ang naturang clip sa kanyang opisyal na Instagram page na @iamjnapoles, na agad namang umani ng mahigit 286,000 views.
Sa simula ng video, makikitang si Jerald muna ang gumagawa ng trend bago si Atasha na pabirong sinampal siya sa mukha, kasabay ng malakas na 'slap sound' sa audio. Halatang gulat na gulat si Jerald matapos ang nangyari, dahilan para mas lalong matawa ang mga viewers.
Nilagyan pa nga ito ni Jerald ng nakakaaliw na caption: "Napalakas yata @atashamuhlach_."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi naman nakapigil ang netizens na magkomento sa naturang video ng dalawang celebs:
"Galit na galit yarn! Mukhang malakas!"
"Mahina naman po ata yan sa lagay na yan."
"Nakailang repeat na ako sa video na 'to, grabe!"
"Parang hindi ata uso ang biro kay Atasha HAHAHAHA."
"Eh bakit parang dasurv po, charing! Aliw kayong dalawa!"
Dahil sa kanilang nakakatuwang chemistry sa video, marami ang natuwa sa duo nila.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Jerald Napoles ay isang Filipino actor at comedian na kilala sa kanyang husay sa pag-arte sa parehong comedy at drama. Nagsimula siya sa teatro at unti-unting nakilala sa mainstream showbiz sa pamamagitan ng iba't ibang teleserye at pelikula. Isa siya sa mga versatile na aktor na kayang gampanan ang magaan at mabibigat na role, dahilan upang siya ay makilala at mahalin ng mga manonood. Lumabas siya sa mga proyekto gaya ng 'Rak of Aegis' sa teatro at sa mga pelikula at serye ng GMA Network. Bukod sa kanyang career, kilala rin si Jerald sa kanyang relasyon sa kapwa aktres na si Kim Molina na madalas niyang makasama sa mga proyekto.
Sa nakaraang ulat ng KAMI noong September 2024, nagbahagi si Jerald Napoles sa social media ng isang video ng kanyang fiancée na si Kim Molina na may funny caption na kinaaliwan naman ng marami. Sa viral video, makikitang abala si Kim sa paggawa ng ilang workout routines na umani ng papuri. Ngunit sa caption area ng post, isinulat ni Jerald ang tungkol sa kanyang proposal kay Kim, na siyang naging dahilan kung bakit iniisip daw nito kung paano siya tingnan.
Samantalang sa parehong taon, kinilig ang maraming netizens nang malaman ang matamis na ginawa ni Jerald Napoles sa mga lanzones na binili niya para kay Kim Molina. Nauna nang ibinahagi ni Kim sa social media na niyaya siya ni Jerald pumunta sa UP para makabili ng maraming prutas kahit na malakas ang ulan. Ayon sa aktres, sinabi raw sa kanya ni Jerald na nag-eensayo lang siya sakaling dumaan si Kim sa panahon ng paglilihi, kaya naman bumili ito ng mga prutas para sa kanya, kabilang na ang mga hindi pa nito natitikman, gaya ng lanzones
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh