Iwa Moto, nagpahayag ng suporta kay Sen. Ping Lacson: "Our inspiration"

Iwa Moto, nagpahayag ng suporta kay Sen. Ping Lacson: "Our inspiration"

  • Si Iwa Moto ay buong pusong nagpakita ng suporta kay Sen. Ping Lacson
  • Sa Instagram, nag-post si Iwa tungkol sa bagong title na hawak ni Sen. Ping
  • Aniya Iwa, nagsisilbing malaking inspirasyon daw ang senador sa kanila
  • Matatandaang si Ping Lacson ang ama ni Pampi Lacson na partner ni Iwa

Si Iwa Moto, isang Filipina former actress, ay buong pusong nagpakita ng suporta para kay Senator Ping Lacson matapos itong mahalal bilang bagong Senate President Pro Tempore.

Iwa Moto, nagpahayag ng suporta kay Sen. Ping Lacson: "Our inspiration"
Photo: @iam_iwa, @iampinglacson on Instagram
Source: Instagram

Kamakailan ay naging laman ng balita si Lacson matapos makumpirma na siya ang papalit kay Senator Jinggoy Estrada sa posisyong ito. Ayon sa mga lokal na ulat, ang motion ay inihain ni Senator Miguel Zubiri at sinuportahan nina Senator Risa Hontiveros at Senator Loren Legarda.

Kasunod ng balitang ito, nag-post si Iwa sa kanyang Instagram account na @iam_iwa ng litrato ni Lacson kalakip ang kanyang bagong titulong hawak sa Senado. Nilagyan din niya ito ng maikli ngunit makahulugang caption bilang suporta at sa "core value" ni Lacson bilang public servant.

Read also

Sen. Raffy Tulfo, natanong kung bakit siya pumirma sa pagsuporta kay Sen. Tito Sotto

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Go daddy @iampinglacson! You are our inspiration... INTEGRITY is our core value... puksain mo ang mga kurakot at mga magnanakaw ng pera ng bayan!" ani Iwa sa kanyang Instagram page.

Mahalagang tandaan na si Ping Lacson ay ang ama ni Pampi Lacson, ang kasalukuyang partner ng dating showbiz star, at ama ng kanilang dalawang anak na sina Hiromi Aiko at Caleb Jiro.

Sa comment section ng post niya na ito, maraming netizens ang nagpahayag din ng suporta. "Congrats, Sen. Ping! May God bless you!" aniya pa nga ng isang netizen sa post ni Iwa online.

Si Iwa Moto ay isang Filipina actress at dating reality show contestant na unang nakilala sa StarStruck, ang artist search ng GMA Network. Matapos ang kanyang exposure sa StarStruck, nakilala si Iwa bilang kontrabida sa iba't ibang teleserye gaya ng Kung Mahawi Man ang Ulap at Darna. Bukod sa pag-arte, lumabas din siya sa iba't ibang magazine covers at naging bahagi ng iba pang TV programs. Sa paglipas ng panahon, unti-unting umalis si Iwa sa showbiz spotlight at mas nagtuon ng oras sa kanyang personal na buhay. Siya ay partner ni Pampi Lacson, anak ni dating senador Panfilo Lacson, at may dalawa silang anak na sina Eve o Mimi at si Caleb Jiro.

Read also

Dianne Medina, labis ang pagluluksa sa pagpanaw ng ama: "Life will never be the same again"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-viral si Iwa Moto dahil sa pagsagot niya sa isang basher. May nag-post kasi ng video ni Iwa kung saan sinupalpal niya ang basher sa live-selling. Aniya Iwa, hindi dapat minamaliit ng iba ang mga taong kumikita nang tama. Say pa nga ng dating aktres, "Marangal na trabaho 'to."

Samantalang noong January naman ay nag-post si Iwa Moto sa Instagram at nagbahagi ng isang quote. Tila sumasagot ito sa mga taong madalas magsabing maswerte ang babae. Ayon sa quote, ang babae ay nagsusumikap, nawalan ng mga mahal sa buhay, nagpuyat, at minsan ay umiiyak na lang hanggang makatulog. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-share naman si Iwa ng meaningful quote online.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco