Kaye Abad, labis ang pasasalamat sa mga magulang ni Paul Jake

Kaye Abad, labis ang pasasalamat sa mga magulang ni Paul Jake

  • Pinuri ni Kaye Abad ang kanyang mga biyenan dahil sa pagiging mabait at simple nilang pamilya na malayo sa stereotypical na marangyang pamumuhay ng mga mayayamang angkan
  • Ibinahagi ng aktres na kahit lumaki sa isang kilalang negosyo, naturuan ang kanyang asawa at mga kapatid nito na magsikap at magtrabaho para sa sariling tagumpay
  • Ayon kay Kaye, labis niyang na-appreciate kung paano pinalaki ng kanyang mga in-laws ang kanilang mga anak at ang pagiging responsable ng bawat isa
  • Tinampok din ng aktres ang pagiging bukas-palad at matulungin ng pamilya Castillo, na hindi lamang tumutulong sa kanila kundi maging sa kanilang mga kasambahay lalo na noong panahon ng Bagyong Odette

Mula nang ikasal kay Paul Jake Castillo, mas pinili ng aktres na si Kaye Abad na manirahan sa Cebu kasama ang kanilang dalawang anak. Sa kanyang pagbabahagi, ipinakita ni Kaye ang kanyang labis na paghanga sa kanyang mga biyenan na itinuturing niyang biyaya sa kanilang pamilya.

Read also

Serena Dalrymple at asawang si Thomas, excited sa kanilang ikalawang baby girl

Kaye Abad, labis ang pasasalamat sa mga magulang ni Paul Jake
Kaye Abad, labis ang pasasalamat sa mga magulang ni Paul Jake (📷@kaye_abad/Instagram)
Source: Instagram

“I’m very lucky to have them as my in-laws. Mabait sila and they are very simple. Hindi sila ‘yung mayayaman na may engrandeng bahay. Sila, very simple, very practical family,” saad ni Kaye, na halatang masaya at kuntento sa kanyang sitwasyon.

Kilalang pamilya ang pinagmulan ng kanyang asawa, dahil sila ang nagmamay-ari ng International Pharmaceuticals, Inc. sa Cebu. Gayunpaman, ibinahagi ni Kaye na hindi ginawang dahilan ng kanyang biyenan ang kanilang yaman para hindi magsumikap ang kanilang mga anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Na-appreciate ko ang father and mother-in-law ko because they raised their children very well. Silang magkakapatid, na mag-work talaga kayo. ‘Yung ibang mayayaman na may family business, ‘yung iba maghihintay na lang na tumanggap ng dividend. Ang mother and father-in-law ko, sila talaga, hindi, mag-work talaga kayo para may maipamana kayo sa inyong kids,” dagdag pa ng aktres.

Bukod sa kanilang mga anak, nakilala rin ng aktres ang mga biyenan bilang likas na matulungin at mapagbigay sa ibang tao. Hindi lamang sila nakatutok sa kapakanan ng kanilang pamilya, kundi maging sa kanilang mga kasambahay at iba pang nangangailangan.

Read also

Buntis at estudyante, patay matapos malibing nang buhay sa magkahiwalay na landslide

“Very generous sila, very helpful. Kahit sa mga helpers namin, ‘di ba nag-bagyong Odette sa Cebu. Tinulungan nila lahat ng helpers namin, very generous talaga sila,” pagbabahagi pa ni Kaye.

Sa kabila ng pagiging bahagi ng isang kilalang pamilya sa Cebu, ipinapakita ni Paul Jake at ng kanyang mga kapatid na ang tagumpay ay mas matatamasa kung may sipag at tiyaga. Ito ang dahilan kung bakit buo ang respeto ni Kaye sa pagpapalaki ng kanyang mga biyenan.

Si Kaye Abad ay isa sa mga kilalang aktres ng kanyang henerasyon na unang nakilala bilang bahagi ng teen-oriented show na Tabing Ilog. Matapos ang ilang dekada sa showbiz, nagdesisyon siyang mag-focus sa kanyang pamilya nang ikasal kay Paul Jake Castillo noong 2016. Mas pinili ng aktres na mamuhay nang simple sa Cebu habang tinututukan ang pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Kamakailan lang ay nagbahagi rin si Kaye Abad ng makuwelang birthday greeting para sa kanyang anak na si Iñigo. Sa kanyang Instagram post, ipinakita ng aktres ang pagiging hands-on at mapagmahal na ina sa pamamagitan ng sweet ngunit nakakatawang pagbati. Mabilis itong umani ng reaksyon mula sa kanyang mga followers na natuwa sa pagiging natural at makulit ng aktres bilang mommy.

Read also

Ramon Tulfo ipinagtanggol si Heart Evangelista laban sa “nepo wife” issue

Samantala, naging usap-usapan din ang biruan nina Kaye at Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros. Sa isang episode, nagkaroon ng nakakaaliw na sagutan ang dalawa kung saan humirit pa si Melai ng nakakatawang biro. Natawa ang netizens at viewers, at lalo pang napalapit si Kaye sa publiko dahil sa kanyang pagiging approachable at witty.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: