Bea Alonzo, Dominic Roque at Sue Ramirez spotted sa iisang event
- Nagkrus ang landas nina Bea Alonzo at ex-boyfriend na si Dominic Roque kasama si Sue Ramirez sa birthday party ni Dra. Aivee Teo
- Ginanap ang selebrasyon sa The Back Room sa Taguig na dinaluhan ng maraming celebrities
- Sa mga group photo, makikita si Bea sa gitna habang magkasama sa dulo sina Dominic at Sue
- Sa mga sariling post ni Bea, hindi kasama sa kanyang mga kuha sina Dominic at Sue kundi ang iba pang showbiz friends
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang awkward pero star-studded reunion ang naganap sa birthday celebration ng beauty celebrity doctor na si Dra. Aivee Teo na ginanap sa The Back Room sa Taguig.

Source: Instagram
Dumalo sa event ang iba’t ibang bigating pangalan sa showbiz kabilang sina Bea Alonzo, Nadine Lustre, Majah Salvador, Sarah Lahbati, Kyline Alcantara, Chloe San Jose, Carlos Yulo, at marami pang iba. Ngunit ang nakatawag pansin sa netizens ay ang muling pagkikita ni Bea at ng kanyang ex-boyfriend na si Dominic Roque, na dumating kasama ang girlfriend nitong si Sue Ramirez.
Sa mga litratong ipinost ni Dra. Aivee sa kanyang Instagram account, makikita sa isang group shot si Bea na nakapwesto sa gitna, habang sa kabilang dulo naman magkadikit sina Dominic at Sue. Agad itong napansin ng mga netizens at nagdulot ng usapan kung nagkaroon nga ba ng interaction ang tatlo o tila nagdedmahan lang sa event.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, sa sariling mga kuha naman ni Bea na ibinahagi niya sa kanyang Instagram, hindi na makikita ang ex-boyfriend at ang kasalukuyan nitong karelasyon. Ang mga kasama lamang ni Bea sa kanyang mga posts ay sina Nadine Lustre, Moira Dela Torre, Sarah Lahbati, Kyline Alcantara, at ang designer na si Mark Bumgarner.
Maraming netizens ang agad nagbigay ng komento sa social media, kung saan binigyang-pansin ang ganda ni Bea sa event. Ayon pa sa ilan, “blooming na blooming” daw ang aktres at halatang masayang-masaya na sa piling ng kanyang kasintahan na si Dominic Vincent Co, isang negosyante. May mga nagtatanong din kung nagkaroon ng kumustahan sina Bea, Dominic at Sue o kung mas pinili nilang umiwas sa isa’t isa.
Si Bea Alonzo ay isa sa pinakakilalang aktres ng bansa. Nagsimula siya sa Kapamilya network at ngayon ay nasa GMA-7 na bilang isa sa mga prime artists. Bukod sa matagumpay na career sa showbiz, kilala rin si Bea sa kanyang matatag na fanbase, mga endorsement at travel lifestyle na madalas niyang ibinabahagi sa social media.
Ang kanyang love life ay madalas ding laman ng headlines, partikular ang naging relasyon niya kay Dominic Roque na nauwi sa hiwalayan. Sa ngayon, masaya siyang karelasyon si Dominic Vincent Co, isang businessman.
Kamakailan, pinuri ni showbiz columnist Cristy Fermin ang naging reaksyon ni Bea Alonzo sa biro ni Vice Ganda tungkol sa kanyang kasalukuyang relasyon. Sa halip na mainis o magpakita ng iritasyon, nakitaan si Bea ng pagiging kalmado at classy, bagay na hinangaan ng marami. Ayon kay Cristy, ipinakita ni Bea na marunong siyang humarap sa mga sitwasyon nang may grace.
amantala, umingay din ang social media matapos magkomento si John Lloyd Cruz sa travel post ni Bea mula sa Dubrovnik, Croatia. Ang simpleng reaksyon ng dating ka-love team ay agad ikinilig ng kanilang fans na hindi pa rin nakakalimot sa kanilang tambalan. Muling napatunayan na kahit matagal nang tapos ang kanilang proyekto, nananatili pa rin ang chemistry ng dalawa sa paningin ng publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh