Mommy Oni, natanong si Bea B bakit 'di siya invited sa gender reveal ng baby nito
- Naka-bonding ni Bea Borres ang dalawang content creator na malapit sa kanya
- Isa rito ang kanyang Mommy Oni Fowler na nausisa siya bakit hindi siya imbitado sa gender reveal ng anak ni Bea
- Maging ang isa pa nilang kasama na si Ivana Alawi ay nagulat sa naitanong na ito ni Toni
- Gayunpaman, nilinaw ni Toni ang kanyang naramdaman kahit wala umano sila ni Alex Gonzaga sa nasabing pasinaya ni Bea
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging usap-usapan ang muling pagsasama nina Bea Borres at malalapit niyang kaibigan na sina Toni Fowler at Ivana Alawi. Sa kanilang bonding, naging kapansin-pansin ang pagbibiro at diretsahang tanong ni Toni tungkol sa hindi niya pagdalo sa gender reveal party ng anak ni Bea.

Source: Youtube
“E bakit hindi ako invited ‘nung gender reveal?” tanong ni Toni kay Bea na ikinagulat maging ni Ivana.
Nilinaw naman ni Toni na wala siyang sama ng loob sa kaibigan. “Okay lang ano ka ba, naintindihan kita. Kasi gusto ni Bea B lahat ng ano niya (bisita) ‘nun petite. Close tayo ano ka ba, hindi sasama ang loob ko sa ganun. Pero maraming nagtataka, bakit wala raw kami ni Alex?” dagdag pa niya.
Hindi naman agad nakasagot si Bea sa nasabing tanong na kalauna'y nag-sorry sa kanyang Mommy Oni.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang sa mismong bahay ni Toni unang nag-PT si Bea, kasama si Alex Gonzaga, kung saan niya nakumpirma ang kanyang pagdadalang-tao.
Kaugnay nito, nagbigay pa ng payo si Toni kay Bea na sana ay mas limitado ang naging gender reveal celebration. “Nung pumayag ka na mag-PT sa bahay ko, ‘dun pa lang important na ako. Ramdam na ramdam ko na hindi ko na kailangan ng mga gender reveal, baby shower o panganganak mo,” pahayag ng Mommy Oni.
Sa kabila ng isyung ito, nanatiling masaya at magaan ang samahan ng tatlo, patunay ng kanilang pagiging malapit sa isa’t isa.
Narito ang kabuuan ng kanilang masayang bonding mula sa Bea B. YouTube channel:
Si Bea Borres ay isang kilalang social media personality na sumikat dahil sa kanyang pagiging influencer at content creator. Isa siya sa mga personalidad na aktibo sa paggawa ng mga nakakaaliw na video at pagbabahagi ng kanyang lifestyle sa social media. Dahil dito, nagkaroon siya ng malaking bilang ng tagasubaybay na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa.
Kamakailan ay inamin ni Bea Borres sa publiko na siya ay nagdadalang-tao. Sa isang panayam sa kanya sa Toni Talks, emosyonal niyang ibinahagi ang pinagdaanan bago niya tuluyang tanggapin ang pagbubuntis. Aminado siyang umabot siya sa punto ng pag-aalinlangan at halos ipatanggal ang sanggol, ngunit nagbago ang kanyang isip dahil sa mga ‘signs’ na kanyang naranasan. Ayon kay Bea, napagtanto niya na hindi siya pababayaan ng Diyos at kakayanin niyang buhayin ang kanyang anak. Sa kanyang pag-amin, pinatunayan ni Bea na handa niyang yakapin ang pagiging ina sa kabila ng mga hamon ng pagiging isang single mother.
Hindi rin itinago ni Bea na minsan niyang naisip na ipaalis ang sanggol. Gayunpaman, para sa kanya, ang pagdating ng pangalang “Hope” ay tila isang palatandaan din mula sa Diyos na dapat niyang ipagpatuloy ang pagdadalang-tao. Aniya, “Just cause of that word… nagkaroon ako ng hope na hindi pa talaga mag-e-end ‘yung life ko.”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh