Bea Borres, inaming muntik ipatanggal ang supling; subalit nakatanggap ng ilang signs kay God
- Inamin ni Bea Borres na muntik na niya umanong ipaalis ang supling sa sinapupunan
- Subalit makailang beses siyang napadalhan umano ng 'sign' ni God na hindi niya dapat itong gawin
- Doon umano siya tila nahimasmasan at naisip na hindi talaga siya pababayaan ng Diyos sa kanyang pinagdaraanan ngayon
- Matatandaang kamakailan ay isiniwalat ni Bea sa publiko na siya nga ay nagdadalang-tao
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel na Toni Talks, ibinahagi ng social media personality na si Bea Borres ang emosyonal at kontrobersyal na yugto ng kanyang buhay kaugnay ng kanyang pagbubuntis.

Source: Youtube
Inamin ni Bea na umabot siya sa punto na halos ipaalis niya ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Ayon sa kanya, pumunta na siya sa isang klinika sa Los Angeles sa Amerika upang sumailalim sa proseso, at nakumpleto na ang ilang pagsusuri bago siya biglang napahinto.
“Umabot po talaga sa point na andun na talaga ako sa clinic… To take the baby out, dumating ka na sa point na ‘yun. Yes… I was going through the test and everything. It took an hour. Andun ako nakaupo. And then after everything Ms. Toni biglang may pumasok, ta’s sinabi nalang niya na 'You can’t push through with this'.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, sinabi ni Bea na nakaramdam siya ng matinding pagkalito at lungkot habang nasa biyahe patungong New York.
Sa kanyang pag-iyak sa eroplano, nakasabay naman niya ang isang pasahero na nakausap siya at nagbigay ng mga salitang tila sagot sa kanyang panalangin:
“The first thing she said was, ‘Oh well, you know what they say? Babies are a blessing from God.’ So, second sign.”
Bukod dito, ikinuwento rin ni Bea ang isa pang karanasan na nagpatibay sa kanyang desisyon.
Habang nagpapahinga siya sa isang outlet store, isang hindi kilalang babae ang lumapit at nagbigay sa kanya ng brochure mula sa isang Christian Women’s Organization, na nag-alok ng suporta at gabay mula sa pananampalataya.
Para kay Bea, ito ang ikatlong tanda mula sa Diyos na huwag niyang ituloy ang pagpapaalis ng kanyang sanggol
“Syempre nasa isip ko ‘yun. Nakatunganga lang talaga ako sa parang bench chair. Ta’s biglang may lumapit sa akin na girl. Ta’s sabi niya sa’kin, ‘Hi I don’t want to disturb you but I’m from parang Christian Women’s Organization. So if ever you’re going through something then you need support and you need guidance from the Lord, we’re here and you can contact us anytime.’”
Dagdag pa ni Bea, kaya naman niyang buhayin ang kanyang anak at naniniwala siyang lalaki itong puno ng pagmamahal.
Gayunpaman, hindi maikakaila ang pangamba at pag-aalinlangan na kanyang naranasan bago niya tuluyang yakapin ang pagiging isang ina.
Sa huli, inilahad ni Bea na ang mga palatandaan mula sa Diyos ang nagpatibay ng kanyang desisyon na ipagpatuloy ang pagbubuntis at huwag nang ipagpatuloy pa ang binalak.
Ngayon, hayag na sa publiko ang pagdadalang-tao ni Bea na aniya'y wala naman siyang balak na itago.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni Gonzaga Studios YouTube:
Si Bea Borres ay isang kilalang social media personality na sumikat dahil sa kanyang pagiging influencer at content creator. Isa siya sa mga personalidad na aktibo sa paggawa ng mga nakakaaliw na video at pagbabahagi ng kanyang lifestyle sa social media. Dahil dito, nagkaroon siya ng malaking bilang ng tagasubaybay na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa. Kilala rin si Bea sa pagiging prangka at bukas sa pagbabahagi ng kanyang personal na karanasan. Dahil sa kanyang kasikatan, naging laman siya ng usap-usapan nang magbahagi siya ng mahahalagang detalye tungkol sa kanyang buhay.
Lumabas kamakailan ang isang viral na video kung saan makikitang kasama ni Bea Borres sina Toni Fowler at Alex Gonzaga habang siya ay sumasailalim sa isang pregnancy test. Sa naturang video, makikita ang tensyon at emosyon sa mukha ni Bea habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri. Nang tuluyang makumpirma na siya ay buntis, naging emosyonal ang kanilang grupo at ipinakita ang suporta kay Bea. Ang naturang eksena ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa publiko, karamihan ay nagpaabot ng pagbati at pang-unawa. Dahil dito, lalong naging sentro ng atensyon si Bea sa social media at usap-usapan ang kanyang bagong yugto bilang ina.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh