Ogie Diaz sa nali-link umano kay Gerald Anderson: "Baka magkaibigan naman kasi 'yung dalawa"

Ogie Diaz sa nali-link umano kay Gerald Anderson: "Baka magkaibigan naman kasi 'yung dalawa"

  • Maugong pa rin ang bali-balitang hiwalay na di umano sina Julia Barretto at Gerald Anderson
  • Muli itong napag-usapan sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube dahil hanggang ngayon, wala pa muling post ang dalawa na magkasama
  • Nabalikan din kasi ng marami ang mga post kaugnay ng umano'y nali-link kay Gerald na isang volleyball player
  • Gayunpaman, makailan beses na ring nasabi ni Ogie na mas mainam na sina Gerald at Julia mismo ang magsalita ukol sa estado ng kanilang relasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Maugong pa rin ang bali-balitang hiwalay na diumano sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Muli itong napag-usapan sa Ogie Diaz Showbiz Update, kung saan naging sentro ng usapan ang estado ng relasyon ng dalawa.

Ogie Diaz sa nali-link umano kay Gerald Anderson: "Baka magkaibigan naman kasi 'yung dalawa"
Gerald Anderson (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

Lalo pang uminit ang usapin matapos balikan ng marami ang pagkaka-link kay Gerald sa isang volleyball player, na si Vanessa “Vanie” Gandler. Nag-ugat ang haka-haka matapos mapansin ang presensya umano ng aktor sa ilang laro ng atleta.

Read also

Julia Barretto, diretsahang nilinaw at sinagot ang tanong kung isa ba siyang "nepo baby"

Gayunpaman, nilinaw ni Ogie Diaz sa kanyang programa na kung siya ang nasa posisyon ni Gerald at alam niyang nali-link siya sa naturang volleyball star, mas pipiliin na lamang niyang huwag magpakita sa publiko na nanonood ng mga laban nito. “Ako hindi ah. E baka kasi magkaibigan naman kasi yung dalawa,” ani Ogie, na nagbigay-diin na posibleng walang malisya ang naturang ugnayan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, si Julia Barretto at Gerald Anderson ay matagal nang usap-usapan sa showbiz dahil sa kanilang relasyon na madalas ring nasasangkot sa isyu. Samantala, si Vanessa “Vanie” Gandler ay kilalang manlalaro ng volleyball at kasalukuyang miyembro ng Cignal HD Spikers sa Premier Volleyball League (PVL).

Sa kabila ng mga lumalabas na espekulasyon, nananatiling palaisipan ang tunay na lagay ng relasyon nina Julia at Gerald, habang nadadamay naman ang pangalan ng volleyball star sa mga isyung wala namang kumpirmadong basehan sa ngayon.

Si Gerald Anderson ay isang batikang aktor, unang nakilala sa Pinoy Big Brother kung saan isa siya sa mga naging unang teen housemates noon ni kuya. Sinundan na ito mga teleserye at pelikula kung saan mas lalo siyang nakilala. Bukod sa kanyang pag-arte, kilala rin siya sa pagiging low-key ngunit supportive sa kanyang nobya na si Julia Barreto. Sa kabila ng mga usap-usapang 'cool-off' umano sila, minsan nang pinabulaanan ni Gerald na nag-break na umano sila ni Julia sa isang interview sa kanya ni Toni Gonzaga. Sinabi niyang: “No, we’re okay… Hinatid ko siya sa airport, pupunta siya ng Dubai.” Aniya pa, ang kanilang relasyon ay “strengthened by challenges” at “worth it,” at umaangal pa siya sa mga fans na base sa social media kung nagtatagal o hindi ang kanilang relasyon

Read also

Neri Naig, may inamin tungkol sa dinulot ng kanyang "trauma"

Sa isang panayam ni Hayb Anzures para sa vlog na Pareng Hayb Studios, nagbukas ng saloobin si Gerald tungkol sa kanyang relasyon. Inamin niyang naging unfair umano siya sa kanyang partner ang alam niyang kinakailangang bumawi siya rito. Sa kabila umano ng hectic schedule, sinabi ni Gerald na patuloy siyang humahanga kay Julia bilang partner, na inilarawan niyang “maalaga, mapagmahal, at inspirasyon.”

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica