Jeraldine Blackman, nagsalita na ukol sa mga 'third party' rumors: "Please stop assuming I did"
- Si Jeraldine Blackman ay nagsalita na ukol sa 'third party' rumors online
- Kamakailan ay nagsulat ng statement si Jeraldine sa kanyang Facebook
- Ito ay tungkol sa bullying na kanyang natatanggap sa social media sites
- Dahil dito, muling nilinaw ni Jeraldine na walang cheating na naganapa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Jeraldine Blackman, isang kilalang Filipina content creator, ay nagpasabog ng online buzz matapos niyang tuluyang magsalita ukol sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa diumano'y 'third party' sa hiwalayan nila ni Josh, bagay na talagang pumukaw sa atensyon ng marami.

Source: Instagram
Matatandaang noong February ng taong ito, kinumpirma ni Jeraldine ang kanilang breakup sa pamamagitan ng isang Instagram video kung saan siya ay umiiyak. Simula noon, kabi-kabilang espekulasyon ang lumutang online tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.
"To everyone making videos or spreading rumors about me and Josh: Lately, there have been so many false stories, harsh comments, threats, and wrong assumptions circulating online. I've stayed quiet because I believed that not everything about my life needs to be shared, even if we are public figures," panimula niya sa kanyang now-viral post sa social media site na Facebook.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayunpaman, hindi na nakatiis si Jeraldine dahil sa patuloy na pambubully na kanyang natatanggap. "However, the past few weeks have been extremely difficult and have taken a toll on my mental health because of the online bullying I've been receiving," dagdag niya sa note.
Nilinaw din ng content creator na walang 'third party' sa kanilang hiwalayan. "I want to make this very clear: no one cheated in our marriage. Please stop assuming I did. There are also posts saying Josh cheated because of that Tinder post from last year — that account was fake, and it was someone pretending to be him," mariin niyang pahayag sa kanyang viral online post.
Sa huli, iginiit ni Jeraldine na hindi kailanman magiging tama ang pambubully, at ngayon ay mas pinipili nilang maging masaya bilang co-parents. "What matters now is that we are happy co-parenting, and we hope you can respect that. Online bullying and threats are never okay. Please, let's all choose kindness over assumptions," pagtatapos niya sa kanyang viral Facebook note.

Read also
Ellen Adarna, nakiusap na sa publiko ukol sa kanila ni Derek Ramsay: "Tigilan niyo na kami"
Si Jeraldine Blackman ay isang Filipino-Australian social media personality na kilala sa kanyang mga family-oriented videos at nakakatawang content. Nakilala siya sa pamamagitan ng kanyang Instagram profile na @theblackmanfamilyofficial, kung saan ibinabahagi niya ang araw-araw na lifestyle, mga travel vlogs, at mga maiikling video na may temang komedya kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa kanyang nakakaaliw na content, umabot na sa mahigit 3 milyon ang kanyang followers sa Instagram pa lang. Malaki rin ang kanyang presensya sa TikTok at YouTube.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay ng update sa kanyang followers si Jeraldine Blackman. Sa Instagram, ibinahagi ni Jeraldine ang isang picture nila ni Jette na nasa ospital. Ibinunyag naman ng sikat na influencer ang dahilan kung bakit sila nagpunta sa ospital. Aniya Jeraldine, nagakaroon daw sila ng "little incident" habang nasa bansa kasi.
Samantalang ibinahagi naman ni Jeraldine Blackman ang isang nakakagulat at makabuluhang kwento online. Sa Instagram, ikinuwento ni Jeraldine ang kanyang patuloy na pakikipaglaban sa kalusugan. Ayon kay Jeraldine, mayroon siyang tinatawag na "left ventricular septal an*urysm." Nagbahagi rin siya ng ilang detalye pa tungkol sa kanyang kondisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh