Julia Barretto, diretsahang nilinaw at sinagot ang tanong kung isa ba siyang "nepo baby"
- Si Julia Barretto ay na-interview kamakailan lang ng press sa isang event
- Dito ay natanong si Julia sa pagiging "nepo baby" niya umano sa showbiz
- Nang marinig niya ang tanong, agad naman itong nilinaw ng aktres sa clip
- Marami ang talagang naaliw sa pagiging prangka at pagpapakatotoo niya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Si Julia Barretto, isang kilalang Filipina actress at model, kamakailan ay tinanong ng isang press member tungkol sa pagiging isang "nepo baby" niya umano sa isang event na kanyang dinaluhan.

Source: Instagram
Sa video na ibinahagi ni MJ Marfori sa kanyang Facebook page, makikitang naka-off shoulder ensemble si Julia at naka-ponytail ang buhok, simple pero elegante ang dating. Habang nasa event, isang lalaki sa background ang nagtanong: "Do you consider yourself as a nepo baby?"
Tulad ng alam ng marami, parehong galing sa mundo ng showbiz ang mga magulang ni Julia—si Marjorie Barretto na mula pa nga ay galing sa prominenteng Barretto clan. Gayunpaman, mabilis na nilinaw ng aktres ang ibig sabihin ng tanong. "Yeah, in what sense though? Kasi parang may dalawang meaning na siya eh," tugon niya sa press na kinaaliwan naman ang kanyang sagot.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nang muling ayusin ng reporter ang kanyang tanong, buong tapang na kinilala ni Julia ang kanyang pinagmulan, ngunit hindi rin nakalimutang idiin ang kanyang sariling paghihirap at pagsusumikap. "Well, anak lang ako ni Marjorie, but I work hard for what I have. Period," aniya.
Mahalagang banggitin na usap-usapan ngayon sa bansa ang terminong "nepo babies," lalo na't maraming netizens ang pumupuna sa ilang anak ng pulitiko at kilalang personalidad sa gobyerno na ipinapakita ang kanilang marangyang pamumuhay sa social media na ipinagtataka ng iba.
Sa kabila nito, marami ang humanga sa pagiging prangka ni Julia at sa pagtutok niya sa sariling pagsusumikap kaysa sa impluwensya ng kanyang pangalan o koneksyon ng pamilya niya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Julia Barretto ay isang kilalang Filipina actress na kabilang sa prominenteng Barretto showbiz family. Anak siya nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, at pamangkin ng mga kilalang aktres na sina Claudine at Gretchen Barretto. Nakilala siya sa mga teleserye tulad ng Mirabella at Ngayon at Kailanman, at sa mga pelikula gaya ng Love You to the Stars and Back at Between Maybes. Bukod sa kanyang career sa showbiz, naging usap-usapan din si Julia dahil sa kanyang personal na buhay at mga relasyon na laging sinusubaybayan ng publiko. Sa kabila nito, ipinakita niya ang kanyang kakayahan na magtagal sa industriya sa pamamagitan ng kanyang talento.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbalik-tanaw ang nakababatang kapatid ni Julia Barretto na si Leon Barretto sa kanyang college journey. Kamakailan, nag-post si Leon ng ilang snaps mula sa kanyang graduation ceremony sa Instagram. Kalakip ng mga larawan ay isang mahabang mensahe tungkol sa kanyang paglalakbay sa UA&P. Ngunit ang talaga namang nakaantig sa puso ng marami ay ang kanyang note para kay Julia, at pati na rin sa kanilang ina na si Marjorie.
Samantalang ay nagbahagi ng tuwa at pasasalamat si Marjorie Barretto, ina ni Julia Barretto, sa Instagram matapos tumanggap ng bonggang regalo mula sa aktres. Binigyan kasi siya ni Julia ng isang brand-new minivan, isang gesture na nagpaiyak at nagpasaya kay Marjorie. Ibinahagi ng celebrity mom sa social media ang mga larawan niya habang naka-pose sa tabi ng sasakyan. Sa caption, nagsulat si Marj ng isang matamis na mensahe ng pagpapahalaga para sa kanyang anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh