Rufa Mae Quinto, nag-reflect sa buhay: "I’m still feeling depressed"

Rufa Mae Quinto, nag-reflect sa buhay: "I’m still feeling depressed"

  • Si Rufa Mae Quinto ay naging usap-usapan dahil sa kanyang bagong online post
  • Sa Instagram, nag-reflect kasi ang actress-comedian tungkol sa kanyang buhay
  • Aniya Rufa, sa dinami dami ng kanyang pinagdaanan, siya ay depressed pa rin
  • Gayunpaman, nagawa pa ring magbiro ni Rufa sa kanyang viral Instagram post

Si Rufa Mae Quinto, isang aktres-komedyante, ay naging usap-usapan matapos niyang magbahagi ng kanyang mga saloobin tungkol sa buhay sa isa sa kanyang pinakabagong Instagram posts.

Rufa Mae Quinto, nag-reflect sa buhay: "I’m still feeling depressed"
Rufa Mae Quinto, nag-reflect sa buhay: "I’m still feeling depressed" (@rufamaequinto)
Source: Instagram

Sa naturang post, ibinahagi ni Rufa ang isang video kung saan makikita siyang umiinom ng kape at bumabati sa kanyang mga followers. Gayunpaman, higit na nakakuha ng atensyon ng netizens ang caption na kanyang isinulat tungkol sa kanyang dinaranas na depression ngayong taon.

"Here I am drinking coffee again, cause after everything that happened, I'm still feeling depressed. So today, instead of my favorite espresso, I'm having depresso! And I'm drinking it de-mug coz it's not decaf!" ani ng komedyante, bagay na ikinabahala ng iba niyang mga fans at followers sa app.

Read also

Neri Naig, may inamin tungkol sa dinulot ng kanyang "trauma"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Rufa, marami siyang naging realizations at plano niya itong ilahad sa kanyang YouTube channel, "Maraming realizations after all that has happened to me recently. And I'm planning to make a statement about it in my YouTube channel soon, so watch out for that!"

Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, hindi pa rin nawala ang trademark humor ni Rufa, na nagpasaya sa kanyang mga fans. "One realization is that now ko lang nalaman that Cappuccino & Frappuccino pala are not Chinese but Italian. So be careful, cause pronounciations, just like looks, can be this evening! So, go, go, google! 'Til my next coffee break! Cheers!" biro pa niya sa Instagram.

Maraming netizens ang natuwa at humanga sa kakayahan ng komedyante na magsalita ng tapat tungkol sa kanyang emosyon habang pinipili pa ring magdala ng good vibes sa kabila ng lahat.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Rufa Mae Quinto ay isang kilalang Filipina aktres at komedyante. Kilala siya sa kanyang campy na humor at natatanging istilo sa pagpapatawa, na naging dahilan upang maging mahalagang personalidad siya sa kulturang pop ng Pilipinas. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong 1996 sa variety show na That's Entertainment. Sa takbo ng kanyang karera, naging bahagi siya ng maraming matagumpay na pelikula. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal siya kay Trevor Magallanes noong 2016 at biniyayaan sila ng anak na babae na si Athena noong 2017.

Read also

Ellen Adarna, nakiusap na sa publiko ukol sa kanila ni Derek Ramsay: "Tigilan niyo na kami"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi ng isang emosyonal na update sa Instagram si Rufa Mae Quinto. Ito ay tungkol sa "celebration of life" na isinagawa para sa yumaong mister niya. Sa naturang post, maraming tao ang binanggit at pinasalamatan ni Rufa Mae. Dahil dito, marami ang natuwa na malakas ang support system ng kanilang idol sa gitna ng pagluluksa.

Samantalang noong April, kinilig ang mga fans sa masayang pagkikita nina Rufa Mae Quinto at Anne Curtis. Sa Bacolod-Silay International Airport, nagkasalubong ang dalawa kung saan masayang niyakap ni Rufa si Anne. Ibinahagi rin ni Rufa ang nakakatuwang pag-uusap ni Anne at ng anak niyang si Athena, na talaga namang kinatuwaan ng mga netizens.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco