Annabelle Rama, ibinahagi ang nakakastress na karanasan nang maiwan ang bag sa Rome

Annabelle Rama, ibinahagi ang nakakastress na karanasan nang maiwan ang bag sa Rome

  • Nawalan ng bag si Annabelle Rama habang nagbabakasyon sa Rome, Italy nitong Hunyo
  • Nasa loob ng bag ang kanyang pocket money kaya halos wala siyang napamili
  • Inalala niya ang pagkataranta at hindi na nakapag-report sa pulis dahil nagmamadali ang kanilang grupo
  • Nagbigay siya ng paalala sa mga kaibigan at kapwa turista na maging maingat sa kanilang mga gamit

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Hindi maitago ni Annabelle Rama ang kanyang pagka-shock at stress sa nangyaring aberya sa kanya nitong Hunyo habang nasa Rome, Italy kasama ang pamilya para sa kanilang Europe trip. Ayon sa ulat ni Jun Lalin ng Abante, hanggang ngayon ay naloloka pa rin siya sa tuwing maiisip ang pagkawala ng kanyang bag.

Annabelle Rama, ibinahagi ang nakakastress na karanasan nang maiwan ang bag sa Rome
Annabelle Rama, ibinahagi ang nakakastress na karanasan nang maiwan ang bag sa Rome (📷Annabelle Rama/Facebook)
Source: Instagram

Kuwento ng tinaguriang “Matriarch ng Gutierrez family,” bigla na lamang siyang nawalan ng bag habang sila’y nagbe-breakfast. Aniya, “Nagbe-breakfast kasi kami, tapos biglang nag-announce na in 10 minutes aalis na. So ako naman, nag-CR. Sabi ko sa niece ko, bantayan niya ang bag ko.”

Read also

Kris Aquino, dinala sa ospital matapos tumaas ang BP: "Kaya pa"

Pagbalik niya mula sa CR, nagmamadali na raw ang lahat para sumakay ng bus papuntang Milan. Dito na siya kinabahan nang maalala ang kanyang gamit. “Paglabas ko ng CR, nagmamadali na ang lahat at nagsakayan na ng bus dahil papunta na kami ng Milan. Tapos bigla kong naalala ang bag ko. Sabi ko, ‘Ala, ang bag ko, nasaan ang bag ko?’ Naiwan doon sa breakfast, pero nang balikan namin, wala na. Sabi ko, ‘Patay, wala na akong pang-shopping’,” pagbabalik-tanaw niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad daw nilang pinasuri ang CCTV ng lugar ngunit ipinaliwanag na kailangan muna ng police report bago makita ang footage. Dahil nagmamadali na sila, hindi na niya ito naasikaso. “Pinarerebyu nga namin ‘yung CCTV para makita namin kung sino ang kumuha, pero kailangan pa raw ng police report. Eh nagmamadali na kami kaya hindi na kami nakapag-report sa police,” dagdag niya.

Sa kabutihang palad, ayon kay Annabelle, hindi mamahalin ang bag kaya ang pinakamalaking nawala lamang ay ang kanyang pocket money. “Buti na lang ‘yung bag na gamit ko, mumurahin lang. So ‘yung mga Euro ko lang ang nawalan,” wika pa niya.

Read also

Vico Sotto, may tanong sa influencer na nagbiro ukol sa ilegal na pagyaman

Dahil sa karanasang ito, todo paalala siya ngayon sa kanyang mga kaibigan at kapwa turista na laging maging alerto at bantayan ang mga gamit kapag nagbibiyahe. Para kay Annabelle, mas mabuti na ang sobrang pag-iingat kaysa masira ang biyahe dahil sa aberya.

Si Annabelle Rama ay kilalang talent manager, TV personality, at ina ng aktor na si Richard Gutierrez. Matagal na siyang bahagi ng showbiz bilang manager ng ilang artista at asawa ng beteranong aktor na si Eddie Gutierrez. Kilala rin siya sa kanyang pagiging prangka at matapang sa pagsagot sa mga isyu, kaya’t madalas siyang laman ng balita at usap-usapan online.

Kamakailan ay nagsalita si Annabelle laban sa mga tsismis na idinadawit siya sa isyu kay Ivana Alawi. Mariin niyang sinabi na walang katotohanan ang mga kumakalat na balitang iyon at tinawag itong “fake news.” Nilinaw rin niyang hindi siya sangkot sa anumang intriga at hiniling sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa maling impormasyon.

Read also

Muling pag-propose ni Yael kay Karylle, binalikan ng ABS-CBN

Bukod dito, inamin din ni Annabelle na siya ay nagpapagaling mula sa isang medical emergency na naranasan niya sa Italy. Sa kabila ng health scare, ibinahagi niyang unti-unti na siyang bumubuti at nagpapasalamat sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang karanasang ito ay nagbigay paalala sa kanya na mas pahalagahan ang kalusugan kaysa anumang bagay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate