Angeline Quinto, na-inspire sa ginawang viral na TikTok video ni Marian Rivera

Angeline Quinto, na-inspire sa ginawang viral na TikTok video ni Marian Rivera

  • Si Angeline Quinto ay talagang na-inspire kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera
  • Sa Instagram, nag-post si Angge ng isang reel kung saan siya ay nasa streets ng London
  • Ngunit ang sunod niya na ginawa sa video ay talagang pumukaw sa atensyon ng marami
  • Aniya pa ni Angge sa caption ng kanyang viral video ngayon ay, "Marian made me do this"

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Angeline Quinto, isang kilalang Filipina actress at singer, ay muling kinilig at na-inspire matapos makita ang viral trend na ginawa ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa TikTok.

Angeline Quinto, na-inspire sa ginawang viral na TikTok video ni Marian Rivera
Photos: @marianrivera, @loveangelinequinto on Instagram
Source: Instagram

Noong Thursday, September 4, nag-post si Angeline ng isang video sa kanyang Instagram kung saan makikitang naglalakad siya sa isang kalsada ng London habang tumutugtog ang kantang Uptown Funk ni Bruno Mars. Sa parte ng kanta kung saan sinabi ni Bruno ang salitang "stop," agad ring huminto ang singer-actress sa paglalakad at umarte na tila isa siyang mannequin.

Read also

Dance practice video ni Pauleen Luna, inulan ng papuri sa social media

Ang naturang video ay kahalintulad ng viral video ni Marian na unang nai-post noong July, kung saan makikita rin ang aktres na nakasuot ng all-white ensemble at naglalakad sa kalye bago rin huminto sa parehong bahagi ng kanta. Ang video na ito ni Marian ay umani ng 6.4 million views.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang caption, ibinahagi ni Angeline kung gaano siya na-inspire ng Kapuso star na gawin ang trend. "Mapapa-stop ka talaga sa ganda ng Lenden! But for a few seconds lang cause rampa is life! Enjoying London here, guys, bago bumalik sa labada! @marianrivera made me do this!" aniya.

Agad namang umani ng papuri mula sa mga netizens ang naturang post, kung saan marami ang napa-wow sa ganda ni Angeline sa video. Ilan sa mga komento na kanyang natanggap ay:

"Ganun pala dapat pag nag-stop, char."
"Napaka-ganda naman, lalo na sa personal."
"Sobrang atake ka naman, ate! Sobrang pretty!"

Read also

Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo

"Stop. Pero for me nonstop yung reel na ‘to. Gandaaaa!"
"Grabe, idol, ang layo na ng narating mo, at mararating mo pa, love you."

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Angeline Quinto ay isang sikat na singer, actress, at personalidad sa telebisyon sa Pilipinas. Nakilala siya matapos manalo sa talent search na Star Power: Sharon's Search for the Next Female Pop Superstar noong 2011, kung saan ipinamalas niya ang kanyang makapangyarihan na boses. Mula noon, naging tanyag siya sa pagbirit ng mga ballad at theme song para sa mga pelikula at teleserye. Bukod sa pagkanta, pumasok din si Angeline sa pag-arte, at gumanap sa iba't ibang pelikula at teleserye. Kilala rin siya sa kanyang pagiging palabiro at masayahin sa mga palabas at panayam, dahilan upang maging paborito siya ng mga tao, lalo na nga ng kanyang mga fans.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagdaos ng bonggang party sina Angeline Quinto at Nonrev Daquina para sa kanilang anak na si Baby Sylvia. Para sa 1st Birthday nito, nag-throw sila ng isang Snow White themed birthday celebration. Ibinahagi naman ni Dave Sandoval ang ilang sulyap mula sa napakasayang party ni Sylvia.

Read also

Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy

Samantalang ibinahagi ni Angeline Quinto ang kanyang unang karanasan sa eroplano noon. Nataranta siya dahil sa usok sa loob ng eroplano na kalaunan ay nalaman niyang harmless. "Biglang may umusok sa loob ng plane, nataranta ako, normal lang pala yun," ani niya. Inakala rin niyang "jetlag" ang hilo noon sa kanyang flight.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco