Dance practice video ni Pauleen Luna, inulan ng papuri sa social media

Dance practice video ni Pauleen Luna, inulan ng papuri sa social media

  • Si Pauleen Luna ay muli na namang nag-viral dahil sa kanyang bagong online post
  • Sa Instagram, nag-post si Pauleen ng maikling video clip ng kanyang dance practice
  • Kasama niya sa video si Michael Jahnke na dance coach sa Sky Dance Avenue MNL
  • Aniya Pauleen, nahirapan man daw siya ay labis pa rin siyang nag-enjoy sa session

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Pauleen Luna, isang kilalang celebrity mom sa Pilipinas, ay muli na namang pinahanga ang kanyang mga fans at followers matapos mag-post ng isang dance practice video sa Instagram.

Dance practice video ni Pauleen Luna, inulan ng papuri sa social media
Photos: @niceprintphoto, @pauleenlunasotto on Instagram
Source: Instagram

Noong Thursday, September 4, ibinahagi ni Pauleen ang isang maikling video clip kung saan makikitang masayang sumasayaw ang aktres sa 2005 na kanta na If It's Loving That You Want ni Rihanna kasama si Michael Jahnke, na isa sa mga dance coaches ng Sky Dance Avenue MNL.

Marami ang talagang namangha nang muli nilang makita si Pauleen na nagpe-perform at humahataw, na ipinapakita ang kanyang groovy moves at natural na energy sa pagsayaw.

Read also

Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo

Sa kanyang caption, inamin ni Pauleen na nahirapan siya, ngunit hindi nito nawala ang saya na kanyang naramdaman nang siya ay makapagsayaw ulit. "Kailangan pa ng matinding pakulo! But soooo happy to be able to dance again today (kahit hirap na hirap?). Thank you @maike_jahnke for today’s fun session!" ani ng celebrity mom sa kanyang viral post sa sikat na photo-sharing app.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, bumuhos naman ang papuri mula sa netizens sa comments section ng kanyang post:

"Grabe, ang payat na ulit, sana all."
"Super galing pa rin! Walang kupas hehehe!"
"Can’t wait to see you and Tali dance together someday!"
"Parang di naman kailangan pakuluan!!! Momma’s still got it!!!"
"Kinulang pa ba yun sa pakulo? Ang husay mo pa rin momshie!"
"Ang galing niyo po Ms. Pauleen, nag-work out ka na tas nakasayaw ka pa, love it."

Muling pinatunayan ni Pauleen na bukod sa pagiging hands-on mom niya, dala-dalar pa rin niya ang husay at sigla na minahal ng kanyang mga tagahanga sa mundo ng local entertainment.

Read also

"POV" video ni Bela Padilla tungkol sa pagpapaaral ng mga "Disney princess", pumalo ng 4M views

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Pauleen Luna ay isang Filipina actress at TV host. Nagsimula ang kanyang showbiz career nang sumali siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! noong 1995. Bukod sa pagho-host, lumabas din siya sa iba't ibang TV dramas ng GMA Network. Sa kanyang personal na buhay, ikinasal si Pauleen kay Vic Sotto noong 2016 at ngayon ay isa nang ina sa kanilang dalawang anak na sina Talitha at ang bunsong si Thia. Sa kabila ng kanyang nakaraang buhay sa showbiz, pinili muna ni Pauleen na magpokus pansamantala sa pagpapalaki ng kanyang dalawang anak.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbahagi si Pauleen Luna ng isang personal na kuwento sa Instagram, kung saan ikinuwento niya ang kanyang huge transformation at kung paano niya ito nagawa. Ayon sa sikat na celebrity momma, nang siya ay 14 months postpartum noon, nakipag-ugnayan siya kay Dra. Vicki Belo. Sa kanyang post, ibinahagi ng celebrity mom kung paano naging "super supportive" si Vicki sa buong proseso.

Read also

Ellen Adarna, may patutsada nang mapanood ang "as a nepo baby" video ni Ansis Sy

Samantalang noong June, umani ng atensyon si Pauleen Luna matapos niyang hindi mapigilang ipahayag ang kanyang paghanga online. Kamakailan lang, pinuri ni Pauleen sina Vic Sotto at Piolo Pascual matapos silang makatanggap ng parangal sa isang awards event. Aniya Pauleen sa dalawang mahuhusay na aktor, "You both are truly deserving." Kung matatandaan, nagkasama sina Vic at Piolo sa 2024 MMFF film na The Kingdom.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco