Melai Cantiveros, inaliw ang madla sa sagot niya sa tanong ni Kaye Abad: "Patawarin mo ako Ate Kaye"

Melai Cantiveros, inaliw ang madla sa sagot niya sa tanong ni Kaye Abad: "Patawarin mo ako Ate Kaye"

  • Si Melai Cantiveros ay talagang kinabahan dahil sa tanong ni Kaye Abad sa kanya
  • Kamakailan ay nag-guest kasi si Kaye sa sikat na show ni Melai na 'Kuan on One'
  • Dito ay napa-look back si Kaye sa panahong nakasama ni Melai si Paul Jake Castillo
  • Matatandaang isa si Paul Jake sa ka-batchmate ni Melai sa Pinoy Big Brother: Double Up

Si Melai Cantiveros, isang Filipina actress-comedian, ay di naiwasang kabahan sa pinakabagong episode ng Kuan on One matapos na maging guest niya ang sikat na actress na si Kaye Abad.

Melai Cantiveros, inaliw ang madla sa sagot niya sa tanong ni Kaye Abad: "Patawarin mo ako Ate Kaye"
Photos: Kuan on One via ABS-CBN Entertainment on YouTube
Source: Youtube

Bago magsimula ang opisyal na panayam, agad na napansin ni Kaye ang itsura ni Melai nang siya ay magsalita at pabirong nagtanong, "Bago ang lahat, ikaw ang magtatanong sa akin, diba? Anong nangyari sa mukha? Bakit ka kinakabahan?" na kinaaliwan naman ng manonood nila.

Sa kalagitnaan ng usapan, biglang binalikan ni Kaye ang panahon kung saan nagkasama sina Melai, Jason Francisco, at Paul Jake Castillo — na ngayo'y asawa na ni Kaye — sa loob ng Pinoy Big Brother house. Aniya Kaye, "Hindi may tanong lang ako para sayo. May nabalitaan kasi ako. Actually, napanood ko kasi ang interview. Interview ba yun? Parang sinabi mo na, noong nasa PBB pa lang kayo nila Jason at Paul Jake, crush mo raw si Paul Jake noon? Totoo ba 'to?"

Read also

Anne Curtis, ibinahagi kung paano nalaman ni Dahlia na sikat siyang artista

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dahil dito, agad na nagbiro si Melai at humingi ng patawad kay Kaye. "Patawarin mo ako, Ate Kaye, sa mga kasalanan ko. Iligtas mo ako mula sa apoy ng impyerno. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa asawa mo? Noong pumasok ako ng PBB, ang target ko talaga ay si Paul Jake. Ang gwapo niya! Parang Korean!" ani ng komedyante na ikinatawa ng marami sa social media.

Dahil sa kanilang biruan at prangkahang usapan, natuwa ang mga netizens at viewers sa makuwelang interaction ng dalawa. Marami ang nagsabing aliw na aliw sila sa pagiging totoo at palabiro ni Melai, gayundin sa game na game na pagharap ni Kaye sa mga tanong sa kanya.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Melai Cantiveros ay isang sikat na Filipina actress, TV host, at comedian. Sumikat siya noong 2009 matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Double Up. Ang kanyang nakakaaliw na personalidad, kakayahang magpatawa, at natural na karisma ang dahilan kung bakit siya naging paborito ng mga manonood habang nasa loob ng Bahay ni Kuya. Pagkatapos niyang manalo, pumasok si Melai sa showbiz kung saan siya naging matagumpay bilang komedyante at TV host. Sa kanyang personal naman na buhay ay pinakasalan niya si Jason Francisco. Kilala silang mag-asawa bilang 'MelaSon' sa mundo ng lokal na showbiz at sila ay may dalawang anak na babae.

Read also

Kaye Abad, may makuwelang birthday greeting sa kanyang anak na si Iñigo

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naghatid ng good vibes si Melai Cantiveros sa mga followers niya. Kamakailan ay na-meet kasi nila ni Jason Francisco si Ivana Alawi. Dahil dito, ibinahagi ni Melai sa Instagram na nakita na rin ni Jason ang kanyang crush umano. Ngunit, ang caption ni Melai tungkol sa meeting ng dalawa ay kinaaliwan.

Samantalang ay labis na nagulat si Melai Cantiveros sa dami ng taong pumunta sa mall para sa kanya. Kamakailan ay nag-tour kasi si Melai sa Dumaguete para sa Season 3 ng 'Kuan on One.' Dito ay nabigla talaga si Momshie Melai sa dami ng dumagsa sa kanyang mall tour. Aniya Melai, sana nga raw ay hindi na-discourage ang marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco