Tita Krissy Achino, ibinida ang tax record ni Kris Aquino sa gitna ng isyu ng “nepo babies”

Tita Krissy Achino, ibinida ang tax record ni Kris Aquino sa gitna ng isyu ng “nepo babies”

  • Nag-viral ang post ni Tita Krissy Achino tungkol sa pagiging consistent taxpayer ni Kris Aquino
  • Ayon sa impersonator, standout si Kris sa mga “nepo babies” dahil sa transparency at record sa BIR
  • Mula 2008 hanggang 2015, nakapagbayad si Kris ng mahigit ₱322 milyon na income tax
  • Nanatiling “Queen of All Media” si Kris dahil sa kanyang kasikatan at disiplina sa trabaho

Nag-viral sa social media ang post ng impersonator na si Tita Krissy Achino matapos nitong ipagtanggol si Kris Aquino sa usapin ng tinatawag na “nepo babies” o mga anak ng sikat at makapangyarihang pamilya sa politika at showbiz.

Tita Krissy Achino, ibinida ang tax record ni Kris Aquino sa gitna ng isyu ng “nepo babies”
Tita Krissy Achino, ibinida ang tax record ni Kris Aquino sa gitna ng isyu ng “nepo babies” (📷@krisaquino/IG)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post, iginiit ni Tita Krissy na standout si Kris Aquino hindi lang sa pagiging anak ng dating Pangulong Cory Aquino at kapatid ng dating Pangulong Noynoy Aquino, kundi dahil sa kanyang transparency at consistency sa pagbabayad ng buwis.

“Among all the so-called ‘nepo babies’ of Philippine politics/show business, Kris Aquino stands out for one thing most people often overlook… her transparency and consistency in paying her tax obligations. Whether you're a fan or a critic, her dedication and work ethics are obviously undeniable,” ani Tita Krissy.

Read also

Jose Mari Chan, unang inalok si Lea Salonga na maka-duet sa 'Christmas in our hearts'

Kasabay ng mainit na diskusyon online tungkol sa mga anak ng contractor na sangkot umano sa anomalya sa flood-control projects, pinili ni Tita Krissy na ibida si Kris Aquino bilang halimbawa ng isang public figure na may malinis na record sa buwis.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi lamang salita ang ipinakita ng impersonator. Nagbahagi rin siya ng datos mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan makikita na mula 2008 hanggang 2015, nakapagbayad si Kris ng kabuuang ₱322,098,558.74 sa income tax.

Ilan sa kanyang “peak years” ay ang mga sumusunod:

2008 – ₱25.4M (Top #8)

2010 – ₱32.3M (Top #17)

2011 – ₱49.87M (Top #1)

2014 – ₱54.53M (Top #6)

2015 – ₱61.74M (No Ranking Available)

“The numbers speak for themselves. At her peak in the 2010s, no other celebrity came close to her level of visibility, influence, and workload,” dagdag pa ni Tita Krissy.

Ang pamana ng “Queen of All Media”

Bukod sa kanyang tax record, pinaalala rin ni Tita Krissy kung paanong si Kris Aquino ay naging halos omnipresent sa media sa kalagitnaan ng 2000s hanggang 2010s.

Read also

Ellen Adarna, aliw na aliw sa 'contractor' posts ni Edu Manzano: "The shade haha, I cannot"

“For those who grew up watching her in the early 2000s, her dominance on television was quite impossible to miss. Talk Shows in the morning, Game Shows in the evening, countless Blockbuster Movies, Late-Night Showbiz Interviews, and she even has a Weekend Showbiz Talk Show, to name a few,” aniya.

Ngunit higit pa sa kasikatan, binigyang-diin ng impersonator na mas pinili ni Kris na maging tapat sa kanyang responsibilidad bilang taxpayer.

“Imagine?! She could have cheated on that and not declared it, but she chose to pay the right amount. Seriously, the Madæm is Madæming… hahaha!” dagdag pa niya.

Para kay Tita Krissy, walang ibang makakapalit kay Kris Aquino bilang “Queen of All Media” dahil sa kanyang legacy at integridad.

Si Kristina Bernadette Cojuangco Aquino, o mas kilala bilang Kris, ay anak ng dalawang pinakamalaking pangalan sa politika—dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino. Madalas siyang nababanggit kapag pinag-uusapan ang “nepo babies” sa Pilipinas dahil sa kanyang pamilya, ngunit pinatunayan niya sa loob ng tatlong dekada sa showbiz na may sarili siyang tatak ng kasikatan at tagumpay.

Read also

Gabbi Garcia, ibinahagi ang kanyang travel experiences gamit ang kanyang 'hard-earned money'

Sa pamamagitan ng kanyang talk shows, game shows, pelikula, at endorsements, kinilala siya bilang isa sa pinakamataas ang kinikita at pinakakilalang personalidad sa bansa. Ang kanyang malinis na tax record ay nagsisilbing patunay na sinabayan niya ng disiplina at tapat na pagbabayad ng buwis ang kanyang kasikatan.

Kamakailan lang ay muling nagpakita ng suporta si Pokwang para kay Kris Aquino. Sa isang post, agad niyang tinupad ang kahilingan ng Queen of All Media at sinabing laging kasama si Kris sa kanyang mga dasal. Nagpaabot pa siya ng mensahe ng pagmamahal at paghanga sa pagiging matatag ni Kris kahit sa laban nito sa sakit.

Samantala, ipinakita naman ni Boy Abunda ang kanyang malasakit sa kaibigan nang ipahayag ang panalangin para sa paggaling ni Kris at ang suporta niya para kay Bimby. Sa isang panayam, tiniyak ni Tito Boy na hindi niya pababayaan ang anak ni Kris at laging nariyan upang magbigay ng gabay. Nagbigay din siya ng pag-asa na darating ang panahon na muling makikita ng publiko si Kris na malakas at masigla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate