Jose Mari Chan, unang inalok si Lea Salonga na maka-duet sa 'Christmas in our hearts'

Jose Mari Chan, unang inalok si Lea Salonga na maka-duet sa 'Christmas in our hearts'

  • Nakapanayam ni Toni Gonzaga ang tinagurian ng marami ng "King of Christmas carols in the Philippines" na si Jose Mari Chan
  • Naikwento nito kung sino ang una niyang inalok na maka-duet para sa awiting 'Christmas in our Hearts'
  • Sa kasamaang palad, hindi pumayag ang producer ng popular na singer
  • Gayunpaman, naging espesyal pa rin ang awitin nang ang kanya mismong anak na si Lisa ang naka-duet sa awiting minahal ng mga Pilipino lalo na sa panahon ng Kapaskuhan

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nakapanayam ni Toni Gonzaga ang tinagurian ng marami bilang King of Christmas Carols in the Philippines na si Jose Mari Chan.

Jose Mari Chan, unang inalok si Lea Salonga na maka-duet sa Christmas in our hearts
Jose Mari Chan (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Sa panayam, ibinahagi ng OPM icon kung sino ang una niyang inalok na maka-duet para sa isa sa pinakasikat na awiting Pasko sa bansa—ang “Christmas in Our Hearts.”

Ayon kay Chan, una niyang naisip na makasama sa pag-awit ng kanta ang international Broadway star na si Lea Salonga.

Read also

Kathryn, 'di akalaing magtatambal sila ni James Reid: “Ang dami nang possibilities ngayon”

Aniya, “I thought of Lea Salonga, because at that time, she was a big star. Miss Saigon.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Chan, pumayag naman si Lea matapos mapakinggan ang kanta subalit hindi ito pinayagan ng kanyang producer.

“She liked the melody, she liked the song and she said ‘yes’. Unfortunately, her producer did not want her to because she was with Miss Saigon.”

Sa kabila ng hindi pagkakatuloy ng plano, naging espesyal pa rin ang awitin dahil ang kanya mismong anak na si Lisa ang nakaduet niya sa kantang minahal ng mga Pilipino tuwing Kapaskuhan.

“I guess the Holy Spirit wanted me to pick my daughter Lisa to sing that song… Father-daughter singing a Christmas carol,” ani Chan.

Samantala, isang malaking "No!" ang naging tugon ni Jose Mari Chan nang sabihin ni Toni na siya ang tinaguriang "King of Christmas carols" sa bansa. Pabiro niyang sinabi na tila mas gugustuhin pa niyang tawaging "Chan-ta Claus" na mapapansing kinuha niya sa kanyang apelyido na Chan.

Read also

Emman Atienza, nagbigay pahayag ukol sa isyu ng pagiging “nepo baby”

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Toni Talks ng Toni Gonzaga Studio YouTube:

Si Jose Mari Chan ay isa sa pinakatanyag na mang-aawit at kompositor sa Pilipinas na kilala sa kanyang mga hit na awitin tulad ng “Beautiful Girl,” “Please Be Careful with My Heart,” at siyempre, ang pambansang awit ng Pasko ng marami, “Christmas in Our Hearts.” Dahil sa kanyang kontribusyon sa musika at sa walang kamatayang mga kantang pamasko, tinagurian siyang "King of Christmas Carols sa bansa." Katunayan, sa tuwing sasapit na ang "ber months" sa Pinas na nagsisimula sa Setyembre 1, naglalabasan na ang meme ni Jose Mari Chan na nagpaparamdam na ng Kapaskuhan lalong-lalo na ang kanyang awiting 'Christmas in our Hearts.'

Samantala, si Lea Salonga naman ay isang world-renowned singer at aktres na sumikat sa kanyang papel bilang Kim sa Broadway musical na Miss Saigon. Siya rin ang naging boses sa mga Disney princess tulad nina Jasmine sa Aladdin at Mulan sa Mulan, dahilan upang makilala siya bilang isa sa pinakamahusay na Pilipinong mang-aawit sa buong mundo. Sa kasalukuyan, abala siya sa Pinoy theater adaptation ng Hollywood movie na Into the Woods na mapapanood sa Samsung Performing Arts ngayong Agosto.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica