Jose Mari Chan, ipinarinig ang "quarantine version" ng kanyang sikat na Christmas songs

Jose Mari Chan, ipinarinig ang "quarantine version" ng kanyang sikat na Christmas songs

- Binago ni Jose Mari Chan ang ilang lyrics ng kanyang mga sikat na Christmas songs

- Una niya itong ipinarinig sa progama 'Unang Hirit' at bilang hudyat ng Christmas season sa bansa

- Bagaman at binansagan siyan "King of Pinoy Christmas Carols" Pinaalala pa rin ni Jose Mari Chan ang tunay na diwa ng Kapaskuhan

- Ipinarinig din niya ang orihinal na bersyon ng 'Christmas in our Hearts' kasama ang kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Jose Mari Chan, ipinarinig ang "quarantine version" ng kanyang sikat na Christmas songs

Jose Mari Chan (Photo from Jose Mari Chan Facebook)
Source: Facebook

Bilang hudyat ng mahabang 'Christmas Season' sa bansa, nagpaunlak si Jose Mari Chan sa morning show ng GMA na Unang Hirit upang maharana ang mga manonood ng pinakaabanagan nilang marinig tuwing kapaskuhan, ang "Christmas in our Hearts."

Nalaman ng KAMI na halos taon-taon na palang panauhin ng nasabing programa ang "King of Pinoy Christmas Carols" tuwing Setyembre 1 ngunit ngayong taon, kapanayam lamang siya sa video call.

Ngunit kahit wala sa mismong studio ang sikat na singer at songwriter, ipinarinig pa rin niya ang ginawang 'new normal' o 'quarantine version' ng kanyang mga Christmas Songs.

Inakma niya ang lyrics sa nagaganap sa atin ngayon lalo na at tila magdiriwang tayo ng kapaskuhan habang may pandemya.

"Whenever I hear boys and girls, singing carols in my mind... I remember the past when every thing was fine..." ang bahagi ng bagong bersyon ng "Christmas in Our Hearts."

"My idea of a perfect Christmas is to spend it with you. We could Facetime an hour or two, any app would do..." ang ilang linya sa binago niyang bersyon ng kantang "A Perfect Christmas."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Bagaman at masaya si Jose Mari Chan at naiiugnay siya sa Kapaskuhan, ipinaalala pa rinniya ang tunay na rason ng pagdiriwang nito.

Samantala, nilinaw din niyang hindi siya ang nagsulat ng mga binagong bersyon ng kanyang awitin na nagkalat na ngayon bilang meme at ang ipinarinig niya sa programa ang tanging pagbabagong ginawa niya.

Bago matapos ang panayam sa kanya ng mga excited na Unang Hirit hosts, muling kinanta ni Jose Mari Chan ang orihinal na bersyon ng "Christmas in our Hearts".

Ngunit ngayon, kasama niya ang kanyang pamilya sa pagkanta nito, habang nakikisabay din ang mga host ng morning show.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Setyembre 1 din noong nakaraang taon nang mamataan si Jose Mari Chan sa isang food court sa isang mall sa Myanila habang hinaharana ang mga ilang mga kumakain doon bilang hudyat ng Chritmas season sa bansa.

Kamakailan ay ipinarinig din niya ang "new normal version niya ng kantang "Let's Stop and Talk Awhile" na sumikat noong pang dekada 80.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang ika-30 anibersaryo ng kantang "Christmas in our Hearts" na nagsisilbing awiting pamasko ng bawat pamilya Pilipino.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel