"Mama na OA" na video nina Jennica at Jean Garcia, pumalo ng 11M views

"Mama na OA" na video nina Jennica at Jean Garcia, pumalo ng 11M views

  • Si Jennica Garcia ay naging usap-usapan kamakailan lang dahil sa kanyang reel
  • Sa Facebook ay nag-post kasi si Jennica ng makuwelang video kasama ang kanyang ina
  • Marami ang naaliw sa kulitan nila, kung kaya't pumalo ng mahigit 11M views ang video
  • Bukod pa rito ay marami rin ang natawa sa mga komento ni Jennica tungkol kay Jean

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Si Jennica Garcia, isang kilalang Filipina aktres, ay naging usap-usapan sa social media matapos mag-viral ang kanyang video kasama ang ina niya na si Jean Garcia, isang beteranang aktres.

"Mama na OA" na video nina Jennica at Jean Garcia, pumalo ng 11M views
"Mama na OA" na video nina Jennica at Jean Garcia, pumalo ng 11M views (@jennicagarciaph)
Source: Instagram

Noong Monday, August 25, ibinahagi ni Jennica sa kanyang opisyal na Facebook page ang isang reel kung saan silang mag-ina ay nag-lip sync sa kantang Ready For It ng international singer na si Taylor Swift. Habang kalmado lamang ang pagkanta ni Jennica, si Jean naman ay todo-bigay at puno ng aksyon, dahilan para matuwa at matawa ang maraming netizens sa comment section.

Mas lalo pang naaliw ang publiko nang makita ang mga biro ni Jennica tungkol sa kanyang ina. Sa caption ng kanyang viral Facebook post, isinulat niya: "Mama na OA x Anak na Nonchalant."

Read also

Pokwang, umalma sa fake news ukol sa kanila ni Pauleen Luna: "Makakarma rin kayo"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi rin nakaligtas sa mga netizens ang dagdag na komento ni Jennica tungkol sa masayahing personalidad ng kanyang mama. Aniya, "Kaya minsan talaga na-wrestling ko na lang 'to si mama eh. Sa halip na siya maubos pasensya sakin, ako yung nauubusan ng pasensya sa kanya."

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 11 million views ang reel ni Jennica sa kanyang Facebook page, patunay ng aliw at saya na dala ng kanilang mag-ina sa kanilang mga manonood.

Panoorin ang video sa ibaba:

Si Jennica Garcia ay isang talented na Filipina actress at TV host. Anak siya ng beteranang aktres na si Jean Garcia at aktor na si Jigo Garcia. Sa paglipas ng mga taon, gumanap si Jennica sa mga kilalang teleserye tulad ng Gagambino, Adik Sa'Yo, Ako si Kim Sam Soon, at Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, na nagpatunay sa kanyang husay bilang isang batang aktres sa telebisyon sa Pilipinas. Matapos ang kanyang hiatus, bumalik si Jennica sa showbiz at muli siyang nasilayan sa prime-time television sa pamamagitan ng kanyang breakout role sa Dirty Linen. Noong 2025 naman ay pinuri siya dahil sa kaniyang komplikadong role bilang Sarah Banaag sa Saving Grace ng ABS-CBN, na muling nagpakita ng lalim at lawak ng kanyang kakayahan at husay sa pag-arte.

Read also

Pokwang, agad na tinupad ang request ni Kris Aquino: "Lagi kang nasa dasal ko"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay kinagiliwan ng marami si Jennica Garcia dahil sa kanyang post. Nakipagkita kasi si Jennica kina Christine at Julius Babao, pati na rin kay Jewel Mische. Ngunit ang di inaasahan ng marami ay ang pagpapatawa ni Jennica. Ipinost kasi nito ang picture niya habang namimili ng pagkain sa menu sa isang resto na pumukaw sa atensyon ng marami.

Samantalang ay naging usap-usapan muli si Jennica Garcia online dahil sa kanyang Instagram story. Sa nasabing post, ibinahagi ni Jennica ang isang pangyayari tungkol sa kapitbahay niya. Nanawagan na kasi ang aktres sa kanyang kapitbahay sa nasabing viral IG post na ito Gayunpaman, marami pa rin ang naaliw sa pagiging open ngunit funny ni Jennica sa post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco