Eric Quizon, labis ang pasasalamat kay Lea Salonga: "Beyond grateful"

Eric Quizon, labis ang pasasalamat kay Lea Salonga: "Beyond grateful"

  • Si Eric Quizon ay labis talagang grateful sa theatre star na si Lea Salonga
  • Sa Instagram, ni-repost kasi ni Eric ang photo post ng Turismo Central Luzon
  • Tungkol ito sa pahayag ni Lea noong 2024 tungkol sa pagiging National Artist
  • Aniya Eric, talagang naantig ang kanyang puso sa di paglimot ng theatre star

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si Eric Quizon, isa sa mga anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy, ay nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat kay Lea Salonga matapos makita ang isang post tungkol sa naging pahayag ng singer hinggil sa kanyang ama.

Eric Quizon, labis ang pasasalamat kay Lea Salonga: "Beyond grateful"
Photos: @_kcafterhours, @msleasalonga on Instagram
Source: Instagram

Noong Sunday, August 24, nag-upload si Eric sa Instagram ng post mula sa Turismo Central Luzon. Ang nasabing post ay tumutukoy sa naging pahayag ni Lea noong 2024, kung saan sinabi ng theater star na mas marami pang mas karapat-dapat kaysa sa kanya para maging National Artist — kabilang na rito si Dolphy.

Ayon kay Eric, labis siyang naantig nang makita ang pagkilala ni Lea sa kontribusyon ng kanilang ama sa industriya ng sining at aliwan. Sa kanyang post, ipinahayag niya ang lubos na pasasalamat ng kanilang pamilya.

Read also

Derek Ramsay, sumailalim sa wellness retreat sa Bali sa kabila ng lumabas na espikulasyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"The Quizons are beyond grateful to Miss Lea Salonga @msleasalonga! For a living legend to humbly forgo a national recognition and to honor my dad's contribution to Philippine Theatre, Television, and Cinema is something our family will always cherish. Thank you, Lea for never forgetting," ani Eric sa photo app.

Matatandaang si Dolphy, na pumanaw noong 2012, ay matagal nang isinusulong ng publiko at iba't ibang sektor upang hiranging National Artist bilang pagkilala sa napakalaking ambag nito sa larangan ng showbiz sa bansa.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Eric Quizon ay isang batikang aktor, direktor, at producer sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Anak siya ng tinaguriang 'Comedy King' na si Dolphy at nakilala sa kanyang husay sa pag-arte, lalo na sa mga pelikula at teleseryeng nagbibigay-diin sa drama at komedya. Bukod sa kanyang mga natatanging pagganap, si Eric ay hinangaan din dahil sa kanyang likas na talento sa likod ng camera bilang direktor at producer ng iba't ibang proyekto sa telebisyon at pelikula. Bukod sa kanyang kontribusyon sa sining, kilala rin si Eric bilang tagapagsalita ng pamilya Quizon at patuloy na ipinapakita ang kanyang malasakit at dedikasyon sa pagpapanatili ng legacy ng kanilang ama. Sa kabuuan, si Eric ay hindi lamang isang artista kundi isang haligi ng showbiz na nagpapatunay na ang talento at integridad ay maaring magtagal sa mahabang panahon.

Read also

Andi Eigenmann, nakiusap sa kanilang customers sa isla: "Compostable doesn't mean invisible"

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-guest sa opisyal na channel ni Julius Babao ang kapatid ni Eric Quizon na si Epy. Sa kanilang one-hour long interview, nag-kwento si Epy tungkol sa kanilang tatay. Aniya Epy, hanggang ngayon daw ay nakakatanggap pa rin siya ng "allowance." Nang magtanong si Julius tungkol dito, nagpakatotoo naman ang kilalang aktor sa vlog.

Samantalang noong 2024 ay naibahagi ni Eric Quizon sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na sa kabila ng pagpanaw ng kanyang ama, 11 taon na ang nakalilipas, patuloy pa rin silang sinusuportahan nito. Naikwento rin niyang 18 silang magkakapatid na pantay-pantay na nakakakuha parin ng suporta sa naiwan sa kanila ng ama, bagay na hinangaan ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco