Gary Valenciano binigyang-pugay ang tapang at pagiging ina ni Kris Aquino
- Gary Valenciano nagpadala ng mahabang mensahe ng suporta kay Kris Aquino habang patuloy itong sumasailalim sa gamutan
- Pinuri ng OPM icon ang pagiging matatag ni Kris at ang pagpapalaki niya sa mga anak na sina Josh at Bimby
- Inamin ni Gary V na naapektuhan siya sa pinagdadaanan ni Kris ngunit naniniwala siya sa lakas at tapang nito
- Nangako ang singer-actor na ipagdarasal si Kris at nagbahagi ng inspirasyon mula sa sarili niyang health battles
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Habang patuloy na lumalaban si Kris Aquino sa matinding hamon ng kalusugan, isa sa mga nagbigay ng inspirasyon at panalangin sa kanya ay si Gary Valenciano. Ang mensahe ni Mr. Pure Energy ay dumating matapos ibahagi ng Queen of All Media na nagsimula na siya ng mas agresibong treatment para sa kanyang 11 autoimmune diseases.

Source: Instagram
Sa comment section ng Instagram post ni Kris noong Biyernes, Agosto 22, nag-iwan ng mahaba at taos-pusong mensahe si Gary V. Binalikan pa niya ang isang panayam nila mahigit dalawang dekada na ang nakalipas.
Dagdag niya, “I’m affected by what I’ve had to see you go through but I’m truly blessed at how strong and brave a person you really are.”
Hindi rin nakalimutan ni Gary na purihin si Kris bilang ina. Ibinahagi rin ni Gary V ang kanyang mga pinagdadaanan sa kalusugan at kung paano siya kumakapit sa pananampalataya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
At sa pagtatapos ng kanyang mensahe, nangako si Gary na laging ipagdarasal si Kris: “I’ll drop what I’m doing to say a prayer for you. God bless you, my friend. We love you Kris.”
Matatandaang kamakailan lang ay naospital muli si Kris matapos lumabas ang “alarming” result ng kanyang blood test. Sumailalim siya sa ilang surgical procedures kabilang ang paglalagay ng port-a-cath, isang medical device na nakakabit sa dibdib upang mapadali ang pagbibigay ng gamot at pagkuha ng dugo.
Sa kabila ng mga procedure, masayang ibinahagi ni Kris nitong Agosto 24 na nakalabas na siya ng ospital at kasalukuyang nananatili sa isang luxury hotel. Kasama ng kanyang pagbabalik ay isang larawan ng kanyang dibdib na may bandage at nakasulat na “LOVE.”

Read also
Bea Borres, inaming muntik ipatanggal ang supling; subalit nakatanggap ng ilang signs kay God
Si Gary Valenciano, o mas kilala bilang Mr. Pure Energy, ay isa sa pinakatanyag na singer-performer sa bansa. Maliban sa kanyang husay sa musika, kilala rin siya sa pagbabahagi ng inspirasyon, lalo na’t siya mismo ay matagal nang lumalaban sa type 1 diabetes at iba pang health scares.
Samantala, si Kris Aquino, na tinaguriang Queen of All Media, ay kilala bilang isa sa pinaka-influential personalities sa telebisyon, pelikula, at social media. Sa kabila ng kanyang matinding health condition, patuloy siyang nakatatanggap ng suporta mula sa kanyang mga anak, kaibigan, at mga tagahanga.
Sa isang ulat ng Kami.com.ph, inamin ni Kris na dapat na siyang kabahan sa resulta ng kanyang medical confinement. Sa kanyang Instagram post, ipinaliwanag niya na may mga komplikasyon sa kanyang kondisyon at hindi niya itinatago ang kanyang pangamba. Gayunpaman, nananatili siyang matatag at umaasa na kakayanin ang panibagong round ng treatment.
Sa isa pang artikulo, ibinahagi ni Kris ang isang raw note kung saan ipinagtapat niyang matagal na siyang sumuko at kung wala ang kanyang dalawang anak ay baka hindi na siya lumalaban. Maraming netizens ang naantig sa kanyang emosyonal na pagbubunyag at muling nagpaabot ng panalangin at suporta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh