Bea Borres, 'di masabi sa ex na siya'y buntis; si Andrea Brillantes ang nakapagsabi

Bea Borres, 'di masabi sa ex na siya'y buntis; si Andrea Brillantes ang nakapagsabi

  • Hindi umano kinaya ni Bea Borres na sabihin sa ama ng kanyang anak na siya'y nagdadalang tao
  • Dahil dito, ang kanyang best friend na si Andrea Brillantes ang nakapagsabi nito
  • Idinetalye rin ni Bea ang naging reaksyon ng kanyang ex tungkol dito
  • Matatandaang kamakailan, inamin na ni Bea Borres sa publiko ang kanyang pagdadalang tao

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa isang tapat na panayam sa Toni Talks, ibinahagi ni Bea Borres ang emosyonal na karanasan niya nang malaman niyang siya ay nagdadalang-tao.

Bea Borres, 'di masabi sa ex na siya'y buntis; si Andrea Brillantes ang nakapagsabi
Bea Borres, 'di masabi sa ex na siya'y buntis; si Andrea Brillantes ang nakapagsabi (Bea Borres)
Source: Facebook

Ayon kay Bea, hindi niya nakayanan na personal na sabihin sa ama ng kanyang anak ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Dahil dito, ang kanyang matalik na kaibigan na si Andrea Brillantes ang siyang nagbahagi ng balita sa lalaki.

“Pumunta ako kay Blythe kasi matutulog ako sa kanila kasi mag-a-out of town kami. So medyo at the same time comforted naman po ako kasi she was there. She was there beside me the whole time. And then siya rin nagsabi sa ex ko… Wala po akong tapang Ms. Toni na sabihin ‘yun.”

Read also

Bea Borres, inaming muntik ipatanggal ang supling; subalit nakatanggap ng ilang signs kay God

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Bea, nang naganap ang pag-uusap, kasama silang tatlo. “In person po. Magkakasama kaming tatlo. So, hinug (hug) niya kami tapos sabi niya... ‘she’s pregnant!’”

Ibinahagi rin ni Bea ang reaksyon ng kanyang ex na hindi inaasahan ang sitwasyon. “Syempre nagulat po siya. Hindi po talaga namin ine-expect.” Ani Bea, lalo na at isang buwan pa lamang sila ng kanya na ngayong ex.

“Pero kilala ko na po siya before pa,” paglilinaw ni Bea.

Ayon pa sa social media personality, pareho silang nakaramdam ng pressure nang malaman ang balita. “Parang na-pressure siya. Na-pressure din ako and I expected too much from him. Na alam mo ‘yun, na mag-step up siya agad-agad. 'E siya parang pino-process niya pa lang. 'E ako naman I felt so lonely.”

Sa huli, inamin ni Bea na umaasa siya ng suporta at katuwang sa panahong iyon, ngunit nauunawaan din niya ang proseso ng kanyang dating kasintahan.

Read also

Cristy Fermin, sa pasabog ni Liza Soberano: “Sorry, pero ako mismo hindi ako naniniwala”

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya mula sa Toni Gonzaga Studios:

Si Bea Borres ay isang kilalang social media personality na sumikat dahil sa kanyang pagiging influencer at content creator. Isa siya sa mga personalidad na aktibo sa paggawa ng mga nakakaaliw na video at pagbabahagi ng kanyang lifestyle sa social media. Dahil dito, nagkaroon siya ng malaking bilang ng tagasubaybay na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa.

Kamakailan ay inamin ni Bea Borres sa publiko na siya ay nagdadalang-tao. Sa isang panayam sa kanya sa Toni Talks, emosyonal niyang ibinahagi ang pinagdaanan bago niya tuluyang tanggapin ang pagbubuntis. Aminado siyang umabot siya sa punto ng pag-aalinlangan at halos ipatanggal ang sanggol, ngunit nagbago ang kanyang isip dahil sa mga ‘signs’ na kanyang naranasan. Ayon kay Bea, napagtanto niya na hindi siya pababayaan ng Diyos at kakayanin niyang buhayin ang kanyang anak. Sa kanyang pag-amin, pinatunayan ni Bea na handa niyang yakapin ang pagiging ina sa kabila ng mga hamon ng pagiging isang single mother.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica