Bea Borres, magli-limang buwan nang buntis; isinapubliko na ang pangalan ng baby girl
- Naikwento ni Bea Borres paano nagkaroon ng pangalan kaagad ang kanyang baby girl
- Aniya, ang kanyang matalik na kaibigang si Andrea Brillantes ang nagbigay ng pangalan na ito
- Bahagi pa rin umano ito ng kanyang paniniwalang signs ito ng Diyos na ipagpatuloy ang pagdadalang-tao
- Sa panayam din ito sa kanya ni Toni Gonzaga, matapang na inamin ni Bea na muntik na niyang ipaalis ang sanggol sa sinapupunan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa isang eksklusibong panayam ni Toni Gonzaga, ibinahagi ni Bea Borres ang mahahalagang detalye tungkol sa kanyang pagbubuntis at kung paano niya pinangalanan ang kanyang anak.

Source: Youtube
Four, magpa-five months na ako!"
Ayon kay Bea, agad nagkaroon ng pangalan ang kanyang baby girl dahil sa kanyang matalik na kaibigan na si Andrea Brillantes.
“Actually Ms. Toni, sasabihin ko na siya. Dito ko na masasabi na sobrang sakto talaga ng timing. Si Blythe, she texted me she was also going through something. And then ako naman, umiyak ako I’m going through a breakup. Ta’s she texted me na, ‘Bea, sana girl ‘yung baby mo ta’s ang pangalan niya Hope.’”

Read also
Bea Borres, inaming muntik ipatanggal ang supling; subalit nakatanggap ng ilang signs kay God
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dagdag pa ni Bea, “And actually, ‘yun po ‘yung name ng baby ko. Just cause of that text, just cause of that word, parang na-feel ko na ay, may name na siya. So ki-keep ko na ‘to. And nagkaro’n na talaga ako ng hope Ms. Toni na hindi pa talaga mag-e-end ‘yung life ko.” Ayon kay Bea, kahit hindi pa niya alam ang kasarian ng sanggol noon, nakasanayan na niyang tawagin itong Hope. “Ever since kahit hindi ko pa alam ‘yung gender, Hope na po talaga ‘yung name for my baby.”
Hindi rin itinago ni Bea na minsan niyang naisip na ipaalis ang sanggol. Gayunpaman, para sa kanya, ang pagdating ng pangalang “Hope” ay tila isang palatandaan din mula sa Diyos na dapat niyang ipagpatuloy ang pagdadalang-tao. Aniya, “Just cause of that word… nagkaroon ako ng hope na hindi pa talaga mag-e-end ‘yung life ko.”
Samantala, ilang oras matapos ipalabas ang panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, ibinahagi rin ni Bea ang text mismo sa kanya ni Andrea paano nito nabigay ang ideya ng ipapangalan sa kanyang baby.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube:
Si Bea Borres ay isang kilalang social media personality na sumikat dahil sa kanyang pagiging influencer at content creator. Isa siya sa mga personalidad na aktibo sa paggawa ng mga nakakaaliw na video at pagbabahagi ng kanyang lifestyle sa social media. Dahil dito, nagkaroon siya ng malaking bilang ng tagasubaybay na patuloy na sumusuporta sa kanyang mga ginagawa.
Kamakailan ay inamin ni Bea Borres sa publiko na siya ay nagdadalang-tao. Sa isang panayam sa kanya sa Toni Talks, emosyonal niyang ibinahagi ang pinagdaanan bago niya tuluyang tanggapin ang pagbubuntis. Aminado siyang umabot siya sa punto ng pag-aalinlangan at halos ipatanggal ang sanggol, ngunit nagbago ang kanyang isip dahil sa mga ‘signs’ na kanyang naranasan. Ayon kay Bea, napagtanto niya na hindi siya pababayaan ng Diyos at kakayanin niyang buhayin ang kanyang anak. Sa kanyang pag-amin, pinatunayan ni Bea na handa niyang yakapin ang pagiging ina sa kabila ng mga hamon ng pagiging isang single mother.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh