Kylie Padilla, pinasalamatan si Aljur Abrenica sa pagsama nito: "So much fun"
- Si Kylie Padilla ay nagpasalamat kamakailan lang kay Aljur Abrenica sa social media
- Lumabas kasi siya at ang kanilang mga anak na sina Alas at Axl para sa circus day nila
- Ngunit ang labis na ikinatuwa ng marami ay ang pagsama ni Aljur kay Kylie at sa mga bata
- Dahil dito ay inulan ng positive comments ang post na ito ni Kylie sa kanyang Instagram
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si Kylie Padilla, Kapuso actress, ay muling naging usap-usapan online matapos magpasalamat sa kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica sa pagsama sa kanya at sa kanilang mga anak sa isang masayang trip.

Source: Instagram
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kylie ang isang selfie at reel mula sa kanilang family bonding kasama sina Alas at Axl. Sa naturang video, makikita ang aktres na nakangiti habang ipinapakita rin si Aljur na kausap ang kanilang mga anak.
Sa caption ng post, ipinahayag ni Kylie ang kanyang pasasalamat kay Aljur: "So much fun. Thank you, @ajabrenica for coming with us. Bumalik kami sa pagkabata! You guys were amazing @euroxtremecircus!"
Dahil dito, maraming netizens ang natuwa at nagbigay ng positibong komento tungkol sa kanilang magandang co-parenting setup.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Source: Instagram
"Ang saya naman! Ang galing nila!"
"Yay! Happy co-parenting to you both po!"
"Complete family, sobrang saya, sana ganyan palagi."
"Sana lagi kayong ganyan, magkasundo at masaya lang para sa mga anak niyo."
"Wow ang galing ng mga parents na 'to. Kahit hiwalay, dahil sa mga anak, para happy nagawa nila."
"I've always wished to see moments like this — such a joyful and beautiful family. @kylienicolepadilla, my heart is so happy for you."
Tuwang-tuwa ang mga tagahanga na makita ang dalawa na, sa kabila ng kanilang hiwalayan, ay patuloy na nagsasama at nagkakasundo para sa kaligayahan ng kanilang mga anak.
Matatandaan na noong 2021, naging laman ng balita sina Aljur at Kylie dahil sa kanilang hiwalayan, ilang taon lamang matapos ang kanilang bonggang kasal noong 2018.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Kylie Padilla ay isang aktres, modelo, at mang-aawit na kilala sa kanyang trabaho sa Philippine showbiz. Siya ang anak ni Robin Padilla, isang kilalang action star sa bansa, at ni Liezl Sicangco. Nakilala si Kylie dahil sa kanyang mga roles sa mga serye ng GMA Network. Ipinakita rin niya ang kanyang husay sa iba't ibang drama at romansa na palabas. Sa personal niyang buhay ay ikinasal si Kylie kay Aljur Abrenica noong 2018, at may dalawa silang cute na anak na lalaki.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan si Kylie Padilla online dahil sa kanyang Instagram story. Kamakailan ay may ni-repost kasing photo si Kylie mula sa page ng @8list.ph. Ito ay tungkol sa mga witty at makukulit na Instagram stories ni Jericho Rosales. Nag-viral kasi ang aktor nito lamang nang mang-call out siya ng ilang beachgoers.
Samantalang noong May ay pinaantig ni Kylie Padilla ang puso ng maraming netizens nung Mother's Day. Nag-post kasi si Kylie sa Instagram upang ipahayag ang kanyang pasasalamat sa dalawa niyang "ina." Sa kanyang post, pawang pasasalamat at papuri lamang ang ipinahayag ni Kylie para sa dalawang babae sa kanyang buhay, na sina Liezl Sicangco at Mariel padilla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh