Janica Nam, nagbigay ng panibagong update sa lagay niya at ng kanyang baby

Janica Nam, nagbigay ng panibagong update sa lagay niya at ng kanyang baby

  • Si Janica Nam ay nagbahagi ng update tungkol sa kalagayan niya at ng kanyang baby
  • Kamakailan lang ay nag-alala kasi ang ilan sa mga fans at followers ng content creator
  • Aniya kasi ni Janica, napansin niya na tila may light spotting siya at pati na rin discharge
  • Dahil dito, agad silang pumunta sa ospital at tumungo sa kanyang OB upang magpatingin

Si Janica Nam, isang kilalang internet personality, ay nagbahagi ng update kamakailan lang tungkol sa kalagayan niya at ng kanyang baby matapos mag-alala ang maraming followers niya dahil sa kanyang Instagram story.

Janica Nam, nagbigay ng panibagong update sa lagay niya at ng kanyang baby
Janica Nam, nagbigay ng panibagong update sa lagay niya at ng kanyang baby (@janicanam)
Source: Instagram

Sa nasabing post, sinabi ni Janica: "Just wanted to update since many of you were worried about my hospital story yesterday." Ayon sa content creator, napansin niyang mayroon siyang light spotting at discharge, dahilan upang agad siyang magpunta sa ospital at kumonsulta sa OB.

"I noticed light spotting and some discharge. My OB asked me to do a urinalysis and also an ultrasound just to make sure [the] baby is okay. After that, she checked me and advised me to go to the delivery room for a non-stress test, just to make sure it wasn't a preterm labor," pagbabahagi ni Janica.

Read also

Liza Soberano, inamin ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Enrique Gil

Sa kabutihang palad, ligtas si Janica at ang kanyang dinadalang baby, "Thankfully, [the] baby is doing well. My uterus was just tired from stress and fatigue."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagpasalamat din si Janica sa lahat ng nagpadala ng mensahe at nagpakita ng malasakit sa kanya: "For now, I just need more rest. Thank you so much to everyone who reached out. Your love and prayers mean so much."

Bukod dito, nagbigay siya ng espesyal na pasasalamat sa kanyang asawa na si Lorenz Sia, na walang sawang nag-alaga sa kanila. "Of course, I'm extra grateful to my husband, Lorenz. Blessing na sakto he had no flight yesterday. Even if he was tired, he took care of everything I needed and made sure me and the baby was okay. Couldn't do this without him," aniya pa nga ni Janica.

Sa ngayon, nakahinga na nang maluwag ang mga fans ni Janica matapos masigurong maayos ang kalagayan nila ng kanyang baby, habang patuloy siyang nagpapahinga at naghahanda para sa kanyang pagbubuntis.

Read also

Maris Racal, na-confine sa ospital: "Still on the road to recovery"

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Janica Nam Floresca ay isang model at social media influencer. Nakilala rin siya bilang dating kasintahan ng yumaong dancer at TV personality na si Franco Hernandez, na nasawi sa isang boating incident. Sa kasalukuyan, mas naging aktibo si Janica sa social media, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang love life kasama ang kanyang bagong nobyo na si Lorenz Sia.

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay ikinasal na sa kanyang boyfriend si Janica Nam. Bagamat nagulat sa una ay ikinatuwa pa rin ng marami ang balitang ito ng influencer. Ibinahagi kasi kamakailan lang ni Janica sa isang Instagram post ang masayang balita. Aniya sa kanyang wedding seremonya, "Just us, our families, no one knew until today."

Samantalang noong 2023 ay nagbahagi si Janica Nam ng sunod-sunod na mga larawan sa kanyang Instagram feed. Makikita sa kanyang post ang ilang sandali mula sa pagbisita niya sa yumaong Hashtag member na si Franco Hernandez sa anibersaryo ng kanyang kamatayan. Kapansin-pansin na kasama niya ang kanyang kasalukuyang kasintahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco