SNN, tinalakay ang umano'y isyu nina Kam at Kim Chiu: "Nasaan ang negosyo? Nasaan ang pera?"
- Isa sa mainit na pinag-usapan sa Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin at ang isyu umano ng magkapatid na Kam at Kim Chiu
- Binigyang daan ni Cristy ang kasamang si Wendell Alvarez upang ilahad ang 'di umano'y nalalaman nito noon pa tungkol sa kapatid ni Kim
- Sinasabing negosyo at sugal ang sanhi ng tila hindi pagkakaunawaan ng dalawa.
- Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang magkapatid tungkol sa kontrobersiya
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng pahayag ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin hinggil sa umano’y alitan ng magkapatid na Kim Chiu at Cam Chiu. Lumalabas umano na may kinalaman sa pera at negosyo ang pinagmulan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Source: Instagram
Ayon kay Cristy Fermin, nagbigay ng pamuhunan si Kim Chiu sa kanyang kapatid na si Cam para sa isang negosyo, ngunit kalaunan ay nalaman umano ng aktres na nalugi ito.
“Ang lumalabas ngayon, binigyan daw po ng pamuhunan itong si Lakam. Binigyan ni Kim Chiu. Pero nung tumatakbo na ang negosyo, nalaman niya, bagsak. Sasampung libo na lang ang natira sa binigay niyang puhunan.”
Dagdag pa ni Cristy, ito raw ang nag-ugat ng kanilang hidwaan:
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
“Nasaan ang negosyo? Nasaan ang pera? ‘Yun daw ang dahilan kung bakit nag-away ang magkapatid… Pera.”
Bukod dito, lumabas din sa usapan na nadadawit pa ang pangalan ng aktor na si Paulo Avelino, ngunit agad itong itinanggi ni Cristy:
“Nadamay nga baka raw mamaya ang dahilan nito si Paulo Avelino. Baka raw hindi kampi si Lakam. Hindi pala.”
Samantala, ayon sa co-host ni Cristy na si Wendell Alvarez, ilang beses umanong nakikita ang kapatid ni Kim Chiu sa isang Casinö, bagaman hindi na nito binanggit ang pangalan ng mismong lugar.
“Nakikita nila sa loob ng Casinö.”
Dahil sa pagkakahawig ng magkapatid, marami raw ang nag-aakalang si Kim mismo ang nakikitang nagsusugal. Itinanggi naman ito ni Wendell at iginiit na abala si Kim sa kanyang mga proyekto:
“Wala nga yang pahinga sa proyekto niya sa ABS-CBN, talagang mula umaga tapos makikita mo sa ganun?” pagtatanggol ni Wendell.
Dagdag pa niya, tila pursigido ang kapatid ni Kim na subukan ang kanyang kapalaran sa Casinö:
“Alam mo naman ang tayaan doon… Nanalo ka ng malaki, kailangan tumaya ka ng malaki. Kasi kung maliit lang ang taya mo, maliit lang din ang panalo.”
“Gabi nang dumarating tapos inaabot ng umaga… Paikot-ikot siya e… Syempre hinahanap niya ang swerte. Ganun naman talaga ang nananalo, hahanapin mo ang swerte.”
Ngunit sa kabila ng mga pagtatangka, ayon kay Wendell, hindi naging maganda ang resulta:
“Ang napupuntahan niya puro malas.”
Sa dulo ng talakayan, ipinahayag ni Cristy Fermin ang kanyang simpatya para sa aktres:
“Kaawa naman si Kim ano, kung sino pa ‘yung bata, parang sa kanya pa naitang ang lahat ng problema ng pamilya.”
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula kina Kim Chiu at sa kanyang pamilya hinggil sa isyung ito.
Samantala, narito ang kabuuan ng talakayan nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika sa pinakabagong episode ng kanilang Showbiz Now Na! YouTube channel:
Si Kim Chiu ay isang kilalang aktres, singer, at television host sa Pilipinas na unang sumikat matapos manalo sa Pinoy Big Brother: Teen Edition noong 2006. Kilala siya bilang Chinita Princess dahil sa kanyang mestisang features at charming personality. Isa siya sa mga prominenteng artista ng ABS-CBN, na nagbida sa maraming teleserye at pelikula gaya ng My Girl, Ina, Kapatid, Anak, at Love Thy Woman. Bukod sa pagiging mahusay na aktres, nagkaroon din siya ng matagumpay na karera sa musika at pagiging TV host. Sa kabila ng kanyang tagumpay sa industriya, kilala rin si Kim bilang isang mapagmahal na kapatid at masipag na breadwinner ng pamilya.
Naging maugong ang bali-balitang tila may hindi pagkakaunawaan ngayon ang magkapatid na Kam at Kim Chiu. Ito ay matapos na mapansin ng netizens na tila hindi naka-follow ang dalawa sa isa't isa sa Instagram.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh