Cristy Fermin, sa pasabog ni Liza Soberano: “Sorry, pero ako mismo hindi ako naniniwala”

Cristy Fermin, sa pasabog ni Liza Soberano: “Sorry, pero ako mismo hindi ako naniniwala”

  • Nagbigay komento si Cristy Fermin ukol sa naging pahayag ni Liza Soberano
  • Ito ay ang rebelasyon ni Liza tungkol sa kanyang dinanas sa masalimuot niyang kabataan
  • Ani Cristy nakakaawa umano si Liza subalit tila hindi ito kapani-paniwala
  • Dagdag pa Cristy, tila taliwas ang malinaw na alaala ni Liza sa pangyayaring ito sa kanyang kabataan sa umano'y hindi niya pagpapasalamat sa ABS-CBN at sa dating manager na si Ogie Diaz

Nagbigay ng komento ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin kaugnay ng naging pahayag ni Liza Soberano tungkol sa masalimuot umano nitong kabataan.

Cristy Fermin, sa pasabog ni Liza Soberano: “Sorry, pero ako mismo hindi ako naniniwala”
Cristy Fermin, sa pasabog ni Liza Soberano: “Sorry, pero ako mismo hindi ako naniniwala” (Showbiz Now Na!)
Source: Youtube

Sa pinakabagong episode ng kanyang YouTube channel na Showbiz Now Na!, ipinahayag ni Cristy ang kanyang opinyon hinggil sa rebelasyon ng aktres.

Ayon kay Cristy, tila hindi ito kapani-paniwala para sa kanya:

“Sorry, pero ako mismo hindi ako naniniwala.”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa ni Cristy, kung totoo man ang lahat ng pahayag ng aktres, maaawa siya nang labis:

Read also

Arnold Clavio, nagbigay ng matinding pahayag laban sa akusasyon ni Vico Sotto

“Unang-una, kung ang lahat ng kwento ni Liza Soberano sa kanyang litanyang ito ay totoo, ay nakoh! Nakaawa talaga siya. Sobra siyang nakakakaawa.”

Gayunpaman, tinanong ni Cristy kung bakit ngayon lamang inilantad ng aktres ang naturang isyu at hindi noong nagsisimula pa lamang ito sa showbiz:

“Ang tanong na lamang po, bakit kasi ngayon lang niya ito inilantad. Dapat noong pumasok siya sa lokal na aliwan ‘nung mag-artista siya inilahad na niya itong kwentong ito, nakuha pa niya ang simpatya ng publiko.”
“Pero ang tanong nga ng marami, kahit ako ang tanong ko, bakit ngayon lang?”

Nagpahayag din si Cristy ng pagdududa sa malinaw na alaala ni Liza sa edad na dalawang taon:

“Sa akin kwestyunable ‘yan ah. May mga anak ako e. At marami po tayong nakikitang mga bata. Sa edad na dalawang taon, ang alam lamang pong gawin, kumain, matulog, maglaro. ‘Yan lamang po. Paano na pinagkatiwalaan ni Liza Soberano ang kanyang pagbabalik-tanaw sa edad na dalawa.”

Read also

Ogie D sa kontrobersyal na rebelasyon ni Liza: "Hindi niya gustong ilabas ‘yun"

“Dalawang taong gulang? Paano ko mapagkakatiwalaan ang kwento at pagbabalik-tanaw ng dalawang taong gulang?”

Bukod dito, binigyang-diin ni Cristy na tila taliwas ang pagiging maalalahanin ni Liza sa kanyang mga karanasan noon, sa hindi nito pagpasalamat sa ABS-CBN at sa dating manager na si Ogie Diaz nang iwanan ang lokal na industriya:

“Retentive pala siya, bakit nung bigla siyang umalis sa pag-aartista dito sa Pilipinas e hindi niya naalala na pasalamatan ang ABS-CBN at si Ogie Diaz na tunay na naging dahilan para kahit na paano ang pangarap niya ay maabot… Maalalahanin pala siya.”

Nagbato pa ng tanong si Cristy kung may kaugnayan ang mga pahayag na ito sa diumano’y pagkabigo ni Liza sa Hollywood:

“Ano ba ‘to desperate move? Ito ba’y nagiging desperada na si Liza Soberano dahil epic fail ang kanyang Hollywood dream?”

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Mga anak ni Nadia Montenegro, naglabas ng pahayag ng suporta sa kanilang ina sa gitna ng Senate controversy

Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress na nakilala sa mga teleserye at pelikula sa Pilipinas. Hanga ang marami sa kanyang galing sa pag-arte at sa pagiging isa sa mga pinakatanyag na artista sa showbiz. Una siyang sumikat sa tambalan nilang “LizQuen” kasama si Enrique Gil, bago sinubukang magtrabaho sa Hollywood at makilahok sa ilang international projects. Sa kabila ng kanyang tagumpay, ngayon lamang siya naging lantad tungkol sa masakit na karanasan noong kabataan—mga alaala na, ayon sa kanya, ay nagdulot ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao.

Sa kontrobersyal na vlog ni Liza Soberano sa YouTube channel na Can I come in? Naging usap-usapan ng publiko ang na-bleep na pangalang nabanggit ni Liza habang nag-aalay ng cake sa mga taong nakasakit umano sa kanya. Sinasabi ng marami na tila "Ogie" ang pangalan bagay na pakiramdam mismo ni Ogie Diaz ay hindi siya ang tinutukoy ng dating alaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica