Mga anak ni Nadia Montenegro, naglabas ng pahayag ng suporta sa kanilang ina

Mga anak ni Nadia Montenegro, naglabas ng pahayag ng suporta sa kanilang ina

  • Naging trending si Nadia Montenegro matapos akusahang naninigarilyo ng ipinagbabawal na substance sa loob ng Senado
  • Nagbitiw siya bilang Political Affairs Officer ni Senator Robin Padilla at nagbigay-diin na hindi ito pag-amin
  • Dahil sa pambabatikos, nagbigay ng emosyonal na pahayag ng suporta ang kanyang mga anak na sina Ynna, Alyana, at Alyssa Asistio
  • Iginiit nilang tapat at masipag ang kanilang ina at hindi nararapat sa ganitong paninira

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naging sentro ng matinding kontrobersiya ang aktres na si Nadia Montenegro matapos akusahang naninigarilyo ng ipinagbabawal na substance sa loob ng ladies’ room sa Senado. Agad siyang naging trending topic sa social media at news sites, na umabot sa puntong kinuwestiyon ang kanyang kredibilidad bilang Political Affairs Officer ni Senator Robin Padilla.

Mga anak ni Nadia Montenegro, naglabas ng pahayag ng suporta sa kanilang ina
Mga anak ni Nadia Montenegro, naglabas ng pahayag ng suporta sa kanilang ina (📷Nadia Montenegro Pla/Facebook)
Source: Facebook

Kasunod ng kontrobersiya, naglabas ng opisyal na pahayag si Nadia upang ipaliwanag ang nangyari. Kasabay nito ay ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin—isang hakbang na iginiit niyang hindi katumbas ng pag-amin sa akusasyon. Aniya, pinili niyang umatras para mapangalagaan ang kanyang mental health, lalo na’t naapektuhan rin ang kanyang mga anak.

Read also

Heaven Peralejo, nagsalita sa pagiging lead actress ng 'I Love You Since 1892'

Gayunpaman, hindi nakaligtas sa matinding batikos ang aktres. Kinuwestiyon ang kanyang posisyon na may Salary Grade 24, at ipinahayag ng ilan na hindi siya nararapat sa naturang antas. Sa gitna ng lahat ng ito, tumindig ang kanyang tatlong anak—sina Ynna, Alyana, at Alyssa Asistio—upang ipagtanggol ang kanilang ina.

Ayon kay Ynna, hindi nila inaasahan na magugustuhan ng lahat ang kanilang mama. “She’s our greatest source of strength,” aniya, habang binigyang-diin na sa laban na ito, pinili nilang palibutan si Nadia ng pagmamahal, katotohanan, at tunay na suporta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Para naman kay Alyana, hindi na mabubura ang mga salitang ibinato laban sa kanilang ina at ang sakit na idinulot nito. Ipinaalala rin niya na dalawang taon ding ibinigay ni Nadia sa kanyang trabaho at higit pa sa inaasahan ang naging effort nito dahil mahal niya ang ginagawa niya. "She gave more than what was required because she loved what she was doing," saad ni Alyana. Dagdag pa niya, labis na naapektuhan ang kanilang pamilya at masakit na makita na nadudungisan ang pangalan ng kanilang mama.

Read also

Ilang PBB Batch One housemates, nagdiwang ng kanilang 20th anniversary

Samantala, si Alyssa ay binigyang-diin ang kasipagan ng kanilang ina. Aniya, “She was a loyal, responsible EMPLOYEE with a HEART!” Pinasalamatan niya ang pagkakataon na naibahagi nila ang kanilang ina sa publiko, ngunit masakit ang naging kapalit. “Ngayon, you return her to us broken, her name tarnished, her reputation shattered, her dignity crushed. ANG HIRAP MONG MAHALIN PILIPINAS!” ani Alyssa sa matapang na pahayag.

Sa kabila ng matitinding pahayag na ito, nananatili ang kanilang paninindigan na si Nadia ay tapat, masipag, at mapagmalasakit sa kanyang trabaho.

Si Nadia Montenegro ay kilalang aktres sa pelikula at telebisyon na nagsimula noong dekada ‘80. Bukod sa kanyang career bilang artista, pinasok din niya ang larangan ng politika bilang staff sa Senado, kung saan siya naging Political Affairs Officer ni Senator Robin Padilla. Bukod sa kanyang mga kontribusyon sa showbiz at public service, kilala rin siya bilang ina nina Ynna, Alyana, at Alyssa Asistio na ngayon ay matapang na ipinagtatanggol siya laban sa mga batikos.

Read also

Lalaki, inaresto pagkatapos mag-shoplift para masustentohan ang pagkakalulong sa droga

Kamakailan lamang, iniulat ng Kami.com.ph na nagbitiw sa kanyang posisyon si Nadia Montenegro matapos ang kontrobersiya tungkol sa paggamit umano ng ipinagbabawal na substance sa loob ng Senado. Sa kanyang pahayag, nilinaw ni Nadia na ang pagbibitiw ay hindi pag-amin kundi bahagi ng kanyang hakbang para protektahan ang sarili at pamilya laban sa stress at panghuhusga.

Kasabay nito, nagbigay naman ng depensa kay Nadia ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano. Ayon sa ulat ng Kami.com.ph, kinilala ng dalawa ang kabutihan at malasakit ni Nadia, at nanawagan ng tamang pag-unawa mula sa publiko. Ang kanilang suporta ay nagbigay ng lakas ng loob kay Nadia sa gitna ng matinding pambabatikos.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate