RR Enriquez, umapela sa publiko: "Please stop harassing me sa comment section"
- Si RR Enriquez ay umapela sa publiko kamakailan lang dahil sa komento ng ilan
- Sa Instagram, ibinahagi ni RR ang ilang komento na kanyang natatanggap lately
- Ito ay may kinalaman sa kanya at pati kay Jayjay Helterbrand, dating PBA player
- Aniya RR sa kanyang post, "I know y'all have the right na sumawsaw sa love life ko"
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Si RR Enriquez, isang kilalang internet personality, ay umapela sa publiko na tigilan na ang pangha-harass sa kanya online, lalo na kapag may pinopost siyang content kasama ang ibang tao.

Source: Instagram
Noong Wednesday, August 20, ibinahagi ni RR sa Instagram ang ilang screenshots ng komento mula sa netizens tungkol sa kanya at kay Jayjay Helterbrand. Kabilang dito ang mga spekulasyon tungkol sa kanilang umano'y hiwalayan, pati malulungkot na komento, at maging ang mga mensaheng nagsasabing hindi na nila susundan si RR o si Jayjay dahil sa umano'y isyu nila.
Bagama't hindi kinumpirma o itinanggi ni RR ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon, nagbigay siya ng mahinahong paalala para sa publiko tungkol sa 'pag-sawsaw.'
"As a Sawsawera Queen who's been so quiet for almost a year. I know y'all have the right na sumawsaw sa love life ko. Alangan naman ako lang ang sasawsaw..." panimula ni RR.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayunpaman, hindi niya maitago ang pagkabigla na maraming tao ang "invested" sa kanila.
"It's just crazy lang that some people are so INVESTED to know the score between me and JJ. Pati ChatGPT tinanong niyo na [eh] hindi naman kami si KathNiel, JaDine, LizQuen or AlDub but thank you for making me feel na parang ganun na nga ang love team namin..." dagdag pa niya, sabay tukoy pa ng ilan sa pinakamalalaking love team sa industriya noon.
Sa pagtatapos ng kanyang post, nagbigay si RR ng gentle ngunit firm na paalala para sa lahat:
"Please stop harrasing me sa comment section, especially if I am posting someone in my account. Whether it's true or not, I think it would be better if you stop comparing someone. I'm not pertaining my relationship but to everyone na artista, influencers or kahit sino pa na bakit need i-compare yung bago sa luma?"
Maraming netizens ang nakisimpatya kay RR at nagpahayag ng suporta, na nagsasabing tama lamang na respetuhin ang kanyang personal na buhay.
Si RR Enriquez ay isang Filipina dancer, model, at TV personality na unang nakilala bilang isa sa mga dancers sa programang Wowowee ng ABS-CBN. Dahil sa kanyang energetic na presensya at magandang personalidad, agad siyang napansin ng mga manonood at naging isa sa mga tanyag na 'Wowowee Girls.' Bukod sa kanyang showbiz career, kilala rin si RR Enriquez bilang outspoken at prangka sa social media. Madalas niyang ibahagi ang kanyang opinyon sa iba't ibang isyu, mapa-showbiz man o personal, na minsan ay nagiging viral at napag-uusapan ng publiko.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nagbigay ng opinyon si RR Enriquez tungkol sa emotional outburst ni Dennis Padilla. Matatandaang nag-viral si Dennis matapos niyang ikwento ang kanyang naramdaman bilang isang "guest" sa isang kasalan. Ang kasal na ito ay walang iba kundi ang araw ng kanyang anak na si Claudia Barretto kasama si Basti Lorenzo. Gayunpaman, sa Instagram, ibinahagi ni RR ang kanyang tapat na saloobin tungkol sa alitan at sitwasyon.
Samantalang hindi nagpigil si RR Enriquez nang tawagin niya ang pansin ng isang grupo ng mga indibidwal online. Kamakailan, sa Instagram, sinagot ni RR ang isang grupo na nag-viral dahil sa sobrang pagtambay sa isang coffee shop. Sa kanyang post, pinaalalahanan niya na ang mga coffee shop ay hindi dapat ituring na parang conference room. Sinabi rin niya na ang sobrang pagtambay sa isang local na cafe shop ay maaaring makaapekto sa takbo ng kanilang negosyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh