JM De Guzman, ipinaliwanag kung bakit si Sue Ramirez ang favorite leading lady niya

JM De Guzman, ipinaliwanag kung bakit si Sue Ramirez ang favorite leading lady niya

  • Si JM De Guzman ay na-interview kamakailan lang ng PUSH tungkol kay Sue Ramirez
  • Ibinahagi kasi ng Kapamilya actor noon na si Sue ang kanyang favorite leading lady
  • Bukod pa rito ay napag-usapan din ang paghahanda ni JM sa kanyang bagong film
  • Matatandaang nakatrabaho ni JM si Sue sa pelikula ni Fifth Solomon na 'Lasting Moments'

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Si JM De Guzman, isang Kapamilya actor, ay nagbigay-linaw kung bakit si Sue Ramirez ang itinuturing niyang paboritong leading lady—na agad naging usap-usapan sa social media.

JM De Guzman, ipinaliwanag kung bakit si Sue Ramirez ang favorite leading lady niya
Photos: @1migueldezguman, @sueannadoodles on Instagram
Source: Instagram

Sa isang eksklusibong panayam ng PUSH, ibinahagi ni JM ang bago niyang karakter na si Aki sa pelikulang Lasting Moments. Bagama't ilang beses na siyang bumida sa mga matagumpay na proyekto, inamin ng aktor na hindi pa rin nawawala ang kaba niya tuwing may taping. "Kinakabahan pa rin ako kahit taping. Yung mga heavy scenes, pero hindi naman sobrang nahirapan kasi si Sue ang ka-eksena ko and she's a very mapagbigay na actress," pahayag niya.

Read also

Ice Seguerra, ibinunyag ang bagay na ikina-frustrate niya bilang NYC chair noon

Ibinahagi rin ni JM kung paano siya naghanda para sa kanyang mga roles. "Research. Binigyan naman kami ng mga material ng director plus reading the script nang paulit-ulit," ani ng aktor.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kalaunan, detalyado naman niyang ipinaliwanag kung bakit si Sue ang paborito niyang katambal. "Ayan, kalog. Mas magaan lang kasama, parang tropa mo," dagdag ni JM, na umani ng papuri mula sa mga nakapanood na ng kanilang pelikula na dinirek ni Fifth Solomon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napuri si JM dahil sa kanyang dedikasyon sa trabaho. Noong 2020, iniulat ng Panay News kung paano hinarap ng aktor ang kanyang panic disorder bago muling makabalik sa industriya. Samantala, noong 2023 naman ay iniulat ng Inquirer ang pagsabak ni JM sa martial arts training para sa kanyang role sa action series na Iron Heart.

Si JM De Guzman ay isang kilalang Filipino actor. Sa industriya, nakilala siya sa mga papel niya sa mga teleserye tulad ng Midnight Phantom, Mula sa Puso, at ang hit series na Angelito: Batang Ama. Pinangunahan din niya ang ilang de-kalidad na pelikula tulad ng That Thing Called Tadhana at Pintakasi. Sa kanyang personal na buhay, matapang niyang ibinahagi ang kanyang paggaling mula sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot, rehabilitasyon, at depresyon—na nagdulot ng respeto at simpatya mula sa publiko. Matapos lampasan ang mga personal na pagsubok, matagumpay siyang nakabalik sa showbiz industry na ikinatuwa naman ng marami.

Read also

“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay labis na naluha sa tuwa si JM De Guzman dahil sa ginawa ni Donnalyn Bartolome. Kamakailan ay nag-post si Donnalyn ng bagong 28-minute vlog tungkol kay JM. Ani Donnalyn, matagal na raw pinapangarap ni JM ang bagay na ito kaya niya ito tinupad. Nang makita ni JM ang inihandang sorpresa ni Donnalyn, naiyak ito sa saya.

Samantalang ay naging usap-usapan sa social media si JM De Guzman. Kamakailan ay nag-post kasi si JM ng video kung saan siya ay emosyonal at umiiyak. Ang caption ng video ay may kinalaman sa 'trust' at 'faith' ng isang tao. Matapos lumabas ang balitang ito, ilang lokal na celebrity ang nagpahayag ng suporta at paghimok para kay JM sa comments.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco