Liza Soberano, inamin ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Enrique Gil
- Liza Soberano nag-viral matapos aminin na tatlong taon na silang hiwalay ni Enrique Gil
- Sa unreleased interview noong 2023, sinabi ni Liza na hindi na nagtutugma ang kanilang values at pananaw sa buhay
- Ipinahayag din ng aktres na dumaan siya sa maraming pagbabago noong 2022 kaya naging mahirap ang relasyon nila
- Aminado si Liza na hindi na siya sigurado kung gusto pa niya ng kasal o pamilya noon dahil marami pa siyang gustong maabot sa buhay at karera
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagulat ang maraming LizQuen fans nang ibunyag ni Liza Soberano ang tunay na dahilan ng breakup nila ni Enrique Gil. Sa isang unreleased 12-minute interview mula pa noong 2023, na ipinalabas kamakailan sa Fast Talk With Boy Abunda, kinumpirma ng aktres na tatlong taon na silang hiwalay ng kanyang longtime boyfriend at onscreen partner.

Source: Instagram
“Quen and I have decided to separate ways and that is because our values and the way we see life doesn’t just align anymore,” pahayag ni Liza.

Read also
Boy Abunda, kinonsulta muna ang lawyers bago nilabas ang unreleased interview ni Liza Soberano
Dagdag pa niya, nagbago ang maraming bagay sa kanya noong 2022 na nakaapekto sa kanilang relasyon. “So we decided that it was just easier to separate ways and kinda find ourselves first, kinda explore before we take it to the next level,” paliwanag niya.
Halos walong taon ding magkasama sina Liza at Enrique, at madalas na tinatanong kung kailan sila magpapakasal. Pero ayon kay Liza, dumating siya sa punto na hindi na niya alam kung iyon pa ba talaga ang gusto niya. “I came to the point where I didn’t know if that’s what I wanted anymore honestly 'cause there’s so much more that I wanted to achieve and he’s older than me. He’s in his 30s, of course he is thinking about settling down, starting a family and so it just doesn’t line up anymore,” saad pa ng aktres.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang pahayag na ito ay bahagi ng dalawang parteng panayam niya kay Boy Abunda noong Marso 2023, ilang linggo matapos umani ng kontrobersiya ang kanyang vlog na This is Me. Ayon kay Tito Boy, mismong si Liza ang nag-request noon na huwag isama ang portion na tumatalakay sa breakup nila ni Enrique.
Ngayon, sa kanyang bagong online series na Can I Come In?, mas naging bukas si Liza sa kanyang personal na pinagdaanan. Bukod sa breakup, isiniwalat din niya ang tungkol sa mga trauma at abuso noong kabataan na matagal niyang pinasan.
Si Liza Soberano ay isang Filipino-American actress at model na sumikat sa ABS-CBN projects kasama si Enrique Gil, kung saan sila binansagang “LizQuen.” Bukod sa matagumpay na showbiz career, kamakailan ay lumipat siya sa Hollywood at pumirma sa Careless Music na pinamumunuan ni James Reid. Kilala si Liza sa pagiging outspoken lalo na sa kanyang career decisions at personal experiences. Ang kanyang openness sa mga mahihirap na usapin gaya ng relasyon, mental health, at pagkabata ay mas nagbigay-lapit sa kanya sa kanyang mga tagasuporta.
Kamakailan, iniulat ng Kami.com.ph ang pagbabahagi ni Liza ng isang sulat para sa kanyang 4-year-old self sa pamamagitan ng Hope Online campaign. Layunin nitong magbigay ng awareness tungkol sa mental health at pag-asa sa kabila ng mga pagsubok. Sa mensahe, ipinaalala niya sa sarili ang halaga ng pagiging matatag at mapagmahal sa sarili.

Read also
Ruffa Gutierrez, may matinding dahilan kung bakit hindi siya naniniwala sa live in relationships
Samantala, iniulat din ng Kami.com.ph na kinonsulta muna ni Boy Abunda ang kanyang mga abogado bago niya ipinalabas ang unreleased 2023 interview ni Liza. Ayon kay Tito Boy, ginawa niya ito upang matiyak na protektado pa rin ang interes at kagustuhan ng aktres habang naibabahagi sa publiko ang mahahalagang bahagi ng kanilang pag-uusap. Ang hakbang na ito ay nagpatunay ng respeto at propesyonalismo ni Abunda bilang “King of Talk.”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh