Boy Abunda, kinonsulta muna ang lawyers bago nilabas ang unreleased interview ni Liza Soberano
- Ang unreleased 12-minute clip ni Liza Soberano noong 2023 ay inilabas na ni Boy Abunda
- Sa kanyang self-titled program sa GMA Network, nagbalik-tanaw si Boy sa interview nila
- Aniya ng 'King of Talk' sa mga viewers, matagal na nilang alam ang hiwalayan ng LizQuen
- Say kasi ng TV host, "Liza and I were in touch a few times, and also with Quen's representation"
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Ang unreleased 12-minute interview ni Liza Soberano kay Boy Abunda ay tuluya na ngang inilabas ng tinaguriang 'King of Talk' sa kanyang self-titled program sa GMA Network.
Noong Monday, August 18, tinalakay ni Boy ang tampok na YouTube feature ni Sarah Bahbah kay Liza sa Can You Come In?, na umani na ng milyun-milyong views. Sa nasabing feature, inilahad ni Liza ang kanyang mga pinagdaanan noong kabataan, pati na rin ang tungkol sa breakup nila ng aktor na si Enrique Gil.

Source: Youtube
Ayon kay Boy, matagal na nilang alam ang tungkol sa paghihiwalay ng LizQuen. "Sa pagkakaalam ko, pero hindi po ako sigurado dito, around October of 2022 sila naghiwalay and as I've said kanina, we've known about their breakups since March of 2023. Kung maaalala po ninyo, that month, pinalabas po namin ang aking 2-part exclusive interview kay Liza," aniya ng host.
Nagbalik-tanaw din siya sa naging tanong niya noon sa aktres hinggil kay Enrique. "Habang pinapanood ng publiko ang mga pagbabago sa kanyang career at buhay, isang tanong ang naiwan sa ere: Nasaan si Enrique Gil? And that's precisely why I asked her that question during my interview, at ang sagot po ni Liza, I quote, 'We broke up' end of quote," ibinahagi ni Boy sa viewers.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngunit matapos ang interview nila noong March 7, 2023, agad umanong nag-request si Liza na huwag ipalabas ang bahaging iyon dahil hindi pa handa si Enrique na ipaalam ito sa publiko.
"Gabi ng March 7, 2023 naganap ang interview. After that, nag-request po si Liza na wag naming ipalabas ang bahaging yun ng interview dahil hindi pa ready si Quen na malaman ng publiko na hiwalay na sila. Liza and I were in touch a few times, and also with Quen's representation, iginalang namin ang request nila na hindi ipalabas ang interview kahit umiikot na noon ang mga speculations na hiwalay na sila," paliwanag ni Boy.
Ngayon, matapos ang paglabas ng video ni Sarah Bahbah kung saan diretsahang umamin si Liza tungkol sa breakup, minabuti ni Boy na ipalabas na rin ang nasabing footage sa kanyang show.
"Because of that recent revelation, naniniwala kami na napapanahon na para mapanood ninyo ang 12-minute portion ng aking interview with Liza tungkol sa breakup nila ni Quen. Kinonsulta namin ang aming mga lawyers, Attorney Vinney Ibarra ng GMA Network, and my personal lawyer, Attorney Wendell Dimaculangan and they gave us the go signal to air the 12-minute footage," pagbubunyag niya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Liza Soberano ay isang Filipina aktres na kinikilala bilang isa sa mga maimpluwensyang artista ng kanyang henerasyon. Unang siyang sumikat noong 2014 sa rom-com TV series na Forevermore kung saan nakasama niya si Enrique Gil. Ang tambalan nila, na tinaguriang LizQuen, ay naging malaking hit at nagdala sa kanya sa mainstream stardom. Bukod sa pag-arte, hinahangaan din siya dahil sa kanyang beauty, at ilang ulit nang napabilang sa listahan ng mga "Most Beautiful Faces" sa buong mundo. Siya rin ang naging mukha ng malalaking brands at kinilala sa kanyang tapang tungkol sa mga isyung panlipunan at pang-industriya.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naantig ni Liza Soberano ang puso ng marami sa kanyang letter para sa kanyang nakababatang sarili. Sa Instagram, sumulat si Liza ng isang liham na labis na naka-relate ang kanyang mga fans. Ito ay matapos i-release sa YouTube ang kanyang explosive feature video sa Can I Come In? ni Sarah Bahbah, isang Arab-Australian artist.
Samantalang kumpirmado na ang hiwalayan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Nauna nang lumabas si Liza sa Can You Come In? ni Sarah Bahbah sa YouTube. Sa naturang feature, tinanong si Liza tungkol sa love teams at kung ano rin ang pananaw niya tungkol dito. Doon niya ibinahagi ang kanyang opinyon hinggil sa love teams bago ibalita ang kanyang breakup.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh