BINI, nagpunta sa Hall of Justice upang pormal na magsampa ng kaso laban sa isang indibidwal

BINI, nagpunta sa Hall of Justice upang pormal na magsampa ng kaso laban sa isang indibidwal

  • BINI at kanilang abogado, ay pormal na nagsampa ng kaso laban sa isang indibidwal sa Sta. Rosa, Laguna
  • Ang kaso ay kaugnay ng isang splice o edited na video na nagpakita lamang ng negatibong reaksiyon ng grupo sa street food
  • Dahil dito, nakaranas ang mga miyembro ng BINI ng matinding online bashing, pang-iinsulto, at pagbabanta
  • Kung mapatunayang guilty, maaaring makulong ang respondent ng anim hanggang labindalawang taon at magbayad ng danyos na tig-₱1 milyon sa bawat miyembro

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

BINI courtesy of MJ Felipe on X
BINI courtesy of MJ Felipe on X
Source: Twitter

Pormal na nagsampa ng reklamo ang walong miyembro ng OPM girl group na BINI kasama ang kanilang abogado na si Atty. Joji Alonso nitong Lunes sa Hall of Justice ng Sta. Rosa, Laguna.

Ayon kay Alonso, ang respondent ay lumabag sa kasong unjust vexation sa ilalim ng Article 287, kaugnay ng Section 4(b) ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Nilinaw ng abogado na hindi ito kasong libel. Aniya, ang reklamo ay nagsimula sa isang splice o edited na video ng grupo na kumakain at nagre-rate ng street food.

Read also

Amerikanong pastor, iniimbestigahan sa Pampanga dahil umano sa pang-aabuso sa mga bata

Ang orihinal na video ay may 20 hanggang 25 minuto, ngunit pinutol ito sa halos dalawang minuto at ipinakita lamang ang puro negatibong reaksyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, napalabas na puro negatibo ang naging komento ng grupo, na nagbago sa kabuuang konteksto ng orihinal na content.

Ipinaliwanag din ni Alonso na sa Sta. Rosa isinampa ang kaso dahil dito na-upload ang nasabing video.

Dagdag pa niya, nagdulot ito ng matinding epekto sa mental at emosyonal na kalagayan ng mga miyembro ng BINI.

Nakaranas sila ng matinding online bashing, pagbabanta, insulto, at personal na pag-atake.

Bilang tugon, sinabi ni Alonso na layunin ng hakbang na ito na magsilbing paalala sa publiko na gamitin ang social media nang may katotohanan, pananagutan, at respeto.

Binanggit din niyang ang ganitong uri ng online bullying ay maaaring mangyari kahit kanino, kaya’t dapat na itong matigil.

Kung mapatunayang guilty, haharap ang respondent sa parusang pagkakakulong ng anim na taon at isang araw hanggang labindalawang taon.

Read also

Bureau of Customs nakipag-ugnayan kay Bela Padilla ukol sa isyu ng import duties

Bukod dito, humihingi rin ang panig ng tig-₱1 milyon na danyos para sa bawat miyembro ng BINI.

Watch the video below:

Ang BINI ay isang all-girl Pinoy pop group na binuo ng ABS-CBN Star Hunt Academy. Binubuo ito nina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena. Noong Nobyembre 2020, inilabas ng grupo ang kanilang pre-debut single na “Da Coconut Nut.”

Samantala, kamakailan ay humingi ng paumanhin at nagbigay ng paglilinaw si Jhoanna, isa sa mga miyembro ng BINI, tungkol sa kanyang naging review sa pelikula ni Maris Racal na Sunshine. Ang kanyang orihinal na post na nakatuon sa mental health at resilience ay binatikos dahil umano’y hindi nito natalakay ang pangunahing tema ng pelikula gaya ng reproductive health at abortion. Nilinaw ni Jhoanna na ang nais lamang niyang bigyang-diin ay ang kahalagahan ng support system at edukasyon, at bukas siyang matuto mula sa iba’t ibang pananaw. Pinanindigan naman siya ng direktor ng pelikula na si Antoinette Jadaone. Ayon kay Jadaone, ang pananaw ni Jhoanna ay isang personal at balidong interpretasyon ng mensahe ng pelikula.

Read also

52-anyos na babae, arestado dahil sa umano'y pagpatay sa sariling ina at kapatid

Samantala, noong Hunyo 19 ay ipinagdiwang ni Gwen Apuli ng BINI ang kanyang ika-22 kaarawan. Ibinahagi niya sa kanyang mga tagasuporta ang ilang magagandang larawan mula sa kanyang birthday shoot na kuha ni Mark Dookie Ducay. Sa mga larawan, kapansin-pansin ang kanyang pink na hairstyle at napaka-eleganteng outfit na bumagay sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)