Marian Rivera, nanindigan na hindi basehan ng husay ng tao ang pagiging fluent sa English
- Marian Rivera, muling nilinaw na hindi basehan ng pagiging mahusay ang pagiging fluent sa English
- Ibinahagi niya na lumaki siyang kasama ang kanyang lola na hindi rin marunong mag-English, kaya naging komportable siya sa Filipino
- Sinabi niyang mas mahalaga ang pagiging totoo at masaya sa sarili kaysa piliting patunayan ang sarili sa iba
- Aminado siyang natuto siyang mag-adjust sa showbiz, pero pinanghahawakan pa rin niya ang payo ng kanyang lola na huwag manapakan ang ibang tao
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Source: Youtube
Ipinahayag muli ni Marian Rivera na ang pagiging mahusay ay hindi nasusukat sa galing sa pagsasalita ng English.
Sa vlog ni Zeinab Harake, ikinuwento ng aktres na mas kampante siyang magsalita sa Filipino kahit marami ang pumupuna.
Ayon kay Marian, lumaki siyang kasama ang kanyang lola na hindi nakapagtapos ng high school at hindi rin gumagamit ng English sa bahay, kaya hindi niya ito natutunan ng husto.
Para sa kanya, mas mahalaga na hindi man siya fluent sa English, nandoon naman ang presensya ng lola niya na nagpalaki sa kanya nang buo at masaya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Dagdag pa ni Marian, hindi naman ibig sabihin na hindi siya marunong mag-English.
Aniya, kung kailangan ay kaya niyang mag-aral o mag-memorize ng script, pero hindi raw ito dapat gawing sukatan ng kahusayan.
Para sa kanya, mas importante na natututo, masaya, at totoo ang isang tao sa sarili niya.
Binalikan din ni Marian ang simula ng kanyang showbiz career at inamin na malaking hamon ang pagiging transparent.
Marami raw hindi nakakaintindi ng paraan ng kanyang pananalita at personalidad, kaya natutunan niyang mag-adjust.
Gayunpaman, pinanghahawakan pa rin niya ang payo ng kanyang lola na ang tunay na humahanga ay tatanggap sa kanya nang buo at ang mahalaga ay wala siyang natatapakang tao.
Matatandaang naging usap-usapan din si Marian noong 2021 nang mabatikos siya sa Miss Universe dahil sa kanyang English.
Ipinaliwanag niya noon na Filipino ang kanyang first language at mas pinipili niyang magpakatotoo kaysa magpanggap.
Hanggang ngayon, pinaninindigan niya na mas komportable siyang magsalita sa sarili niyang wika, pero bukas siya sa pagsuporta sa mga taong nais mag-aral ng English.
Panuorin ang vlog ni Zeinab Harake kasama si Marian Rivera:
Si Marian Rivera ay isang kilalang Filipina actress, commercial model, at television host. Naging tanyag siya matapos gumanap sa mga sikat na teleserye gaya ng 'Marimar', 'Dyesebel', at 'Amaya' na nagpatibay sa kanyang pangalan bilang isa sa pinakasikat at pinakamatagumpay na aktres sa Pilipinas. Bukod sa pag-arte, nagsilbi rin siyang dancer, singer, at product endorser kaya’t naging isa siyang household name na hinahangaan dahil sa kanyang ganda at talento. Ikinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes at itinuturing silang isa sa mga pinakaprominenteng celebrity couples sa bansa.
Sa nakaraang balita ng KAMI, si Zeinab Harake ay muling pinasaya ang kanyang mga fans at followers sa Instagram. Kamakailan ay binati kasi ni Zeinab ang kanyang "idol" na si Marian Rivera, isang aktres. Aniya Zeinab, labis ang kanyang saya sa opportunity na makilala nang lubusan si Marian. Dahil dito ay marami ang natuwa sa post na ito ni Zeinab para sa Kapuso Primetime Queen.
Dagdag pa rito, tumanggap rin si Marian Rivera ng taos-pusong birthday tribute mula sa isa sa kanyang minamahal na kaibigan na si Boobay. Nag-post ang komedyante ng larawan kung saan yakap niya ang aktres sa naging birthday celebration nito kamakailan, na nagpapakita ng pagiging malapit ng kanilang pagkakaibigan. Sa kanyang caption, binati niya si Marian ng isang kamangha-manghang taon, nagpasalamat dahil bahagi ito ng kanyang buhay, at tiniyak na palagi siyang nariyan upang suportahan ito sa lahat ng pagkakataon. Personal namang nag-reply ang Kapuso Primetime Queen sa comments section ng isang maikli ngunit taos-pusong mensahe na ikinatuwa ng kanilang mga tagahanga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh