Bureau of Customs nakipag-ugnayan kay Bela Padilla ukol sa isyu ng import duties
- Naglabas ng hinaing si Bela Padilla sa social media matapos singilin ng Bureau of Customs ng P4,600 bilang buwis para sa kanyang inorder na package na nagkakahalaga lamang ng P11,000, bagay na nagdulot ng diskusyon online
- Ayon sa aktres, base sa tax calculator ng Bureau of Customs ay dapat nasa P1,650 lamang ang kanyang babayaran at dahil sa karanasan niya bilang madalas na online shopper, tiyak umano siyang sobra ang itinakdang halaga ng buwis
- Agad namang nagbigay ng pahayag ang Bureau of Customs at nilinaw na nakipag-ugnayan na sila kay Bela upang maresolba ang isyu nang pribado at direkta, sabay giit na patas nilang tinatrato ang lahat ng reklamo maging mula sa kilalang personalidad o ordinaryong mamamayan
- Ipinaliwanag din ng ahensya na ang kanilang online tax calculator ay nagsisilbi lamang na gabay o tantya at hindi eksaktong batayan ng aktwal na buwis, dahil maaari pang magbago ang singil depende sa freight, insurance, at iba pang applicable excise taxes na kasama sa proseso
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nagpahayag ng pagkadismaya si Bela Padilla sa social media kaugnay ng umano’y labis na buwis na ipinataw sa kanyang shipment mula sa Bureau of Customs (BOC).

Source: Instagram
Sa kanyang post sa X nitong Sabado, sinabi ng aktres na P4,600 ang sinisingil na buwis sa kanyang inorder na nagkakahalaga ng P11,000. Base umano sa BOC tax calculator, dapat ay nasa P1,650 lang ang kanyang dapat bayaran.
“I usually shop online and get packages with more value, so I more or less know when the taxes are too high even without your calculator. Surely, we shouldn’t pay almost half of the value of our item in taxes, no?” saad ni Bela.
Dahil sa mabilis na pagkalat ng kanyang hinaing, agad namang naglabas ng pahayag ang BOC. Ayon sa ahensya, nakipag-ugnayan na sila kay Padilla at tiniyak na privately and directly nilang aayusin ang isyu.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nilinaw din ng BOC na bagama’t maaari ring gamitin ang online tax calculator, ito ay guide lamang at hindi eksaktong sukatan. Paliwanag nila, maaaring mag-iba ang aktwal na halaga ng duties at taxes depende sa freight, insurance, at iba pang applicable excise taxes.
Dagdag pa ng ahensya, patas nilang tinatrato ang lahat ng verified complaints, mapa-private individual man o kilalang personalidad.
Ang Bureau of Customs ay matagal nang nakakatanggap ng reklamo mula sa mga online shoppers tungkol sa umano’y mataas na buwis sa mga imported packages. Habang nakatutulong ang tax calculator upang magkaroon ng ideya ang publiko, hindi ito garantiya ng aktwal na charges. Dahil dito, madalas na nalilito at nadidismaya ang mga nag-o-online shopping kapag malaki ang diperensya sa estimate at sa aktwal na singil.
Bukod sa isyung ito, naging laman din ng mga balita si Bela Padilla nitong mga nakaraang linggo dahil sa kanyang personal na buhay. Sa isang ulat ng KAMI, nagsalita si Bela tungkol sa breakup nila ng kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Ben Bay. Matapat niyang ibinahagi na kahit masakit ang paghihiwalay, pinili nilang maghiwalay nang maayos at may respeto.
Samantala, naging emosyonal din ang aktres nang sorpresahin siya ng kanyang matalik na kaibigan na si Kim Chiu. Ayon sa ulat ng KAMI, ipinakita ng mag-BFF ang kanilang tunay na closeness sa isang heartwarming moment, na nagpasaya sa fans na sumusuporta sa kanilang pagkakaibigan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh