Jillian Ward, nagsalita sa mga ispekulasyon sa kanyang mga naipundar
- Jillian Ward nagsalita sa unang pagkakataon hinggil sa malisyosong tsismis tungkol sa kanyang mga naipundar
- Nagsimula siyang magtrabaho sa TV commercials noong edad 2 at pumasok sa showbiz sa edad na 5
- Ipinaliwanag ng aktres na maging ang kanyang magarbong debut ay pinaghirapan at pinag-ipunan mula sa kanyang tapings
- Hiling ni Jillian na kilalanin ang kanyang hard work kaysa magpakalat ng maling balita
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Matapos ang ilang taon ng pananahimik, sa wakas ay nagsalita na si Jillian Ward hinggil sa mga malisyosong ispekulasyon na bumabalot sa kanyang pangalan—lalo na sa usaping may kinalaman sa kanyang mga mamahaling sasakyan at marangyang pamumuhay.

Source: Instagram
Ayon sa ulat ng Remate, nagsimula raw ang mga tsismis nang siya’y 16 pa lamang, ngunit ngayon sa edad na 20, ito ang kauna-unahang beses na nagbigay siya ng pahayag upang bigyang-linaw ang usapin.
Ipinaalala ni Jillian na bata pa lang siya’y tumatrabaho na siya. “Naka-diaper pa lang ako, nagtatrabaho na ako!” ani ng aktres, sabay banggit na nagsimula siya sa mga TV commercials bago pa man siya marunong bumasa. Sa edad na 5 ay tuluyan nang pumasok sa showbiz at sa tulong ng GMA Network, tuluy-tuloy ang kanyang career hanggang sa kanyang pagdadalaga.
Dagdag pa ng aktres, lahat ng mayroon siya ngayon ay bunga ng kanyang sariling pagsisikap. “Kung ano raw ang meron siya’y deserve niya ‘yon because of hard work, at hindi dahil sa gustong palabasin ng mga naglipanang fake news,” giit niya.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maging ang kanyang debut celebration na pinag-usapan noon ay kinuwestyon din ng iba. Nilinaw ni Jillian na pinaghirapan at pinag-ipunan niya ito. “Pinag-ipunan ko po ‘yon from my tapings at may nakihati sa akin sa gastos ko,” depensa niya.
Kaya naman, ang kanyang pakiusap sa mga bashers ay huwag basta-basta maniwala sa maling balita. Mas nararapat daw na kilalanin ang kanyang sipag at dedikasyon sa trabaho. “Tingnan muna ang effort bago magpakalat ng walang basehang tsismis,” paalala niya.
Si Jillian Ward ay nagsimula sa entertainment industry bilang child star at nakilala sa kanyang pagiging versatile actress. Isa siya sa pinakabatang talent ng GMA na hindi nawalan ng proyekto mula nang siya’y magsimulang gumanap sa telebisyon. Bukod sa pag-arte, kilala rin siya bilang influencer at content creator, na lalo pang pinalawak ang kanyang pangalan sa social media. Sa kanyang murang edad, pinatunayan niya na kayang pagsabayin ang pag-aaral, trabaho, at personal na buhay nang may integridad.
Noong nakaraang buwan, ibinahagi ni Jillian ang kanyang opinyon tungkol sa posibilidad na sumali sa Pinoy Big Brother. Sa panayam na nailathala ng KAMI, sinabi niyang maaaring ma-evict siya agad kung sakaling mapasama siya bilang housemate dahil sa kanyang ugali na madaling mainis. Inamin ng aktres na hindi siya sanay sa sobrang pakikihalubilo at posibleng ito ang maging dahilan ng kanyang early exit.
Samantala, naging bahagi rin si Jillian sa mainit na usapin kaugnay sa isyu ng mga Kapuso teen stars. Sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Will Ashley ang kanyang saloobin hinggil sa umano’y ‘feud’ nina Sofia Pablo at Jillian Ward. Nilinaw ni Will na hindi kailanman naging personal ang usapin, at ipinakita pa niya ang kanyang respeto sa parehong young actresses.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh