Isabel Oli, ibinida ang bonggang '5 Hub Building' ng pamilya ni John Prats

Isabel Oli, ibinida ang bonggang '5 Hub Building' ng pamilya ni John Prats

  • Si Isabel Oli ay muling hinangaan ng kanyang mga tagahanga sa social media
  • Kamakailan ay ibinida kasi ni Isabel ang bonggang '5 Hub Building' ng biyenan niya
  • Aniya Isabel, labis daw ang kanyang paghanga sa mga magulang ni John Prats
  • Bukod pa rito ay inihayag din ni Isabel ang kanyang panalangin para sa gusali

Si Isabel Oli, isang Filipina actress at model, ay muling hinangaan ng kanyang mga tagahanga matapos niyang ibahagi ang enggrandeng '5 Hub Building' ng kanyang mga biyenan.

Isabel Oli, ibinida ang bonggang '5 Hub Building' ng pamilya ni John Prats
Photos: @niceprintphoto via @isabeloliprats on Instagram
Source: Instagram

Noong Sunday, August 17, nag-post si Isabel sa Instagram ng ilang larawan ng napakalaking gusali, pati na rin ng grand opening nito na kanyang dinaluhan kasama ang asawang si John Prats at ang buong pamilya nila. Sa kanyang post, makikita rin ang maikling video mula sa kanilang ribbon-cutting ceremony na nagbigay-kasiyahan sa maraming netizens na natuwa sa bagong negosyo ng pamilya Prats.

Hindi maitago ng aktres ang kanyang paghanga at pasasalamat para sa kanyang mga biyenan. Aniya: "Feeling so blessed to see the 5 Hub Building come to life. I'm so proud of my husband's family for their new business... it's truly an answered prayer for my father-in-law and mother-in-law. God is really amazing."

Read also

Ruffa Gutierrez nang imbitahan ni Mavy Legaspi sa 50th ng ina niya: "I knew I couldn't miss it"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Isabel, hindi lamang siya bumati kundi ipinagdasal din niya ang tagumpay ng bagong gusali: "Just want to take this moment to congratulate them and pray for even more success. May this building bring blessings to everyone involved. God bless this place and all the tenants."

Dahil dito, marami ang nagpahayag ng paghanga at pagbati sa pamilya Prats, na muling pinatunayan ang kanilang pagtutulungan at pananampalataya sa bawat hakbang ng kanilang buhay.

"Wow! Congratulations po, God Bless your family," aniya pa nga ng isang netizen sa Instagram.

Swipe left para makita ang iba pang pictures:

Si Isabel Oli ay isang Filipina actress at model na nakilala sa kanyang mga papel sa telebisyon at pelikula. Nagsimula siya sa showbiz bilang modelo bago pumasok sa mundo ng pag-arte. Unang sumikat si Isabel nang mapabilang siya sa mga teleserye at pelikula ng GMA Network, kung saan ipinakita niya ang kanyang talento sa drama at romance. Kilala siya sa kanyang maamong mukha at natural na ganda, na naging dahilan upang madalas siyang mapiling leading lady. Bukod sa kanyang karera, mas nakilala rin si Isabel bilang asawa ng aktor na si John Prats. Sila ay ikinasal noong 2015 at ngayon ay may tatlong anak na magkasama nilang inaalagaan.

Read also

Rufa Mae Quinto, nag-post ukol sa "celebration of life" para sa mister niya

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-post si Isabel Oli sa social media ng isang nakakaantig na tribute para sa kanyang asawa na si John Prats. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang ilang mga kwento tungkol kay John, kabilang na ang tungkol sa kanyang pagkanta. Pinuri rin niya ang maraming mabubuting katangian ng aktor-direktor, parehong personal at propesyonal. Sa dulo ng kanyang post, muling binati ni Isabel si John.

Samantalang noong 2024, ibinahagi ni Isabel Oli sa Instagram kung gaano siya ka-thankful sa isang natupad na panalangin. Ibinunyag niya na ipinagdarasal niya ang pagkakaroon ng karagdagang sasakyan lalo na't magsisipasok na muli ang mga anak nila sa paaralan. Labis ang kanyang tuwa nang malaman na siya at ang kanyang asawang si John Prats ay mag-eendorso ng dalawang sasakyan mula sa D*ng Feng Motors.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco