“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex

“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex

  • Nilinaw ni Bea Borres na wala siyang balak makipag-co-parent kahit pa may mga usapan tungkol sa ama ng kaniyang dinadala
  • Sa isang pahayag sa social media, inamin ng kaniyang ex-boyfriend na si Meray Yamada ang kagustuhang maging parte ng buhay ng kanilang anak at nabanggit pa niya ang gender nito
  • Sagot naman ni Bea, hindi niya kailanman ipinahayag sa publiko kung sino ang ama at kung ano ang kasarian ng kaniyang baby
  • Patuloy na pinipili ni Bea na manatiling nakatutok sa kaniyang pagbubuntis at sa sarili niyang terms sa kabila ng ingay sa social media

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Mainit na pinag-uusapan ngayon online ang pangalan ni Bea Borres matapos niyang linawin ang isyu tungkol sa kaniyang pagbubuntis at sa usaping co-parenting. Ang aktres at content creator ay kasalukuyang umaani ng pansin matapos i-share sa isang vlog ang emosyonal na sandali nang malaman niyang siya ay nagdadalang-tao.

“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex
“I never even revealed na siya yung dad”: Bea Borres, dismayado sa pagbubunyag ng ex (📷Bea Borres/Facebook)
Source: Instagram

Sa isang Facebook post, malinaw ang kaniyang naging pahayag: “I’m really not gonna co-parent po with anyone.” Ayon kay Bea, wala siyang balak makipag-hati sa pagpapalaki ng kaniyang anak, at nais niyang kontrolado ang direksiyon ng magiging buhay nila.

Read also

Yen Santos, nagbigay ng pahayag para sa kanyang mga bashers

Samantala, sa kabilang panig, nagsalita rin ang ex-boyfriend ni Bea na si Meray Yamada, isa ring content creator. Sa isang ngayon ay burado nang komento sa TikTok, sinabi niyang hindi niya intensyong talikuran ang responsibilidad bilang ama. Idinetalye pa niya ang kagustuhan niyang maging aktibong parte sa buhay ng kanilang magiging anak. “Things may have not worked between Bea and I, but I never said I didn’t want to be there for our baby,” sulat ni Meray. Dagdag pa niya, “My daughter deserves nothing but the best and I will work every day to give her the life, love and support she deserves.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi nagustuhan ni Bea ang pagbubunyag ng ganoong impormasyon. Sa isang TikTok video, nilinaw niya na hindi niya kailanman ibinahagi sa publiko kung sino ang ama o kung ano ang kasarian ng kaniyang baby. Aniya, “I never even revealed na siya yung dad.” Dagdag pa niya, wala rin siyang balak pangalanan ang ama: “Wala talaga akong balak magsalita, sabihin na siya yung tatay, but there you go.”

Read also

Kim Chiu, emosyonal nang sorpresahin ng BFF na si Bela Padilla

Sa kabila ng mga isyung ibinabato at spekulasyon sa social media, nanatiling kalmado si Bea. Pinipili niyang ituon ang kaniyang oras at lakas sa pagbubuntis at patuloy na ipinamamalas na ang journey na ito ay isa niyang personal na laban at responsibilidad.

Si Bea Borres ay kilalang aktres at social media content creator na unti-unting nakilala dahil sa kanyang vlogs at relatable posts. Kilala rin siya sa kanyang pagbibigay ng payo at personal na kwento sa kaniyang mga tagasubaybay, lalo na sa mas batang audience. Ang kanyang pagbubuntis announcement ay nagdulot ng malaking reaksiyon sa social media, na naglagay sa kanya sa sentro ng public attention. Sa kabila nito, pinili niyang maging matatag at diretsahan sa pagharap sa isyu, bagay na mas nagpalapit pa sa kaniya sa kanyang followers.

Kamakailan lamang, nagbigay ng reaksiyon si Bea matapos tawagin siyang “single mom” ng ilang netizens kasunod ng kaniyang pregnancy announcement. Sa kaniyang pahayag, sinabi niyang hindi siya nasasaktan sa label at pinili niyang yakapin ito bilang bahagi ng kaniyang bagong journey. Maraming netizens ang nagpahayag ng suporta at paghanga sa kaniyang katapangan.

Read also

Netizens, naantig sa suporta ni Alex Gonzaga sa pagbubuntis ni Bea Borres

Samantala, nag-post din si Bea ng paalala para sa kaniyang mas batang followers matapos lumakas ang online discourse tungkol sa kaniyang pagbubuntis. Sa kaniyang Facebook post, sinabi niyang nais niyang maging malinaw sa mga kabataang nanonood ng kaniyang content na dapat maging responsable at handa bago pumasok sa seryosong sitwasyon tulad ng pagiging magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate