Mariel Padilla, tuwang-tuwa sa “best anniversary gift” mula kay Sen. Robin: “Goodbye bigote!”

Mariel Padilla, tuwang-tuwa sa “best anniversary gift” mula kay Sen. Robin: “Goodbye bigote!”

  • Mariel Padilla ipinakita ang regalo na kaniyang natanggap mula kay Sen. Robin Padilla para sa kanilang ika-15 anibersaryo ng kasal
  • Matagal nang hiling ni Mariel na mawala ang bigote ng kaniyang asawa at ngayong taon ay natupad na rin ang kaniyang matagal na inaasam
  • Ibinahagi ng celebrity vlogger ang video kung saan makikitang siya mismo ang naggupit ng bigote ng kaniyang asawa habang nagtatawanan sila
  • Maraming celebrities ang bumati sa mag-asawa at napansin din ng netizens ang bagong look ni Sen. Robin na mas “fresh” umano sa kaniyang no-bigote style

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Masayang ibinahagi ng celebrity vlogger na si Mariel Padilla ang natanggap niyang espesyal na regalo mula kay Sen. Robin Padilla para sa kanilang ika-15 anibersaryo ng kasal. Sa halip na material na bagay, tinupad ni Robin ang isa sa matagal nang hiling ng kaniyang asawa—ang mawala na ang kaniyang iconic bigote.

Mariel Padilla, tuwang-tuwa sa “best anniversary gift” mula kay Sen. Robin: “Goodbye bigote!”
Mariel Padilla, tuwang-tuwa sa “best anniversary gift” mula kay Sen. Robin: “Goodbye bigote!” (📷: @marieltpadilla / Instagram)
Source: Instagram

Sa isang reel na in-upload ni Mariel sa Instagram, makikitang siya mismo ang naggupit ng bigote ng senador. “15th anniversary gift!!!! FINALLY!!!!! Goodbye bigote thank you babe @robinhoodpadilla ilysm,” masaya niyang ibinahagi.

Read also

Ilang pasilip sa 50th birthday celebration ni Carmina Villaroel, viral

Kwento ni Mariel, tatlong beses na niyang sinubukang ipagpilitan na alisin ang bigote ng kaniyang asawa sa iba’t ibang espesyal na okasyon. Ngunit hindi siya pinalad noon dahil tutol si Robin na mawala ang kanyang signature look. Ngayong 15th anniversary nila, nagbago ang isip ng senador at pinayagan na rin si Mariel na gawin ang matagal na niyang hiling.

Sa video, makikitang nagtatawanan ang mag-asawa habang inahihit ni Mariel ang unang bahagi ng bigote ni Robin. “Ok na to,” biro pa ng senador matapos gupitin ang maliit na parte, ngunit hindi nagpatalo si Mariel at itinuloy hanggang tuluyan nang mawala. Kalaunan, ipinakita rin niya ang finished look ni Robin sa kanyang mga followers na ikinatuwa ng marami. “Best anniversary gift!!!!!!!” ani Mariel sa caption.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi lang mga netizens ang natuwa, kundi maging mga celebrity friends na agad bumati sa kanila at nagbigay ng congratulatory messages para sa kanilang milestone. Bukod sa pagbati, marami ring pumuri sa mas batang itsura ng senador na ngayon ay walang bigote.

Read also

Post laban kay Vice Ganda, itinanggi ni Anne Curtis: “Hindi galing sa akin ‘yan”

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay unang nakilala bilang host ng reality show na Pinoy Big Brother. Sa loob ng maraming taon, naging isa siya sa mga kilalang TV hosts bago piniling ituon ang oras sa kaniyang pamilya nang sila ay magkaanak ni Sen. Robin. Bukod sa pagiging hands-on mom sa kanilang dalawang anak, pinasok din niya ang vlogging at online selling na naging karagdagang kabuhayan. Kilala rin siya sa pagsuporta sa political career ng kaniyang asawa, na ngayon ay nagsisilbing senador.

Kamakailan lang, masayang ipinakita rin ni Mariel ang highlights ng kaniyang ika-41st birthday celebration. Sa kanyang social media post, ibinahagi niya ang mga larawan at videos ng gathering kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Simple man ang handaan, ramdam ang pagmamahalan sa pamilya Padilla at marami rin ang bumati sa kaniya online. Basahin ang buong ulat dito.

Bukod pa rito, naging tampok din ang mga anak nina Mariel at Robin matapos dumalo sa birthday party ng anak ni Toni Gonzaga at Paul Soriano na si Polly. Ayon sa mga larawan, nakita ang bonding moments ng mga anak ni Mariel kasama si Alex Gonzaga na tila naging instant tita figure para sa kanila. Ang naturang kaganapan ay nagbigay ng masayang vibe sa social media, lalo na sa mga fans ng pamilya Padilla.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate